Chapter 3

132 16 4
                                    

  Author's note: Hi mga readers.. Thank you sa nagbabasa neto..
I hope na mapatawad niyo ako sa mga lame kong parts sa story.

Raymond's POV

                  Hay naku!! Bat ba sila pumunta rito? Bat ba nila ako gustong maging kaibigan. Pero....sige na nga, hindi naman nila malalaman ehh.. Hindi ko naman ipapakita kung ano talaga ako.

                   "Oh!! Ano magyayakapan na lang ba tayo rito?", ang tugon ng babaeng may pink na buhok.

                   Until now I still don't know there names, magiging kaibigan ko na sila pero ano? Nganga.. Hindi ko pa alam anong name nila.

                 " Oo nga.. I'm sure hindi mo pa kami kilala Raymond, right?", ang tanong ng babaeng kulay violet na buhok.

                  " Ahh.. Oo nga ehh, hehehehe!!", pahikbi kong tawa, at nagtawanan silang lahat.

                  "Nagyakapan pa tayo, pero ano? Para tayong mga... LOL!!", sabi ng babaeng kulay pink ang buhok, ikaw ba naman ang yumakap sa di mo kilala.

                 "Uhhmm!! Ako na unang magpapakilala, I'm Christine Valdez Cabrera, Tintin na lang for short", sabi ng babaeng may violet na buhok habang inaabot ang kaliwang kamay niya sa akin. Oo left handed siya.

                "I'm Maria Kayla Madrigal Bacalso, Kaykay na lang for short", ang sabi ng babaeng may kulay green na buhok, ang cute niya.. Tapos inabot niya sa akin ang malambot na kamay upang makipag shake hands sa akin.

                 "Hi! Ako naman si Cathy Ybañez Mino, Cath na lang for short.", ang masayang pagpapakilala ng babaeng payat pero napakatangkad, itim ang kulay ng mga buhok niya.

                 " Ako naman pala si Maria Theresita Obligado Magpatoc, Theresa na lang for short, hehehehe!!", ang sabi ng babaeng may kulay pink na buhok. May balat rin siya sa kanang Braso niya, cool...

                  "Syempre.. Magpapahuli ba ako? I'm Arlyn Mae Toralba Tero, Arlyn na lang for short." Sabay abot ng kamay niya upang makipag shake hands din sa akin. Siya yung babaeng may kulay Red na buhok.

                  "Since kilala mo na kami, I hope na maging kaibigan mo na kami, sana maging parte ka na sa aming Squad.. Please..." Ang sabi ni Theresa sa akin.

                 "Squad?", ang sagot ko sa kaniya.

                 " Yup!!, ang name ng squad namin ay... Farm Friends Squad", ang masiglang sabi ni Kaykay.

                 "Bakit Farm Friends? Manga hayop ba kayo?", taka kong tanong sa kanila.

                 " hahahaha!! Sorry ka na lang... Pag naging parte ka kasi ng grupo namin, ngangalanan ka talaga namin ng isang hayop base on your performance", natatawang paliwanag ni Tintin.

                "Performance? Hahaha!!! LOL!!", sagot ko sa kaniya..

                Lumipas ang mga oras at hindi ko namalayang naging napakasaya ko. Ito yung kauna-unahang ngumite at tumawa ako, mula noong namatay ang best ftiend kong si John Victor.

                "Uhhyy!! Magstastart na ang first period natin sa hapon. Ano Raymond, papasok ka ba?", tanong ni Arlyn sa akin. Tumango na lang ako sabay yuko, wala na akong magawa ehh.

                Since marami-rami kami, nagpahatid na lang kami sa driver namin para maabutan pa namin ang first period class sa hapon.

                Dumating na kami sa campus at bumaba sa kotse. Naglakad kami papunta sa silid aralan namin.

                That time PE rin pala namin kaya dumiretso na ako sa boys locker room at sila naman sa girls locker room para magbihis ng PE attire.

                Pagkatapos Kong nagbihis ng PE uniform, dumiretso agad ako sa Field kung saan magaganap ang klase namin.

                Nakita ko ang Farm friends ko sa field habang kinakawayan ako. Nauna na pala silang dumating kaysa sa akin. Ngunit habang papalapit ako sa kanila, may naramdaman akong kakaiba, parang isang bagay na pabulusok sa aking direksiyon. Agad akong umilag at buti na lang hindi ako natamaan.

                   Ang mga bullies pala, nangangamba ako, dahil nakikita ko sa mga mata nila ang di mapupuyos na galit. Gusto nila akong bugbogin at gantihan, pero biglang nagsulputan agad ang farm friends ko at as usual pinagtanggol na naman nila ako.

                  "Wag niyo kaming susubukan, sa oras na saktan niyo ang bagong kaibigan namin, pinapangako kong malulumpo kayo", ang maangas na sabi ni Arlyn sa kanila.

                  "Ganun ba??" Ang sabi ng lalakeng dark type majo user.

                 May namumuo na namang tensyon sa pagitan ng mga bullies at peace officers. Mga peace officers lang ang may karapatang lumaban at gumamit ng majo upang ipagtanggol ang mga naaapi. Suwerte ko at naging kaibigan ko sila.

                   Pero...natatakot ako, dahil baka maipakita ko nanama ang tunay kong pagkatao. Baka mapapalaban na naman ako neto... Pero ayoko namang malaman nila kung ano ako.

---------------to be continue------------

PS: hi guys.. Wassup.. Sorry sa pabiting chapter na toh.. Don't worry maganda ang next chapter I'm sure makakakuha kayo ng clue kung ano talaga si Raymond.
By the way.. Vote and mag comment din kayo para may inspiration ako..😘😘😉😉

The Mystery Of A Nerdy Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon