Chapter 13

14K 464 54
                                    

Riddle Question # 3 :

"What word starts with "c" and ends with "t" and is synonymous with pussy?"

#########

Lacey's POV

Nakauwi na kami ng bahay matapos kong makipag-usap ng pormal kay Mr. Dawson. At ito nga, personal niyang binigay sa akin ang hawak kong uniform ng Air Force at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.

"You can go back to your country anytime you want, Colonel. But I would be glad if you will serve our city to train your skills."

Yan ang huli niyang sinabi sa akin bago kami maka-uwi. Tatanggapin ko nalang siguro kung ano ang itinadhana sa akin.

"Lacey!" Napa-daing ako sa inis nang tinawag ni Selina ang pangalan ko. "Lacey!"

Binaba ko ang uniform ko tsaka lumabas ng pinto at pinuntahan kung saan nanggaling yung boses ni Selina. Nakita ko silang nasa laundry area at kasalukuyang naghihiwalay ng damit na de-color o puti.

"Ano?" Tanong ko.

Lumapit siya sakin. "Call your butler, sabihin mo bumili ng bagong dryer." Utos niya sakin.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba gumagana?"

Umirap siya. "Papabili ba ako ng bago kung gumagana? Are you stupid?" Ayan nanaman siya sa stupid stupid na yan sakin.

Sumilip ako sa likod niya. "Mukhang hindi naman sira yan ah." Mukhang may napindot itong babaeng ito ng hindi niya nalalaman. Ang hilig bumili ng bagong gamit kahit kaunti lang yung sira. "Ako na dyan." Sabi ko sa mga kaibigan niya.

"There you go." sambit ni Bee at tumigil sa pagalis ng damit sa dryer. "Thanks, honey." She said then winked at me.

Lumabas sila sa dryer area at hinalikan nila ako sa pisngi isa isa kaya hindi ko mapigilang mamula. Shet! Kapag talaga naging gentlewoman ako sa kanila mabibigyan ako ng halik sa pisngi eh!

"Landi mo talaga." Bulong ng kaharap ko matapos umalis ng mga kaibigan niya.

Lumapit ako dito sabay hawak sa balikat niya. "Selosa mo talaga." Tukso ko.

"Hmp."

Hindi ko inaasahan yung kamao niyang sumuntok sa puson ko. Bigla kong nabitawan ang balikat niya tsaka napaluhod sa sahig dahil ang lakas ng pagkakasuntok niya sakin.

"Seli— ahh!" Daing ko. "Di na kita mabibigyan ng anak!" Nagawa ko pang magbiro sa kanya.

"Che! Anakan mo bungbong mo!" Inis na sabi niya sakin bago bumaba ng hagdan at iniwan akong mag-isa dito.

Nakangiwi kong pinuntahan ang dryer at inalam kung ano ang topak nito. Binukas sara ko ang door catch niya at mukhang isa ito sa problema. Mukhang ang daming nilagay na labahan ni Selina kaya nasira.

Tinawagan ko si Collen para bumili ng bagong door catch nitong dryer. Hinintay ko ito sa labas at buti nalang mabilis siyang nakapunta dito at inabot sa akin ang bagong door catch. Kumuha ako ng long nose pliers bago umupo sa may kaluwagan na area nito at doon ginawa ang dryer.

"Amazing!" Sambit ni Bee nang makita ko siyang pinanood na matapos yung pag-gawa ko ng dryer namin.

Tumayo ako at nagpunas ng pawis. "Thanks."

Partida malamig pa dito sa Denver pero pinawisan ako dahil lang dito sa dryer na sinira ni Selina the brat.

Inabutan niya ako ng face towel. "What's the cause?" Tanong niya.

The Lieutenant's Brat Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon