Chapter 10

14.8K 479 50
                                    


A/N: I made a riddle questions for this story, pals. Para may thrill. Lol.

Riddle Question # 1:

"You stick your poles inside me. You tie me down to get me up. I get wet before you do.
What am I?"

#####

Lacey's POV

"You guys should bring this game into thrill."

Mula sa baba. Naririnig ko ang napaka-lakas na boses ni Nashaly dito sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano yung nilalaro nila dahil nang matapos namin bumili ng pagkain ni Selina, inutusan niya na akong umakyat papunta dito.

Yeah. Siya ang nag-utos. Ayaw nga akong paalisin ng mga kaibigan niya pero siya itong kontra ng kontra.

At nandito nanaman ako sa kuwarto ko, nakakulong. Hawak ko si Llama na aking stuffed toy llama. My mom gave it to me when I was a kid. Ito daw yung first gift niya sakin nung first birthday ko.

And hanggang ngayon dala dala ko pa ito dahil ito yung pinakapaborito ko sa lahat ng mga laruan na binigay sakin nung bata.

"Ugh. Gusto ko ng magka-girlfriend!" Reklamo ko at yinakap si Llama. "Bakit kasi hindi ako marunong manligaw?!"

Problemado ako dahil at the age of 21, wala pa yatang nagkaka-gusto sakin. Wala pa akong nakaka-holding hands na babae in public.

Si Selina? Tanong ng isipan ko.

Hmp. She ain't my girlfriend. And hindi ko siya hinahawakan sa kamay in public. Kanina lang. Pero hindi din sa kamay. Sa braso lang. Promise.

Sa private place ko lang talaga siya nahahawakan sa kamay.

"I badly need a girlfriend Llama. How could I get one? Pwede mo bang sabihin sa'kin?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Napabuntong hininga ako. "Paano ka makakapag-salita kung laruan lang naman kita." Dismayadong sambit ko.

"Baliw ka nanaman."

Nag-angat ang tingin ko sa pinto kung saan nanggaling yung boses. Si Selina, inakalang baliw nanaman ako.

"Anong tinitingin tingin mo sakin dyan? Inggit ka sa mukha ko?" Masungit na tanong niya.

Napabuntong hininga ako at umupo sa kama ko. "Bakit nandito ka sa teritoryo ko?" Tanong ko.

Tumawa siya. "Wala ako sa teritoryo mo. Nandito ako sa labas oh." Sabay pakita niya na nasa labas nga siya. "Ano bang pino-problema ng pangit mong mukha?" Inis na tanong niya.

I sighed again. "Wala akong girlfriend." Halos pabulong kong tugon.

"Ha." Bigkas niya. "Girlfriend lang namo-mroblema ka pa? Ang dami daming desperadang gold digger na babae dito ba't hindi sila yung gawin mong girlfriend?"

"Eh hindi naman ganun yung mga tipo ko eh." Napakamot pa ako sa ulo.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Kaya hindi ka pa nagkaka-girlfriend masyado kang choosy." Sabay irap sa'kin.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko ng topic.

"Aba!" Medyo lumaki ang mata niya. "Wala kang pakialam kung--"

The Lieutenant's Brat Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon