Chapter 20

13.5K 445 80
                                    

Riddle Question #10: (Last Riddle)

"I'm great for protection. You use your fingers to get me off. What am i?"

##########

Lacey's POV

"Ikaw na kasi."

"No! You go first! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nandyan yan!"

Umungot ako at napa-padyak padyak sa sahig. "Ikaw may gawa ako yung sinisi mo." Bulong ko bago umupo para makita ko kung bakit galaw ng galaw ang container namin dito sa may stockroom.

Sinabi ko kasing magli-linis ako dito sa buong bahay dahil sa kalat na ginawa niya kahapon. Pati sa kuwarto niya parang hindi na ginamit ng babae, binagyo na ng mga papel at coloring pencils. Tapos dito sa baba, puro pagkain na chips at salads.

Nakita ko ang cute na hamster sa loob. Nagtata-takbo ito paikot at mukhang hindi alam kung paano tumakas. Malamang iniwan nanaman ni Selina ng nakabukas ang back door kaya nakapasok ang hamster na ito.

"Ayun ayun!" Sigaw niya at tinuro ang hamster na papalabas sa maliit na container.

Mabuti nalang mabilis ang mga kamay ko at hinuli ko ito sa katawan. "Huli ka." Sambit ko at tumayo at humarap sa kanya. "Itapon na natin?" Tanong ko.

Nanlaki ang mata niya. "Are you nuts? No way!"

Ngumisi ako. "Pumunta ka sa PetSmart, bumili ka ng cage nito." Sabi ko.

"Bakit ako pa?" Tanong niya.

"Kasi sinabi mong are you nuts? No way!" Ginaya ko yung sinabi niya kanina.

Humalukipkip siya. "Kapag ba sinabi ko ding itapon mo na yan itatapon mo talaga yan?" Tanong niya.

"Of course not."

"So ikaw ang pumunta sa PetSmart." Sagot niya tsaka ako tinalikuran.

My jaw dropped. Naisahan niya ako doon ah. Tinignan ko ang hamster na hawak ko na busy sa pag-kain ng nakuha niyang pagkain sa container na pinag-taguan niya.

"Nah." Kibit balikat na sabi ko tsaka kinuha ang empty shoebox at doon muna siya nilagay. Binaba ko muna ito sa hagdan namin at lumapit ako kay Selina. "Bye, babe." Sabi ko at akmang hahalikan siya sa pisngi nang maarte nitong itinapat ang kamay niya sa mukha ko.

"What the heck are you doing?" Naguguluhan na tanong niya.

I leaned back and stand properly. "I'm your girlfriend—"

She scoffs. "When?"

"Remember? Nung nag-date tay—"

"Alam mo namang plano lang yun diba?" Hindi makapaniwalang sambit niya at nilakihan pa ako ng mata.

Tinawanan ko nalang ito at umatras ng isang beses. "Nagbi-biro lang ako ano ka ba. Aalis lang ako para bumili ng cage. Wag mo 'kong masyadong ma-miss—"

"Lacey!"

Humalakhak ako ng napakalakas at kumaway sa kanya. "Bye!" Paalam ko sabay kuha sa shoebox kung saan nandoon ang hamster at pumunta sa kotse. Pinasibad ko ito papunta sa PetSmart kung saan dinadala ang mga hayop.

Wala akong alam sa mga hamster at buti nalang sinabi sa akin ng isang employee na siberian hamster ang hawak ko ngayon.

Hindi na ako nag-tanong ng kung ano ano pa tsaka binilhan ko nalang ito ng malaking habitat para hindi boring ang life niya at marami siyang mapagla-laruan.

The Lieutenant's Brat Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon