Dying To Know, Afraid To Find Out.

1.7K 74 138
                                        

Ricci's POV

It's been two weeks since I left SG. Nandito kami ni Brent sa Razon. Kakatapos lang ng training pero nagpaiwan kami to do additional drills and shooting. Si Prince? Ayun, nauna na dahil may date.

"Ricci, uuwi daw sila Pat ngayong pasko. Sinabi ba sayo?"

"Yup."

"Kaya lang pare, sinabi rin ni Andrei sakin na dadating rin daw si Alex. Nabasa daw niya sa Viber ni Maddie. Aayusin daw yung pag-transfer ng medical papers ng mommy niya dito. Dito na lang ata itutuloy yung pagpapagamot."

"Oo nga eh."

"Ready ka na ba pare?"

Kumunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"Eh mukhang nakahanap na ata ng katapat yang si Alex eh."

"Who?"

"Edi si Eunice. Grabe, that girl's head over heels for you. Well, positively ha."

"I don't want her to get involved in this."

"Well, sabi niya sakin hindi daw siya magpapapigil sayo. Tsaka hayaan mo na pre, she's a strong girl katulad ni Pat. Yun nga lang magkaiba sila ng way of showing their strength. Oo nga pala pare speaking of the two, nag-usap kami ni Pat the other day. Sabi niya medyo close na daw sila ni Eunice ah. Inaasar ko pa nga nung una. Sabi ko baka pinaplastic niya lang pero hindi daw."

"Alam ko nag-usap sila nung pumunta kami sa SG. She wants me to pursue her."

"Seriously? Sinabi ni Pat yun?"

Tumango ako.

"Oo nga, Cci. Why don't you try? She's a nice girl naman."

"Kaya nga nagdadalwang isip ako, Brent kasi she's a nice girl. She shouldn't be involved with a man like me."

"Bakit kriminal ka ba?"

"Gago. You know what I mean."

"Oo nga pero tama naman si Pat eh. She wouldn't say that kung alam niyang Eunice wouldn't do any good to you. Sa tingin mo ba ipapaubaya ka nun kung alam niyang magiging toxic lang si Eunice sa buhay mo?"

Hindi ako sumagot at shinoot ang bola.

"Malay mo, siya pala yung makakatulong sayo to solve all of this di ba? Give that girl a chance. Alam mo naman tayo, basta meron, g lang! HAHAHA!"

"Tarantado. Wag mo kong itulad sayo na bayo lang ng bayo."

"Hahahaha! Gago ka talaga, iba nanaman dating sayo ng sinabi ko! Tara na nga, tayo na lang naiwan dito."

We went to our things and went straight to take a warm shower. Pagkatapos, lumabas na kami ng Razon. Habang naglalakad pabalik sa dorm, kuya Marco sent me a text telling me that Alex arrived today at nagpapasundo daw sa airport kaya umalis na raw siya. Akala ko ba bukas pa? At talagang gusto niyang may bodyguard pa siya ah? Eh siya nga tong gustong pumatay ng tao. Nagreply ako sa kanya at sinabing dumiretso na lang siya sa apartment nila pagkagaling niya kay Alex dahil pauwi na rin naman ako.

I called Eunice. Kailangan namin magkita para masabihan ko siya about Alex. She immediately answered the phone.

"Ricci!"

"Hey, kumain ka na?"

"Hindi pa. Nasa practice pa ko. Andito kami sa Henry Sy."

"Tara, kain tayo. Kakatapos lang din ng training. I'll go there."

"Okay, see you."

Binaba ko na yung phone.

"Pinagpalit mo nanaman akong gago ka ah."

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon