Patrice's POV
"Hello? Ma'am Patrice? Kamusta ho?"
"Kuya Marco. I need your help."
"Ano yun ma'am? Kahit ano po yan, tutulong po ako."
"Ano ho ba ang pinagkakaabalahan miyo ngayon?"
"Nako ma'am, wala nga eh. Kakauwi ko lang kasi galing Saudi. Nagsarado yung kumpanya na pinagtayrabahuhan ko. Bodyguard rin ho ako ng may-ari ng kumpanya."
"Pwede ka bang...bumalik ng trabaho?"
"Sa inyo po ni Sir Ricci ma'am? Nako bukas na bukas din sasakay na ko mg bus papunta diyan."
Pareho kaming natawa.
"Opo kuya. Pero there's one more person you need to look after. Sa aming tatlo, siya ang kailangang-kailangan nating mabantayan."
"Sino ho ma'am?"
"Basta. Dito na lang din ho tayo magkwentuhan pagdating niyo. Send mo na lang po sakin ang account details para makapagpadala po ako ng pera sa inyo ngayong araw."
"Sige po ma'am. Maraming salamat ho."
"Thank you din kuya."
Binaba ko na ang tawag. After what happened with Alex, umuwi na si Kuya Marco ng Quezon dahil natanggap siya dun sa company sa Saudi. Kami ni Ricci ang sumagot sa ginastos niya papunta dun. Sa totoo lang, kulang pa yun para sa serbisyong nagawa niya para samin. It's not easy to keep someone safe all the time. Akala nung iba, madali maging bodyguard pero hindi. Your life will always be at stake lalo na kung high-profiled ang boss mo.
I'm another step closer to doing all of my plans. Pero ang dami ko pang kailangan gawin. At hanggang ngayon, Ricci has no clue or whatsoever sa mga ginagawa kong plano. Kung dati ay siya ang laging gumagawa ng paraan para maging safe kami, this time ako naman. At hindi lang safety namin ngayon ang iniisip ko. I'm putting an end into all of this bullshit. Oras na para maging maayos na talaga ang buhay namin. Kung dati, natatakot ako at impulsive sa mga desisyon ko, not this time. Inisip at pinagplanuhan kong mabuti ang bawat kilos at gagawin ko. Buti na nga lang may graduation practice si Ricci ngayon.
Tumawag ako sa bahay para kamustahin si Ryle. Kinuha kasi siya nila daddy dito sa condo kasi nakiusap ako kung pwede muna nilang bantayan si Ryle kasi may aasikasuhin ako.
"How's my son, mom?"
"Ito, walang ginawa kundi manood. Pero okay lang kasi pinlug ko yung hard drive niya na puro educational videos. Natapos mo na lahat ng kailangan mong asikasuhin?"
"Hindi pa ma. I have one meeting left. Paalis na rin naman ako, tumawag lang ako para kamustahin si Ryle. Ricci and I will pick him up later."
"Okay sige, mag-iingat ka."
"Opo."
—
"Attorney."
"Goodafternoon ho, ma'am."
Dito kami nagkita sa Starbucks sa Macapagal Avenue. I'm seeking legal assistance na para makasuhan ulit si Dominic.
"Lumabas na rin ho ang results ng drug test ni Sir Ricci ma'am. Ito po yun."
Inabot niya sakin ang isang envelope na may lamang maraming papel. Unang page lang ang tinignan ko which made me smile big.
Negative.
Alam ko naman na he was never a drug user pero still, I felt relieved dahil may proof na kami. And he will be able to graduate!
"Na-approve na rin ho ang pangalawang TRO na sinubmit natin. That means, Dominic will no longer be able to come near to any of you and Sir Ricci's family members."
BINABASA MO ANG
After All This Time
Fiksi PenggemarIn one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci and Patrice? Will their love for each other survive and deepen despite the distance and longing or wil...
