Chapter 30

11.9K 419 31
                                    

"How do you get the attention of someone you love?"

########

Selina's POV

Akala ko pa man din namumukhaan niya ako. Akala ko kilala niya ako dahil sa ganda ko ba naman na ito walang dudang haharutin ako noon ng ate ni Lacey. Mahilig kasi sa babae si Yulo noon palang. At galing lahat ng tsismis na yon sa best friend ko na si Nashaly.

Hindi lang pala mag-isa ang ate niya, nakasunod na pumasok ang isang babae na medyo kaliitan at may hawak itong sanggol na mukhang natutulog base sa higa nito sa braso ng babaeng kasama ni Yulo.

Malamang ito ang napangasawa niya dito.

Pero that wasn't a matter for me right now. What the matter is, she thinks na kasal na kami ni Lacey dahil sa magka-hawak lang kami ng kamay! Oh my I'm going to puke! Lacey's so eww kaya!

But she's so yummy in bed though. She's purely great enough for me to fulfill my needs. And I don't even need a boyfriend anymore kung siya palang 2 in 1 na. Oh my... I'm just being redundant and I hate it. Eyooom.

"Ate naman eh!" Reklamo ni Lacey sa ate niya.

"What's her name?" Tanong ni Yulo sa kanyang kapatid sabay nguso sakin. Akala mo kung sinong siga kung maka-nguso sakin.

"Selina." Ako ang sumagot. "Selina Dawson."

Kumunot ang noo niya saglit. "Have we met before?" She asked.

Ngumisi ako. Namumukhaan niya ako. "Yes." Sagot ko. "You used to flirt with—"

"Oh my god, is that my niece!?" Bulalas ni Lacey bigla bigla kaya sa kanya kami napalingon lahat. Binitawan nito ang kamay ko tsaka excited na lumapit sa babaeng kasama ni Yulo na hanggang ngayon hindi ko pa kilala.

"Hey, Lacey. Be quiet." Suway ni Yulo kay Lacey at nilayo pa nito ang kapatid niya sa anak nito.

"Yulo." Suway naman ng asawa nito kay Yulo kaya nilingon siya ni Yulo. "Hayaa mo na." She says with a gritted teeth.

Natawa ako sa isipan ko nang sinunod ito bigla ni Yulo at hinayaan si Lacey na lumapit sa pamangkin niya. Kinarga ni Lacey ang pamangkin niya at ako naman lumapit sa kanila para makita din ang bata.

Lacey's POV

Finally! Nahawakan at naramdaman ko na ang warm body ng aking unang pamangkin. Nakapikit ito na parang sarap na sarap sa kanyang pag-tulog at ang mahahaba nitong mga pilikmata ay gumagalaw ng bahagya dahil siguro nananaginip ito ng maganda.

Magkamukha nga sila ng nanay niya. Yung pilikmata nito nakuha sa magulang, yung sa labi galing sa nanay, yung ilong parang kay Cybil, tapos yung hugis ng mukha galing sa nanay niya nanaman. Lakas din naman talaga ng lahi ni ate.

"Bakit pabalik-balik ang tingin mo sakin at sa anak ko?" Tanong ni ate Yulo sa akin nang mapansin niyang palipat-lipat ang tingin ko sa anak niya pati sa kanya.

Naninigurado lang kasi ako kung bakit mas maraming nakuhang traits ang pamangkin ko kay ate kaysa kay Cybil.

"Nothing." Pinili ko ng wag na itong sagutin. Nilingon ko si Selina na nakatingin parin sa baby at mukhang natutuwa siya sa nakikita. "Gusto mo siyang buhatin?" Alok ko sa kanya.

The Lieutenant's Brat Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon