Selina's POV
Pagkarating ko sa bahay mula sa pagbyahe ng aking sasakyan sa loob ng tatlumpung minuto, pumasok ako kaagad sa pantry para kunin ang mga chips para sa kakainin namin mamayang gabi ni Lacey. Plano ko kasing makasama siyang manood sa Netflix sa kuwarto ko mamayang pag-uwi niya.
Para saan? Syempre para pumayag siyang manirahan ako sa kanila. Alam kong makapal na ang mukha ko dahil ginagawa ko itong ideyang medyo hindi tama, but what can I do? I was raised in a soft bed and then sa pipitsuging hotel lamang ako maninirahan?
Hell no!
Tsaka, gusto ko narin makasama si Lacey ngayon dahil alam kong matutulungan niya ako.
Nilapag ko ang dalawang malaking lalagyanan ng popcorn sa centre table ko at pinagitna ang couch paharap sa TV ko. Tinulak ko ang isa pang upuan para sandalan namin sa paa.
Tumayo ako ng maayos at pinili ang Netflix para makapili na ako kaagad ng magandang movie. Sakto rin namang narinig ko ang pag-bukas ng pintuan sa garage, malamang kararating lang din ni Lacey galing sa trabaho.
Lumabas ako sa kuwarto sabay baba ng hagdan at nilapitan ko ito ng may malaking ngiti sa labi.
Tinabi niya muna ang bag niya bago ako nilingon. Nang mapansin nito ang malaking ngiti kong nakatingin sa kanya, kumunot ang noo niya.
"Anong mukha yan?" Tanong niya.
"Hmm nothing." I said with conviction.
Nawe-weirduhan lang itong humarap sakin. "May kailangan ka sakin?" She asked, almost retorting. At sasagot na sana ako nang inunahan niya ako. "Mukhang may kailangan ka nga siguro sakin dahil ganyan palagi ang ngiti mo lately simula nung sinabi kong uuwi ako ng Pinas at gusto mong sumama." Dagdag niya.
My lips formed into sadness. "I just wanted to watch Netflix..." tinaasan niya ako ng kilay. "With you."
"Do you want me to bid something to you that's why you're doing all of this, Selina?" She's starting to judge my actions.
I sighed in annoyance. I give up. "Gusto ko habang nanonood tayo ng movie, kailangan pag-usapan natin yung tungkol sa pag-uwi natin sa Pinas." I said. "So since pumayag ang dad ko dahil dinahilan kong gusto kitang makasama sa vacation, sana payagan mo din naman akong mag-stay sa pamamahay mo." And gave her my cutest stare.
No one could ever resist this kind of stare dahil madalang lang akong mag-bigay ng ganitong klaseng pagtingin. And kailangan na kailangan ko ito kaya binibigay ko ang tingin na ito kay Lacey Halverson.
She also stared at me for a moment. Hindi ko mabasa ang nasa loob ng isipan niya at kung ano ang gumagana sa loob nito dahil wala itong binigay na kung ano mang emosyon kung hindi isang blankong tingin lamang. She's so hard to read kapag ganyan na siya sakin.
She faked her laugh. "That's so funny!" Bulalas niya. "Ikaw? Gusto akong makasama?" Sabay turo sakin at tumawa ulit ng peke tapos napalitan nanaman ito ng blankong tingin. "Liar."
I pouted. "Yun lang naman ang alam kong dahilan para hindi niya ako mahuling hanapin ang nanay ko eh." Dahilan ko. "Just forget about that and halika na!" Sabay hila sa kanya papunta sa taas. "Exempted ka muna sa parusa sa pagpasok mo sa kuwarto ko." Sabi ko habang hila hila siya pataas.
Tinulak ko siya papasok at sinarado ang pinto tapos mabilis ang mga lakad akong pumunta sa kanya.
"Wala naman siguro tayong gagawing masama bukod sa manonood lang tayo sa Netflix, diba?"
Tignan mo 'to. Nagi-isip pa talaga ng masama sa akin.
Inirapan ko siya at tinulak paupo sa couch. Nilagay ko ang dalawa kong tuhod sa magkabilang gilid niya at pinulupot ang kamay ko sa leeg niya.

BINABASA MO ANG
The Lieutenant's Brat Girlfriend
Romance"I-I'm the first lieutenant of the Air Force and you should obey me whether you like it or not!" - Lacey Halverson "Well I'm the first daughter of my daddy so whether you like it or YOU will like it, you'll obey me." - Selina Dawson "Tsk. W-what a...