Chapter 22

12.6K 420 12
                                    


"What do you call, a bear that has no teeth?"

##########

Lacey's POV

"Come on, Lieutenants! 20 push-ups!"

Command ni General sa amin ngayong umaga na ito. Lahat kaming mga Lieutenants pinatawag para sa ehersisyo namin. Hindi kasi porket matataas na ang ranggo namin ay di na kami pwedeng gawin ang ganitong galawan.

Sabay sabay kaming natapos ng dalawampung push-ups at tumayo ng maayos. Isang tao ang aming sinusunod at si General Dawson yon. Limampu kami lahat lahat at kalahati nito ay babae kasama ako.

"Good! Now let's get back to work! Great job, Lieutenants!" Pumalakpak ng tatlong beses ang General at naunang bumalik sa base.

Kanya kanya din kaming balik sa trabaho. Kasama ko si Derik na pumasok sa opisina ko tsaka umupo siya sa lamesa.

"Mukhang wala ka sa sarili mo, Lacey ah."

Nag-angat ako ng tingin kay Derik. "Ha?" Hindi ko narinig ang sinabi nito.

"Tsk." Napailing ito. "Wala ka sa sarili mo kanina pa. Nagku-kwento ako sayo puro tango ka lang. Hindi ka naman ganun tuwing nagkwe-kwentuhan tayo, pre eh." May kaunting tampo na sambit nito.

Napatampal ako sa noo. "Hindi ko alam, pare." Sagot ko at napayuko.

"Isang linggo ka ng ganyan. May problema ba sa inyo ng anak ni General?"

Sukat doon sa tanong niya, nag-angat ako ng tingin. "Bakit nasali dito ang anak ni General?" Tanong ko.

Nagkibit balikat ito. "Ewan. Love problem yan, malamang." Sagot nito at kinindatan pa ako.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Pag-ibig nga ba ang dahilan kung bakit ako nagkaka-ganito? O dahil isa lamang itong tampo dahil sa ginawa ni Selina noong isang linggo.

One week. Isang linggo ko na nga itong hindi pinapansin matapos kong magalit sa kanya. Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya kaya ko siya hindi pinapansin. Isang napaka-sincere na sorry lang naman ang hinihintay ko dahil alam kong lahat ng sorry nito sa ibang tao ay hindi katotohanan.

Gusto ko muna niyang ma-realize lahat ng sinabi niya sa akin nung isang linggo. Not a revenge, though. I don't like that word.

"Hindi naman siguro." Tanggi ko. "I mean, look. Aaminin kong gusto ko yung anak ni General pero sa tingin ko hindi ito mapupunta sa love love na yan dahil napaka-bata pa nito para sa akin." Nakangiwi kong sambit.

"Wala namang pinipiling edad ang pag-ibig ah."

Napabuntong hininga ako. "Basta."

"Gusto mo ang anak ko, Lacey?" Sabay kaming napatayo ng diretso nang marinig namin ang boses ni General dito sa pwesto namin.

"Sir!" Pormal naming bati at sumaludo pa.

Sumaludo din ito pabalik at huli akong tinignan. "Halverson. Office. Now." Word by word na command nito bago tumalikod at nagsimulang maglakad papunta kanyang opisina.

Hindi ko mapaigilang mapalunok. Hatalang seryoso at tungkol sa anak ni General ang pag-uusapan namin ngayon. Kung hindi lang dahil sa bibig kong ito hindi malalaman ni General na may gusto ako sa anak niya, baka akalain niyang minomolestya ko na tuwing gabi si Selina.

The Lieutenant's Brat Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon