Patrice's POV
"Babe, don't you think we should start planning na for the wedding?"
Papunta kami ni Ricci sa house nila mommy para sunduin si Ryle. He spent the whole day with his grandparents kaya marami rin kaming na-accomplish ni Ricci today tulad ng pag-punta sa mga lote ng bahay na nahanap ko online. Wala siyang nagustuhan ni-isa. Sobrang liit daw or minsan naman sobrang laki or panget daw yung location. Meron daw siyang nahanap na lot online. Sa area lang din daw malapit sa bahay nila mommy. Kaso, hindi pa daw niya nakakausap yung sales agent kaya hindi pa namin pwede mapuntahan ngayon.
Pagka-sundo namin kay Ryle, dumiretso kami sa isang Korean restaurant sa BF Parañaque because I suddenly craved for samgyeopsal.
Sobrang dami kong nakain. I had three bowls of rice at naka-12 servings kami ng meat. Hindi na kasi kami naka-kain ng meryenda kanina after looking at the lots kaya gutom na gutom ako.
"Sa likod ka na din umupo babe para mapatulog mo si Ryle. Tignan mo yung mata niya oh. Pinipigilan niya pa na pumikit hahaha ang cute."
I smiled and nodded.
Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa condo. Ako na ang nagdala ng baby bag ni Ryle dahil si Ricci ang may buhat sa kanya. Nakatitig lang ako sa mag-ama ko habang nakasakay kami sa elevator. I can't help but smile. Napansin ni Ricci ang pagtitg ko kaya tumingin siya sakin at ngumiti.
Pagdating namin sa condo, dahan-dahan naming binihisan si Ryle para hindi na maistorbo ang tulog niya. Pagkatapos nun, nagpaiwan si Ricci sa kwarto ni Ryle tapos ako dumiretso na sa banyo. May sariling kwarto na si Ryle and simula nung dun siya natutulog, never pa siyang umiyak. Almost two weeks na rin simula nung natulog siya sa spare room na ginawa naming baby room niya. We just make sure na we leave the dim lights open para hindi siya matakot just in case magising siya. Pero so far, wala pa namang ganung instance. Inaasar nga ako ni Ricci, sakin daw nagmana si Ryle pagdating sa pagtulog. Basta malapat lang yung likod, tulog na agad.
Paglabas ko ng banyo, wala pa si Ricci sa room namin kaya pumunta ako sa kwarto ni Ryle.
"Ba—"
Ricci was doing butterfly kisses on Ryle.
"I love you baby. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo."
Napangiti ako sa nakita ko and tinignan lang si Ricci. I've had a lot of realizations in life pero siguro this one's the best yet. Yung kahit gaano ka-hirap na problema pa yung ibigay sakin or kahit lahat ng tao, talikuran na ko, as long as I have Ricci and Ryle, everything will be alright. Maybe because they're the reason behind all of the things I'm doing now. Sila na ang nagiging inspirasyon ko. Dati it was just Ricci pero ngayon, may little angel na dumagdag. And I'd be forever thankful for him. Hindi ko alam dati na pwede palang maramdaman yung ganito ka-strong at ka-passionate na love. Yung kaya kong gawin lahat para sa dalawang taong nasa harapan ko.
—
I woke up because of Ricci's alarm. Inabot ko yung phone niya tapos pinatay ito. I tapped him lightly and started to wake him up.
"Babe nag-ring na yung alarm mo."
"Mm... 5 minutes."
I rolled my eyes and chuckled. He has graduation practice today. DLSU lets him attend the practice hanggang lumabas ang results ng drug test. Hindi ko nga alam bakit hindi pa nila winave off yung binigay na results sa kanila eh hindi naman pala sila ang nagpa-conduct.
Bumangon na ko and went inside the bathroom to do my morning rituals. After, ginising ko na ulit si Ricci. Bumangon naman na siya this time and went inside the bathroom to prepare. Ako naman, naghanda na ng breakfast.
BINABASA MO ANG
After All This Time
Fiksi PenggemarIn one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci and Patrice? Will their love for each other survive and deepen despite the distance and longing or wil...