Chapter 19

14.4K 463 34
                                    

Riddle Question #9:

"What four letter word begins with 'f' and ends with 'k' and if you can't get it, you just use your hands?"

#########

Lacey's POV

Patuloy kong hinaplos haplos ang buhok ni Selina hanggang sa makatulog siya sa balikat ko. Mukhang napagod na siya sa kakaiyak kaya tinulog niya nalang ito.

"This grumpy gal is too cute to cry like this." I mumbled as I lay down her back on her bed.

Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. I mean, parang mabigat yung pinagdadaanan niya ngayon kaya hindi niya na kinaya at iniyak niya nalang ito.

Lahat naman siguro tayo mapapaiyak nalang kung mabigat yung kalooban natin o kaya mapapaiyak nalang talaga tayo ng walang dahilan.

Pinunasan ko ang luhang naiwan sa pisngi niya. "Kawawa ka naman." Bulong ko.

Ninakawan ko pa siya ng halik sa labi kaya parang nanalo ako sa lottong lumabas ng kuwarto niya.

Tamis!

Bumaba muna ako para matuloy ko ang paghuhugas sa plato. Ayokong i-dishwasher ang mga pinagkainan namin dahil kaunti lang naman ito. Tsaka mas gusto ko yung maraming ginagawa tuwing gabi para bagsak na bagsak ako kapag matutulog sa kama.

Umakyat na ako papunta sa kuwarto ko matapos kong mag-hugas. Itinabi ko si Llama sa tabi ko at yinakap ito. Siya lang ang may kayang magpatulog sakin ng mahimbing.

Ipipikit ko palang sana ang mata ko nang may marinig akong kalabog mula sa labas. Agad akong napatayo sa kama tsaka mabilis ang mga lakad na lumabas ng kuwarto. Nakarinig nanaman ako ng kalabog at nagmumula ito sa kuwarto ni Selina.

"Ugh." Rinig kong pag-ungot nito nang makapasok na ako sa kuwarto niya.

"Selina?" Lumapit ako sa kanya. "Okay ka lang?"

"Nakita mo akong nahihirapan dito, sa tingin mo okay ako?"

Hindi ko nalang pinansin ang pagsusungit niya. "Gusto mo bang uminom ng gamot?" Tanong ko.

Umupo siya sa kama niya at tumayo. "I'm fi—"

"Careful!" Mabilis kong sambit nang muntikan na siyang matumba. Buti nalang nasalo ko siya gamit ang kaliwa kong braso. "Nilalagnat ka."

"No, I'm not." May gana pa itong tumanggi kahit naramdaman ko na ang lagnat niya.

Papilit ko itong inupo sa kama niya. "Dyan ka lang. Kukuha lang akong gamot at maligamgam na tubig." Sabi ko at mabilis na bumaba. Kumuha akong gamot at lalagyanan ng bimpo tsaka umakyat pabalik sa kuwarto niya. "Ito na— aray!"

Nadapa pa ako kaya nagsi-tapon ang laman ng palanggana sa carpet niya. Buti nalang hindi ko pa ito nalalagyan ng tubig kundi doble trabaho pa ito.

"What the heck, Lacey." Nag-angat ang tingin ko kay Selina.

Binigyan ko lamang siya ng isang pekeng ngiti at tumayo. Binigay ko sa kanya yung gamot pero umiling ito.

"I told you hindi ako nagda-drugs!"

"Hindi ito drugs kundi gamot." Kalmado kong sagot.

Humalukipkip siya. "Ugh. Bakit ngayon pa kasi ako nilagnat." Bulong niya pero rinig ko naman.

"Hindi ka pa ba nilalagnat ngayong taon?" Kunot noo kong tanong.

"Kapag tapos ko ng umiyak lang ako nilalagnat."

The Lieutenant's Brat Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon