"What do you call a fake noodle?"
#####
Selina's POV
"Hands on your hips, a smile on your lips, spirit in your heart, we're ready to start!"
Sabay sabay na bigkas namin at nag-form ng triangle ang siyam na miyembro ng team ko habang kami naman ni Moris ay nagsimulang mag-tumbling ng isang beses at nag-backflip ng apat na beses.
"Wooh!" Hiyawan ng mga manonood dito sa loob ng gymnasium.
Nagsama-sama kaming magkaka-grupo at nag-bow sabay kaway sa kanila. Pumasok kaming twenty sa girls room pagkatapos at nag-hiyawan dahil successful ang sayaw namin. Nag-welcome kasi kami ng soon to be college students dito sa school namin kaya kinailangan naming mag-ensayo sa loob ng dalawang linggo.
"Great job, girls! We can bring this into championship! Keep it up!" Sabi ko sa kanila.
"Yes, captain!" Sagot nila bago nagpaalam ang iba para makauwi.
"Captain." Lumapit sa akin si Moris.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ano? Wanna fight with me?" I joked.
Natawa siya ng bahagya at napailing. "Gusto ko lang tanungin kung nasa bahay niyo ba ngayon si Lacey?"
Tinaasan ko ito ng kilay. "At bakit mo tinatanong sakin kung nasa bahay ko ngayon si Lacey?" Tanong ko pabalik.
Nagdududa talaga akong may gusto itong Moris na 'to kay Lacey eh. Parang gusto ko yatang manakit ng tao.
"Na-miss ko lang yung best friend ko." Sagot niya.
"Best friend?" She nodded. "At kailan pa kayo naging mag-best friend isang araw mo palang siyang nakilala?"
She sighed. "Kaba-bata ko kasi siya, captain. Partners in crime kami noong bata!"
"Sinisigawan mo ba ako?" Masungit na tanong ko.
"Ine-express ko lang po yung feelings ko kay Lacey." Kalmang bawi niya.
Inirapan ko 'to. "At anong feelings yang sinasabi mo, aber?" Tanong ko ulit.
Napatampal nalang ito sa noo. "Oh my goodness, captain. Ta-tawagan ko nala—"
"Selina??"
Natigil ang pagu-usap namin nang marinig namin ang boses ni Lacey sa loob ng locker room. Bakit siya nandito?
"Hey!" Sambit ko kay Moris dahil nauna itong pumunta kay Lacey. "Bitch." I mumbled at pinasok lahat ng marumi kong damit sa bag ko tsaka ito sinujbit sa balikat at pumunta din sa pwesto nila Lacey.
"I missed you, Lacey." Bumusangot ang mukha ko nang maabutan kong nakayakap si Moris kay Lacey.
Sa harapan ko pa talaga! Argh!
"Na-miss din kita." Mas lalo akong napabusangot sa tugon ni Lacey kay Moris. Nakapikit pa ito habang nakayakap pabalik kay Moris.
Ganun ba talaga sila katagal na hindi mag-sama?? Kailangan magmiss-missan sila sa isa't isa? Ginagalit nila ako ah!
"Lacey." Tawag ko dito at buti nalang kumalas na sila sa yakap. "Buhatin mo bag ko." Utos ko sabay lapag sa bleachers nakasukbit na bag sa balikat ko. "Tutal nandito ka naman na."
"Galing ba kayo sa practice?" Tanong niya sabay kuha ng bag ko.
"Yep." Lihim kong tinignan ng masama si Moris. Epal talaga nito! Ako yung tinanong siya yung sumagot. Tsk!
![](https://img.wattpad.com/cover/128417568-288-k43160.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lieutenant's Brat Girlfriend
Romance"I-I'm the first lieutenant of the Air Force and you should obey me whether you like it or not!" - Lacey Halverson "Well I'm the first daughter of my daddy so whether you like it or YOU will like it, you'll obey me." - Selina Dawson "Tsk. W-what a...