Riddle Question # 8:What's beautiful and natural, but gets prickly if it isn't trimmed regularly?
######
Lacey's POV
"Nice shots, Colonel!"
Pag-puri sakin ni Derik nang matapos akong maubusan ng bala dahil tinamaan ko lahat ng yun sa shooting target. Nandito kaming dalawa ngayon sa shooting room at kasalukuyang nage-ensayo para sa gaganapin na shooting drills naming mga piling Colonels and Lieutenants mamaya kasama ang mga sundalo na nagse-serbisyo sa city namin.
"Thank you." Sabay ngumiti ng tipid at ibinaba ang pistol na ginamit ko. Tinanggal ko ang safety goggles ko at lumapit sa kanya. "Tapos ka na rin?" Tanong ko.
He's a full blooded Filipino na nagse-serve na dito for two years. Nag-graduate siya ng college sa pinapasukang school ngayon ni Selina. Hindi ko alam kung kailan ang graduation niya and hindi ko pa natatanong.
"Yep. Pinanood kita and masasabi kong ang galing mo!"
Ngumiti ako ulit ng tipid. "Salamat." Sagot ko. Sabay kaming lumabas ng range room. "Kasama ka ba mamaya sa drill?"
"Yes. Red team ako."
"Blue team ako, bro." Parehas pa kaming napa-bagsak sa balikat dahil sa sagot ko. Tinapik ko ang balikat niya. "May the best team wins." Biro ko dahilan ng pagtawa nito at pag-iling sa sinabi ko bago kami nag-handshakes at lumabas ng base para maghanda na.
Nakasuot na ako ng safety vest at may naka-sukbit na sniper sa bandang balikat ko. Lahat ng safety clothes sinuot ko na pati narin ang goggles. Maglalaro ako bilang isang sniper ng team habang yung iba ay susugod.
Nandito kaming mga nagte-training sa kakahuyan ng base kung saan sinasanay ang mga ibang soldiers mula sa pakikipag-laban.
It's just a game though. Wala namang mamamatay dito kundi masasaktan lang dahil sa fake bullets. At kapag natamaan ako, may tutunog sa suot kong combat helmet.
"Shoot as many as you want, soldiers! Lieutenants! Colonels!" Sambit ni General Dawson habang nakatapat sa kanya ang isang megaphone. "Now!"
Rinig ko na ang putukan mula dito hanggang sa kabilang team. Nagtago ako sa malaking puno at tinutukan ang isang kasamahan nilang tahimik na naglalakad papunta sa team namin upang makuha ang blue flag namin. Kasi ang kailangang kunin kahit na hindi pa kami ubos.
I won't gonna let them get that easily. Uubusin muna namin sila. I said, encouraging myself.
"One down!" Anunsyo ni General nang matamaan ko sa ulo ang kalaban kaya tumunog ang helmet niya.
Huminga ako ng malalim at gumapang papunta sa kaliwang bahagi ng pwesto ko at tinutok ang sniper ko kay Derik na walang ka-malay malay na nasa harapan niya lang ako.
"Out!" Napangisi ako nang mag-anunsyo nanaman si General mula sa Red Team.
Tatlo nalang kaming natitira dito at yung dalawa nauubusan na ng bala. Ako may tatlong bullet pa akong natitira. Apat nalang din ang natitira kaya kung wala akong nimpis, panalo ang team namin kahit hindi namin makukuha ang flag.
"Out of bullets!"
"Out!" Kasabay non ang pag-alis ng isa sa kasangga ko.
Masyado yata akong naging madaldal sa isipan ko kaya hindi dalawa nalang kaming natitira dito!
"We can do this." Bigkas ko sa kasangga ko na natigilan at nilingon ako.
"Out!" Napangiwi ako dahil natamaan siya sa ulo kaya out na siya.
BINABASA MO ANG
The Lieutenant's Brat Girlfriend
Romance"I-I'm the first lieutenant of the Air Force and you should obey me whether you like it or not!" - Lacey Halverson "Well I'm the first daughter of my daddy so whether you like it or YOU will like it, you'll obey me." - Selina Dawson "Tsk. W-what a...