Basketball As My Girlfriend.

3.5K 102 46
                                    

Patrice's POV

"Ricci anak, mag-usap tayo saglit."

Tumingin si tito Paolo sakin.

"Sandali lang Pat ha? May pag-uusapan lang kami ni Ricci."

Ngumiti ako.

"Sige po tito okay lang po."

Kinuha ko si Ryle kay Ricci. Agad namang humabol ang bata sa daddy niya.

"Baby, maguusap lang si daddy and si daddy-lolo oh."

Lumapit si kuya Rasheed sakin.

"Halika muna Ryle, punta tayo dun oh!! Ako na muna ang bahala sa kanya, baby sister. Tapusin mo muna ang pagkain mo."

Kinarga ni kuya Rash si Ryle at ngumiti sakin.

"Thanks kuya."

"No problem."

"Dihia, sama si Riley!!"

"Ako din!!"

Nagsitayuan lahat ng brothers ni Ricci except kay kuya Prince na hindi pa rin tapos kumain. Si Ricci and si tito Paolo, naglakad palayo sa table namin. It must be something serious. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko at nakipagkwentuhan kay kuya Prince.

Ricci's POV

"Nagbukas ka na ba ng accounts mo anak?"

"Hindi pa po dad."

"Tumawag din si Mark sakin. Tinatanong kung sino daw yung kasama mo dun sa pinost mo sa snapchat na baby."

Hindi ako sumagot at nakinig lang kay daddy. Inakbayan niya ko.

"Alam mo anak, I know kung gano mo gustong ipakita sa buong mundo ang baby mo and I have nothing against that. Pero anak, you should have waited na makabalik tayo ng Manila. Dapat inintroduce mo muna siya sa mga malalapit na tao sayo. To your lolos and lolas. Tapos sa mga tito at tita mo, sa mga pinsan mo. Sa teammates mo at sa friends mo."

Tumango lang ako. I completely understand where dad is coming from. Dapat hindi muna ako nagpost hangga't di pa ko ready magsalita about kay Ryle.

"What are you going to do about this now, anak? Nagkakagulo ang supporters mo sa twitter, sa facebook, everywhere."

Nag-isip muna akong mabuti.

"I will call Sir Mark, dad. I'll explain everything to him first. Siya naman po ang manager ko eh. Tapos I'll call Miles and invite them po siguro for dinner para maipakilala ko na si Ryle sa kanila."

Tinapik ni daddy ang likod ko.

"Sige anak. I will not be entertaining questions about Ryle from your supporters for now. You should talk with sir Mark muna. Kakausapin ko na rin muna ang mga kapatid mo na wag munang magrereply. You can handle this. Right, son?"

"Opo dad."

"That's my Ricci."

Niyakap ako ni dad.

"Your mom and I are here to support you. Alam mo yan."

"Yes dad."

Tinawagan ko agad si Sir Mark pagkatapos naming mag-usap ni daddy.

"Hello Ricci?"

"Hello."

"Oh ano na? Nagkakagulo ang fans mo sa twitter. Nagkalat yung snap mo."

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon