Not The Right Time.

4.1K 93 136
                                    

Patrice's POV

"Dito na kayo sumakay samin, Tin at Cookie."

"Sige po."

Papunta na kami ng hotel para mag-check in. Kami lang ni Ricci, Brent, at Ryle ang nakasakay sa kotse ko. Si Tin at ate, kela mommy. Tapos sila kuya Prince at yung ibang brothers ni Ricci, sa kotse nila tito Paolo.

"Nag-usap na kayo ni bff, Cci? Kayo na ulit?"

"Hindi naman kami naghiwalay ah?"

Ngiting sagot ni Ricci.

"Yun naman oh! Pero eto seryoso, I'm happy for the both of you. Pero mukhang mas happy yang makulit na baby sa harap eh. Kanina pa nakangiti sa daddy niya oh."

Lumingon si Ricci at kinurot ang pisngi ng anak niya.

"Cci, baka masaktan anak mo! Gago to hahaha kinurot kasi!"

"Hindi naman madiin yun eh!"

"Tsss. Ryle, sama ka kay tito Brent hihihi!!"

Brent started to make faces kaya Ryle started to laugh. Binigay ko muna siya kay Brent. Hindi biro ang magkandong ng baby ah haha. Pinagmasdan ko si Ricci habang nagdadrive. Ang gwapo gwapo pa rin talaga niya. Walang nagbago sa kanya kundi yung laki lang ng katawan pero hindi rin naman masyado. Sakto lang hahaha. Lumingon siya sakin at nginitian ako. He grabbed my left hand and intertwined it with his right.

"Baby look mo oh! Holding hands si mommy and daddy! Yiee kinikilig naman ako hahaha!"

Puro tawanan at kwentuhan lang kami the whole ride going to the hotel. Pagdating namin, pina-confirm ni tita yung pinareserve niyang rooms. Nung binigay na sa kanya ang key cards, dinistribute niya na ito sa amin.

"Ricci, Patrice, you have your own room."

Inabot ni tita yung key card sakin. Buhat buhat kasi ni Ricci si Ryle.

"Mommy why can't I stay with Sahia, Achi and Ryle? I wanna stay with them!"

"Riley, honey let achi and sahia bond first. They've missed each other oh."

"I missed achi din naman and I wanna play with Ryle mommy please?"

"Oo nga mommy, gusto din po namin makipagplay ni kuya Allen kay baby."

"Riley, Ashton, your achi needs to rest pa kasi pagod pa siya from her flight. And sige hihiramin natin si Ryle later so you could play with him. Okay ba yun?"

Pinuntahan ko si Riley at si Ashton and kissed their cheeks.

"I promise you baby, we'll play tomorrow okay? Rest muna tayo tonight okay lang ba yun? Napagod kasi si achi mag-alaga kay baby Ryle eh. Pero pwede niyo naman kunin si Ryle later para magplay kayo."

"Hmm... okay. Pero tomorrow help kita mag-alaga kay Ryle achi ha?"

"Okay baby boy. Love ka ni ate okay? Kiss mo na ko."

I bent down and pouted. Ngumiti si Riley at kiniss ako.

"I love you too achi!! Marry my sahia na so you can have lots of babies na."

Nagulat kami sa sinabi ni Riley.

"Riley, saan mo natutunan yan?"

"From kuya Brent, dihia. He told me achi needs to marry sahia para may baby na ulit cause ate can't do magic na to cast a spell for a baby. He needs sahia's help pero they...umm need to get married first like mommy and daddy."

Naglingunan kami nila kuya Prince kay Brent tapos sila mommy at tita tumawa lang.

"What? Tinatanong niya kasi ako kung magician daw ba ang ate Patrice niya kaya biglang nagkababy. Sabi ko na lang oo. Tas sabi sakin magpapamagic daw siya ulit para may bagong baby ulit tapos sinabi ko sa kanya hindi pwede dapat magpakasal muna sila kasi hindi na kaya ni Pat magmagic mag-isa. Kailangan na niya si Ricci hahaha!"

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon