Face The Consequences.

1.8K 64 4
                                        

Patrice's POV

"Kami na lang ang maghihintay ni Ryle kay kuya Marco dito."

"Sige, babe. I really need to leave already. Before 1 dapat nandun na ko kaya I'll be leaving okay? Ikaw na ang bahala sa anak natin."

Tumango si Ricci at niyakap ako.

"Take care babe. Mag-iingat ka. Susunod kami agad dun pagdating ni kuya Marco."

I pulled away.

"Ingat din kayo Ricci. I love you."

He smiled sweetly and kissed me on the lips.

"I love you so much more, Misis Ricci Rivero."

Nginitian ko siya at naglakad na papunta sa pinto. Lumabas na ko and walked towards the elevator. Pagbabako sa 2nd floor kung san ako naka-park, pumunta na ako sa kotse at sumakay. I fastened my seatbelt and started the engine then drove off.

1:02 na nung makarating ako sa police station ng isang baranggay dito sa Capas Tarlac kung saan pinatayo ang isang warehouse ng company namin.

"Ma'am."

Sinalubong ako ni Angie sa may labas.

"Angie, kamusta? Are they waiting for me?"

Naglakad na kami papasok.

"Opo ma'am. Nasa loob na po sila ng conference room. Dito po tayo."

Pumasok kami sa isang kwarto. The police officer was seated at meron ding dalawa pang pulis na nakaupo sa tapat niya.  Nag-angat ito ng tingin at tumayo. Lumapit ako at kinuha ang nakalahad niyang kamay.

"Goodafternoon po, Ms. Tolentino. Ako po ang chief of police dito sa ating baranggay tapos ito naman po si PO1 Marquez at PO1 Gonzales na nag-iimbestiga ng kaso niyo."

"Goodafternoon sa inyo."

Umupo na kami at sinimulan ang pagdiscuss sa kaso.

"Na-interview ho namin ang suspect ma'am. According po sa kanya, napag-utusan lang ho siya ng isang tao dahil binalaan daw po siyang papatayin ang pamilya niya kapag hindi siya sumunod. Pero ayaw naman ho niyang aminin sa amin kung sino ang gumawa. Natatakot raw ho siya sa posibleng mangyari. Ito ho ang ibang naging statements niya sa papel na ito."

Inabot sakin ni Mr. Marquez ang isang police record. Nakasulat dito ang naging interview nila sa suspect.

"Bente anyos lang ho siya ma'am kaya posible ngang nagsasabi ng totoo ang bata na napag-utusan nga lang siya. At hindi naman ho siya nanlaban nung hulihin namin siya. Hindi ho siya tumakbo o sumubok na tumakas. Kusa rin po siyang sumuko nung gabing yun."

"Naka-detain pa rin ho ba siya dito?"

"Yes ma'am. Kinasuhan na po siya ng Arson. Ang question ho namin sa inyo, meron ho ba kayong naiisip na pwedeng gumawa nito sa inyo? Kung sinasabi ho kasi ng taong ito na napag-utusan lang ho siya, eh malamang merong taong nasa likod nito syempre."

"Actually, meron nga. Pero before ako mag-drop ng names, posible ba na kausapin ko ang taong gumawa nito?"

"Sigurado ho ba kayo ma'am? Hindi po natin alam ang pwede niyang gawin sa inyo pero ipauutos ko po na pasamahan kayo habang nag-uusap kayo."

Tumango ako. Tinaguan ng chief of police and dalawa pang pulis na kasama namin at nagsalita.

"Sige, pakisundo niyo ang suspect. Nasa opisina lang ho ako ma'am. Uutusan ko na lang ho sila na tawagin ako pagkatapos niyong mag-usap para mapag-usapan ho natin ang magiging desisyon sa kaso. Maiwan ko po muna kayo. Salamat po."

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon