Patrice's POV
It's already the third week of September at ito kami, pinaplano na ang baptism ni Ryle. I know he's late for this pero better be late than never right?
"I have finished distributing the invitations babe."
Magkausap kami ni Ricci sa phone ngayon. Nasa school kasi siya kasi may pasok na.
"Really?"
"Yup. Pinasend ko na lang through lbc para less hassle na hahaha."
"You went out alone?"
"Of course not. I have Ryle and the bodyguards with me. Pumunta rin kami saglit ni Ryle kanina sa Robinson's. Binilhan ko siya ng ice cream and I also bought veggies para sa ulam natin. Napagod nga si Ryle eh. Tulog siya ngayon. Nakauwi na rin naman kami."
"Good."
"Tapos na pala ang class mo babe?"
"Yup. Papunta na kong dorm to change clothes for training. I miss you and Ryle already. I wanna go home."
"We miss you too babe. Oh sige na, you prepare for your training na. Papalambutin ko na yung beef para sa dinner natin."
"Anong ulam babe?"
"Nilaga baby."
"Okay. I wanna go home para makakain na ko. Take care. I love you!!"
"I love you most Ricci. Mag-iingat ka diyan. Don't go anywhere without kuya Joey. Pinasunod ko na rin si Kuya Raymond at Kuya Marco diyan tutal nandito naman na kami sa condo."
"Sige. Did you tell them na dumiretso sa Razon?"
"Yup."
"Okay. Sige babe. You take care okay?"
"Yes babe. You too."
Binaba ko na ang phone at dumiretso sa kusina. I got the beef out of the fridge at hinugasan ito. Habang pinapakuluan ko ito, I chopped what needs to be chopped.
It's already 6:30 nung matapos ko palambutin ang beef at pati na rin yung potatoes. Mga 7:30 ko na lang ilalagay yung leafy veggies para saktong dating ni Ricci. I set the table up. Pagkatapos kong ayusin ang lamesa, dumiretso ako sa kwarto at nakitang nakaupo si Ryle sa bed niya at naglalaro ng toy car niya.
"Gising na pala ang baby namin."
Binuhat ko siya at dinala sa living area. Binuksan ko ang TV at binaba siya. Umupoito sa harap ng TV at nanood. Adik talaga sa tv tong batang to. Ginagaya pa niya yung sayaw nung cartoon na pinapanood niya. I sat down and watched him. Napaka-cute ng batang to. I can't help but laugh. Nung narinig niya ang tawa ko, lumingon ito and smiled widely at me revealing his teeth. Anim na ang ngipin niya. Tinubuan nanaman kasi siya ng dalawa kaso this time, parehong sa baba. Ganyan kasi ang habit ni Ryle eh. Pag may nakita siyang nakangiti or may narinig siyang tumawa, tumatawa din siya.
I heard someone entering the passcode kaya tumayo ako. Shit! Andito na si Ricci hindi ko pa naihuhulog yung pechay at repolyo.
"Babe, I'm home!!"
"Daddy!!!"
Naglakad papunta si Ryle sa daddy niya. Agad namang yumuko si Ricci at binuhat ang anak niya.
"Namiss mo si daddy, baby?"
Agad kong sinindihan yung nakasalang ko at hinintay na kumulo ito. Buti na lang nahugasan ko na yung gulay kanina kaya ihuhulog ko na lang ito. Lumapit si Ricci sakin sa kusina.
"Hi babe."
He automatically kissed me on the lips.
"Ang bango ah! Nagutom tuloy ako lalo."
BINABASA MO ANG
After All This Time
FanfictionIn one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci and Patrice? Will their love for each other survive and deepen despite the distance and longing or wil...
