Chapter 40

10.9K 402 35
                                    

"With the rich I am blue, with the poot I am red, with the amphibian I am cold, but with the dog I am hot instead. What am I?"

Selina's POV

"These putas."

Puno ng inis kong bigkas sa cellphone ko sabay bato sa tabi ng kama ko at napasandal sa headboard nitong kama ko. Bumuntong hininga ako tsaka napairap-irap ng dalawang beses.

Paano ako hindi mapapa-mura sa inis kung makita ko ba naman ang dalawang taong nandito kanina sa bahay na nag-upload sa profile nila ng masasayang ngiti sa social media!

"Mga bwisit!" Sigaw ko sabay bato ko ng unan sa kung saan. "Magsama kayo!"

Napahinga tuloy ako ng malakas. Nakakainis! Bakit pa kasi nandito yung Moris na yon!? Bakit niya pa kailangang umuwi!? Bakit wala akong ginawa para pigilan sila!?

Dahil walang kayo. Simpleng sambit ng isipan ko.

I felt a pang in my chest as I heard that from my head. Oo nga naman, wala nga naman pala kami ni Lacey kung hindi hamak na magka-laro lamang sa kama at walang nararamdaman para sa isa't isa.

Damn it! Kung kailan namang naisipan ko ng maging buddy ko lang siya sa kama siya naman itong nagka-interest ang utak ko sa kanya!

You guys happy!? Yeah! I like Lacey! I'm starting to like her!

Hindi ko lang alam kung paano ito pipigilan dahil ayokong masaktan. Ayokong mangyari sa akin yung nangyari sa mga ex-boyfriends ko na nasaktan dahil iniwan ko sila. I don't like to feel the pain I did to them.

Ang sakit naman pala kapag sinabi yon sayo mismo ng matalino mong isipan, ano? Yung may gana kang mainis at gusto mo nalang siyang sugurin pero hindi mo magawa dahil walang kayo?

I hella like boys but siya lang yung babaeng nagustuhan ko. I don't want her to be my girlfriend because— because...

"Oh I hate drama!" Sigaw ko.

Natigilan ako sa pagwawala nang may marinig akong katok sa pintuan ko. Inisip kong si Lacey yon kaya tumayo na ako ng kama at pinagbuksan ang taong kumakatok.

"Oh, hey." Bati ko kay Cybil dahil siya ang nasa harapan ko ngayon. "Naingayan ka ba sa sigaw ko kanina dahil sa inis ko sa hipag mo?" Tanong ko sa kanya.

Baka kasi natutulog na anak niya tapos ako nandito sigaw ng sigaw na walang pakialam kung may makarinig kaya siya kumatok dito. Nakakahiya din. Dito din kasi sila matutulog para daw maka-bonding nila si Lacey. Pero paano nila makaka-bonding yung babaeng yon kung inaatupag niya nalang lagi yung girlfriend niyang walang ibang ginawa kundi dumikit sa kanya!?

"Hindi naman. Narinig lang kasi kitang sumigaw nung papasok na ako sa kuwarto namin, akala ko kung ano ng nangyari sayo kaya hindi ko mapigilang i-check ka kung okay ka lang." paliwanag niya.

Napaawang ang bibig ko. "Pasensya na ha? Sadyang naiinis lang talaga ako sa hipag mo eh." Sabi ko.

Ngumiti siya ng tipid. "Okay lang. Ano bang nangyari sa inyo ni Lacey?" Tanong niya.

Inaya ko siyang pumasok sa room ko dahil gusto ko ng kausap. Mabait naman nitong tinanggap yung aya ko kaya pumasok siya sa loob at pinaupo ko siya sa single couch ko dito. Umupo ako sa isa pang couch at napabusangot kaagad ng mukha. Kahit alam kong hindi pa kami close malakas ang fighting spirit ko na magiging hipag ko siya at si Lacey ang asawa ko.

Oh my god, I'm just making it worse!

"Nakakainis kasi siya." Panimula ko ng may kasamang busangot sa mukha.

The Lieutenant's Brat Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon