Riddle Question # 7:
"I spread out being eaten. Your tongue gets me off. People sometimes licks my nuts. What am I?"
########
Lacey's POV
Natapos na ako sa paghi-hilamos pati narin sa pag-ayos ng pinamili kong mga damit na binili namin kanina ni Selina kaya lumabas na ako't bumaba ng hagdan mula sa taas. Napansin kong parang may kausap si Selina ng personalan sa isang tao dahil pati ang boses ng taong yun ay totoo at hindi galing sa telepono.
"What would you do if a member of your squad had a very bad attitude problem?" Isang boses na napaka-angelic ang nag-tanong kay Selina. At nang makita ko na ang mukha nito, I stiffened.
Hindi dahil kilala ko siya or what. Kundi dahil sa tangkad nito na aabot na hanggang sa refrigerator namin na 6'2 ang taas. Buti nalang maganda ang hubog ng katawan nito at mukhang palagi itong nage-ehersisyo.
Sasagutin sana ito ni Selina nang maramdaman niya siguro ang presensya ko na papunta sa ref namin para kumuha ng Yakult kaya lumingon siya dito.
"What are you doing?" Tanong niya kaagad at tinaasan ako ng kilay.
Kinuha ko ang isang maliit na bote ng Yakult at itinaas ito ng bahagya. "Kukuha nito?" Patanong na sagot ko.
"Halverson..." sambit nito sa apilido ko habang pinaniningkitan ako ng mata.
Binigyan ko lang siya ng what look. "Totoo naman ah."
"Ugh." She groaned then inirapan ako at binalik ang atensyon sa babaeng matangkad.
Ako naman, pumunta sa may couch at binuksan ang TV don para manood ng magandang panoorin sa Netflix. I picked the movie called Stranger Things na rine-commend sa akin ni Nashaly nung isang linggo. Hindi ko pa ito napapanood dahil palagi kong naaabutan na manood ng movie si Selina dito eh may TV naman siya sa kuwarto niya.
"Could you please turn that off?" Rinig kong utos sa akin ni Selina. Nasa intro part palang ako pinapapatay niya na yung TV. Kainis naman.
Hininaaan ko nalang yung volume ng TV. "Yan, okay na?" I asked.
"Diba sinabi ko turn that off?" Giit niya. Hindi nalang ako nagsalita at pinagpatuloy ang panonood ng first episode. "Ugh." She groaned again tapos narinig ko itong nagpaalam sa kausap niya na tiyak kong tawag nito ay President.
Umakyat siya papunta sa taas. Ako naman, nilingon si Pres at nginitian. "You need juice?" I asked, nicely.
"I would be glad if you lend me one." She said back and winked at me.
Nag-iwas ako ng tingin dito at napangiwi ng kaunti bago tumayo at dumiretso papunta sa refrigerator para kumuha ng juice.
Pero dahil sa sobrang kakapalan ko ng mukha, wala pala kaming juice kundi Yakult lang.
"Uh." I said first. Wala na akong nagawa kung hindi kunin nalang yung Yakult na yon at mabilis ang mga lakad na ibinigay ito sa kanya. "Here's your juice." I said awkwardly at napahawak pa sa batok.
"What a nice juice that you girls have."
Natotonohan ko sa kanya ang pagiging sarkastiko pero hindi ko nalang ito pinansin at mabilis na bumalik sa couch dahil rinig ko na ang yabag pababa ni Selina, baka pitikin niya nanaman yung tenga ko dahil fini-flirt ko ang Presidente ng school nila.
"Here." May binigay itong wireless headphone sa akin. Tinignan ko lamang ito. "Kunin mo, connect mo sa TV, lakasan mo ang volume, any number that you want hanggang sa mabingi ka."
BINABASA MO ANG
The Lieutenant's Brat Girlfriend
Romance"I-I'm the first lieutenant of the Air Force and you should obey me whether you like it or not!" - Lacey Halverson "Well I'm the first daughter of my daddy so whether you like it or YOU will like it, you'll obey me." - Selina Dawson "Tsk. W-what a...