Promises Are Meant To Be Broken.

2K 85 48
                                        

Patrice's POV

"Thank God you guys arrived safely!!"

Andito kami ngayon sa Isabela para bisitahin ang family ni Ricci dito. We will be leaving on November 7, Saturday kaya bumisita na kami dito.

Mahigpit akong niyakap ni Tita Abi. Si Ryle naman, agad nakipaglaro kay Tito Riley at Tito Ashton niya.

Lumapit si Ricci sa mommy niya at niyakap ito. Hinanap ko si Ryle at hiniram saglit kela Ashton para makapag-kiss siya sa lola niya.

"Ryle, anak. Si lola oh."

"Lola!!"

Yumakap si Ryle kay tita Abi at hinalikan ito.

"Nako! Parang ang bilis mo naman ata lumaki baby Ryle!!"

Maya-maya pa, we ate lunch. Masaya lang kaming kumakain at nagkukwentuhan sa hapag. Katulad dati, pinagmasdan ko ang masasayag mukha nung mga taong kasama ko sa dining table and felt what I felt when I had to leave 2 years ago. I can feel my tears going up to my eyes. Pinipigilan ko lang itong tumulo. Ayoko namang umiyak habang kumakain. Naluungkot ako kasi mahihiwalay nanaman ako sa mga taong malapit sakin. It's so hard to live in a foreign country. Napakahirap ma-homesick sa totoo lang. Ang iniisip ko na lang, at least this time, alam nilang aalis ako at alam nila na pwedeng-pwede nila akong puntahan dun anytime.

Nung matapos kami kumain, we all gathered in the living room except for tito Paolo and tita Abi and watched a movie. Tumabi si Ryle sa tito Prince at tito Rasheed niya. I was sitting beside Riley tapos si Ricci naman nasa kabilang dulo, katabi si Ashton. He was busy with his phone simula pa kanina.

After ng birthday ko, things started to change between me and him. Nararamdaman ko yung unti-unti niyang paglayo sakin. Hindi naman to the point na hindi niya ko pinapansin pero alam ko at ramdam kong ibang-iba na ngayon. Yung dating comfortable silence namin, napalitan na ng awkward silence. Kapag bibisitahin niya si Ryle sa bahay, pupunta lang siya tapos hahanapin si Ryle sakin. Ang susunod na usap na namin nun ay pag magpapaalam na siya na uuwi na. And speaking of that, huling beses na rin siyang natulog sa bahay nung araw ng birthday ko. Hindi na rin siya nakikipagbiruan sakin. He became so.... serious.

I don't even know if we're still friends eh. Parang naging acquaintances na lang kami. Feeling ko nga kung wala si Ryle, hindi na siya magpapakita sakin ulit after ng birthday ko. And it hurts.. a lot. Just thinking about his cold treatment to me got me teary-eyed kaya I excused myself and went to the kitchen to get a glass of water and to calm myself down.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Ito ba yung paraan niya para maka-move on na sakin completely? Ito ba yung way niya para mawala na yung feelings ko para sa kanya? If so, sana naman ininform niya ko. Sana maging fair naman siya at sinabi niya sakin para sabay kami. Sabay kaming makalimot at maka-move on. Hindi yung ganto na puro tanong na lang yung nasa isip ko kung bakit bigla siyang naging ganyan sakin.

Bumalik ako sa kinauupuan ko and stole a glance at him. Hindi pa rin siya matinag sa cellphone niya. Whatever, I'll just focus on the movie.

"Dito na kayo sa kabilang room matulog ni Ryle, anak."

"Sige po tita, thank you po."

"Maiwan ko na kayo diyan ha."

"Sige po tita. Goodnight po."

Lumabas na sa kwarto si tita. Si Ricci naman ang pumasok.

"But I want to sleep beside my son too."

"Mahihirapan makatulog si Ryle kapag hindi niya ko katabi Ricci."

"Hindi naman talaga siya natutulog sa tabi mo di ba?"

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon