"Is there any reason why you love that person?"
##########
Selina's POV
"Selina, may nagugustuhan ka na ba?"
Paulit-ulit yang tanong na yan na pumapasok sa isipan ko. Yan ang tanong na tinanong sa akin kanina ni Lacey bago kami pumasok sa kanya kanyang kuwarto dahil wala itong narinig na sagot mula sa akin kaya idinismiss niya nalang ang tanong niyang yon at sinabing matulog na daw kami.
Humiga ako pakaliwa ng higaan. Maga-alas dose na ng umaga hindi parin ako makatulog dahil sa tanong niya na yon. Hindi naman mahirap na tanong yun diba? Tinanong niya lang ako kung may nagugustuhan na nga ba ako or wala.
Humiga ako pakanan sa higaan. Oo hindi mahirap na tanong yon, pero mahirap itong sagutin lalo na't kailangan mong sabihin yun totoo. Hindi ko naman pwedeng sabihin na siya yung gusto ko— woah! Woah! Woah there!
I. Just. Like. Lacey. As. A. Friend.
But honestly, hindi siya mahirap gustuhan. But wala akong gusto sa kanya. Pero kapag may nagkaka-gusto sa kanya naiinis ako. Pero alam kong wala akong gusto sa kanya! Argh! That damn question!
"Argh! Lacey!!" Sigaw ko sa pangalan nito dito sa loob ng kuwarto ko. "Bakit mo pa tinanong sakin yan?!" Tanong ko na parang nandito siya at kinakausap. "Why!?"
Natigilan ako nang may marinig akong tatlong besesn na katok mula sa kuwarto ko. Alam kong si Lacey yon kaya hindi na ako nagtanong pa at bumaba sa kama ko tsaka naglakad papunta sa pintuan at binuksan ito.
"What do you want?" Masungit kong tanong sa kanya nang akmang magsasalita siya.
Napatikom muna siya ng bibig saglit pero nagsalita itong muli. Marahil napansin nito ang pagiging mainip ko dahil nagta-tap na ang isa kong paa sa sahig.
"Chine-check ko lang kung okay ka lang ba." Sagot niya. "Sumigaw ka kasi kanina tapos tinawag mo pa yung pangalan ko eh." Sabi nito sabay kamot sa batok.
Namula ako sa sinabi niya. "Did-did I say your name?" Maang maangan ko, trying not to get caught dahil ako ang mapapahiya sa aming dalawa.
"Yes."
Kumunot ang noo ko kunwari. "No I did not!" I defended. "Baka namali lang yung narinig mo. Tsaka hindi ako sumisigaw tuwing gabi at baka ibang tao yun." Pagsisinungaling ko.
Mas maganda na yung hindi ko sabihin sa kanya yung totoo at sabihin sa kanyang hindi ako makatulog dahil lang sa tanong niyang yun na mukhang simple lamang sa kanya at malamang mas lalo akong mapapahiya.
"Sige na, matulog ka na." Taboy ko dito sabay sarado ng pinto. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang nang marinig ko ito ulit na kumatok. I groaned in irritation sabay bukas ulit ng pinto. "What do you need?" I asked, emphasizing the need word.
"You." She replied plainly.
Tianasan ko siya ng kilay. "And why is that?"
Dumungaw siya sa may likod ko. "Mukhang maganda yug kama mo dyan, Selina." Tapos balik sakin. "Nakakahiga ka ba ng maayos dyan?" Tanong niya.
I gave her a cold stare. "Seriously? Sayo itong condo tapos hindi mo alam kung maganda ba yung hini-higaan ng guest mo o hindi?" I retorted. Para kasing mas lalo niya akong binu-bwisit sa oras na ito. Baka nga lalo pa akong hindi makatulog dahil sa ginagawa niya eh.
"I—" she paused. "I—" she paused again. "I just—" I interrupted her.
"You just what, Lacey? Ayaw mo ba akong patulugin kaya mo ako ginugulo ngayon? You just what, huh? You just what?"
BINABASA MO ANG
The Lieutenant's Brat Girlfriend
Romance"I-I'm the first lieutenant of the Air Force and you should obey me whether you like it or not!" - Lacey Halverson "Well I'm the first daughter of my daddy so whether you like it or YOU will like it, you'll obey me." - Selina Dawson "Tsk. W-what a...