Let Go and Let God.

1.9K 93 8
                                    

Patrice's POV

I woke up at around 4:30 in the morning. Ryle and Ricci were both sleeping soundly. Napangiti ako nung makita kong parehong-pareho ang itsura ng mag-ama ko. Eyes were slightly open as well as their lips. Pareho pang nakabalot ng kumot. Dahil hindi ako makatulog, I went to the bathroom to pee and brush my teeth. Pagkatapos ko, dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at pumunta sa may dagat. Malamig yung simoy ng hangin cause it's almost December already. The sound of the waves were music to my ears. Nakakarelax pa rin talaga para sakin yung paghampas ng tubig sa mga bato.

Sa sitwasyon namin ni Ricci ngayon, dalawang bagay lang yung nararamdaman ko. Sobrang saya at sobrang panghihinayang.

No words can explain how happy I am because of him. Masaya ako kasi kahit na napaka-gulo ng relasyon namin at hindi malinaw kung ano nga ba talaga kami, he still makes everyday feel like heaven. Meron talagang unexplainable happiness na nabibigay sakin ni Ricci. A different kind of happiness na siya lang ang makakapag-bigay at makakapag-paramdam sakin.

At kahit ayaw ko man, sobrang panghihinayang rin yung nararamdaman ko. Kasi kahit saang anggulo mo tignan or kahit anong isipin mo, or kahit pagbalik-baliktarin mo pa lahat, nakakapanghinayang lang talaga.

Sayang kasi, yung relasyon na sinubukan naming itayo at patibayin all throughout the years, all the sacrifices we've made para lang mag-work out to, nabalewala lang lahat. Nasayang lang lahat. They say, it's normal for couples to have problems in their relationship because all of these problems will make you both stronger. Pero I've come to realize na hindi lahat ng relasyon ganun. Not all problems can make the relationship stronger. Some will definitely break you and make you give up. Na kahit anong pilit mong ipaglaban ang kung anong meron kayo, balewala lang. Kasi hindi lahat ng relasyon pinapatibay ng problema. Meron at merong relasyon ang bibigay at matatapos sa bigat ng kailangan nilang pagdaanan. Katulad na lang ng relasyon namin ni Ricci.

Isa lang talaga yung panalangin ko. Na sana kami na yung huling magka-relasyon na pagdadanan yung ganitong kabigat na pagsubok sa relationship. Cause nobody deserves to experience what we have experienced.

Oo, masakit maiwanan. Masakit makipaghiwalay pagkatapos mong ipaglaban ang relasyon. Pero alam niyo kung ano yung mas masakit?

Yun yung pagkatapos mong lumaban, ibigay ang lahat ng pwede mong ibigay, isakripisyo pati kasiyahan mo sa pag-aakalang mapaplitan ito ng mas higit na happiness tapos pagdating sa dulo, talo ka pa rin?

Yun yon. Yung ang pinakamasakit sa lahat.

I can't help but to tear up a little bit. Masakit para sakin to. Napakasakit sa pakiramdam na yung taong gusto mong ibigay yung buong mundo mo, ay hanggang kaibigan mo na lang talaga. Masakit kasi hindi ko na mabibigay sa anak ko yung kumpletong pamilya. Natatandaan ko dati nung naghiwalay ang mga magulang ko, I promised myself na hindi ako papayag na hindi magiging buo ang pamilya ko. It's so hard to have a broken family. Pero ngayon na ganito yung sitwasyon namin, parang naiintindihan ko na rin kung bakit kinailangan gawin ng parents ko yun. I do hope when Ryle gets a little older, maintindihan niya kung bakit hindi na pwedeng mabuo pa kami as a family. Nagulat ako when a blanket was draped over my shoulder. I looked back and found Brent smiling at me.

"Can't sleep, bff?"

Nginitian ko siya.

"Yeah. Ikaw din?"

"Yup. Lalabas din talaga ko kaso pagsilip ko, nakita kitang nakatayo kaya kumuha ako ng something to cover you up. Malamig kaya. Tsaka, may dala akong ganito oh!!"

Tinaas niya yung isa pang blanket na dala niya. Nilatag niya ito sa may sand tapos umupo kami pareho.

"So, how are you?"

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon