Chapter 29

11.8K 411 15
                                    

"What are the three rings of marriage?"

###########

Selina's POV

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako lalo na't nakita ko na ang nanay ni Lacey. Ang napaka-perpektong hugis ng mukha ng mama niya, ang perpektong hugis ng ilong at labi, ang nakakapag-nginig na tuhod nitong matang nakatingin ngayon kay Lacey. Kinakabahan talaga ako.

"Ikaw ba yan, anak?" May gulat parin sa mga matang tanong niya. Lumapit ito pagkatapos at hinaplos ang pisngi ng kanyang bunsong anak.

Sometimes, I wonder, paano kung ganyan ang nanay ko sa akin? Paano kung ganyan din ang reaksyon niya't hahaplusin din ang aking mga pisngi gamit ang kanyang mainit-init na palad.

"Yes it's me, mom." Sagot ni Lacey dito.

Eksaherada itong napasinghap. "Ikaw nga, Lacey!" Tuwang tuwa na bigkas nito tsaka yinakap ng mahigpit ang kanyang anak. Kumalas ito ng yakap saglit nabg makita niya ako. "Oh hi." Bati nito.

Mukhang ngayon lamang niya ako napansin dahil siguro sa tuwa na makita na niya sa wakas ang kanyang anak.

"Hello—" I greeted. "Mrs. Halverson."

"Hay nako." Kinumpay niya ang isang kamay niya sakin. "Wag ng Mrs. Halverson ang i-tawag mo sa akin, ija. Tita nalang. Masyadong pormal yung tinawag mo sa akin kanina eh." Biro nito.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid. "Sige po, tita."

"Ikaw ba yung anak ni Rod?" Tukoy nito sa tatay ko.

Tumango ako. "Opo." Magalang kong sagot. Nakakahiya naman kung hindi maging rude pa ako sa harapan niya.

"O siya, pumasok na muna tayo dahil papa-sikat na yung araw." Sabi nito at iginaya kami papasok ng bahay. "Babe!" Tawag nito siguro sa kanyang asawa. Kahit na ganon na ang kanilang edad ay mukhang ganun parin ang kanilang tawagan, hindi nagbabago.

Mula sa kusina, may isang babaeng lumabas doon habang naka-suot ang kanyang apron at may potholder sa kanyang kamay. Marahil ito ang kanyang ina. Ang ganda rin nito at ang ganda ng hugis ng labi niya.

"Bak—" natigilan ito nang makita si Lacey. "Am I dreaming?" Tanong nito, halos pabulong na. Lumapit ito pagkatapos kay Lacey at ganun din, hinawakan nito ang kanyang mukha. "My baby!" Puno ng siglang sambit nito at yinakap ang kanyang anak.

I silently snorted about what tita calls to Lacey. Pfft. Baby? Baby pa pala ang tawag sa kanya dito. Kung alam ko lang, matagal ko na siyang in-asar na baby sa bahay namin doon. Uma-astang akala mo kung sinong matured, bine-baby lang pala siya dito sa bahay nila. Tsk.

"Hindi ko napansin na may in-uwi ka palang bisita, anak." Pansin ng nanay nito sakin at nilapitan ako. Ngumiti siya pagkatapos. "Hello. I'm Lacey's mom, Yumi." Pakilala nito at hinalikan ako sa pisngi. "You must be Selina, aren't you?" She asks.

I gave her a shy smile. "Yes po, tita." Sagot ko.

"Ang ganda mo palang bata." Komplimento nito at tinignan ang kabuuan ko. "Kaya pala walang duda na nagustuhan ka ng anak ko." Dagdag nito.

"Mom!" Sambit ni Lacey na parang napahiya sa ibinunyag ng kanyang ina sa akin. Namumula narin ang mga pisngi nito kaya hindi ko nanaman mapigilang mapahagikgik.

She's so hilarious.

"Ahm." Nahiya din ako kahit kaunti. "O-oo nga po." Sagot ko nalang.

"Salamat sa pag-aalaga sa bunso ko, ha?"

Binigyan ko na ito ng matamis na ngiti. Nakakatuwa din pala si tita Yumi. "Ako nga po ang dapat mag-pasalamat dahil ina-alagaan din po ako ng anak niyo eh." Sagot ko pabalik sa kanya.

The Lieutenant's Brat Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon