Chapter 21

73 5 1
                                    

Arlyn's POV

"Mag-iisang linggo na, Wala pa rin si Raymond.", ang sabi ko sabay buntong hininga.

"Dami niyang na miss na mga kaganapan at lessons.", dugtong ni Tintin.

"Nahh.. don't worry he can definitely learns all the lessons he missed.", wari ni Kaykay.

Nag-uusap usap kaming apat ngayon habang nakaupo sa lilim ng punong mangga, katatapos Lang naming kumain ng lunch.

Katatanim pa lang ng manggang to kahapon pero lumaki na agad dahil sa mga nature elementals, ginamitan nila ng nature spells. At dahil sa pagtutulungan ng mga students and teachers dito mas napabilis ang pagsasaayos ng mga nasirang bagay rito sa school.

Apat lang kami ngayon, wala kasi si Cath. Ganiyan talaga ang martyr na yon paminsan minsan. Takot siguro sa bagong misteryo sa campus namin.

May kakaibang elemento kasi na pagalagala na kumukuha ng magoy at ang mga nabibiktima nito na hihimatay na lang bigla-bigla at namumutla, mabuti't wala pang namamatay.

Sinabi niya rin noong unang araw na napanaginipan niya ang kaniyang inay at itay, at simula sa araw na iyon ay bigla na lang nawalan ng ganang lumabas si Cath. Paminsan minsan na rin siyang sumasama sa amin sa Canteen. Naging mapag-isa na siya ngayon.

"San na naman kaya si Cath ngayon?", tanong ni Theresa.

"Baka nasa mini forest na naman yon.", sagot ni Tintin.

"Puntahan natin?", tanong ko sa kanila.

"Sige, let's go?", Sabi ni Theresa sabay takbo. Siya pa talagang nauna, nanghahamon na naman to.

"Wait!!", sabi ni Kaykay. Kilos pagong kasi tong si Kaykay.

Habang nag-uunahan kami papunta sa mini forest, bigla na lang kaming nakarinig ng sigawan.

"Narito na naman ang elemento!!"

"Ahhhh!!"

"Help us!!"

"Takbo!!"

Ang sigawan ng mga estudyante sa Canteen. Natigilan kaming apat sa pagtakbo at nabaling ang atensiyon namin sa direkson kung saan nakatayo ang canteen.

"Puntahan natin?", ang suhestiyon ni Theresa.

"Wag, baka maramay tayo!", taliwas na sagot ni Tintin.

"Hindi, kailangan nating malaman ang nangyayari ron.", ang sabi ko sabay takbo papuntang canteen.

Wala ng nagawa si Tintin dahil sumunod na sa akin si Kaykay at Theresa kaya sumunod na rin siya. "Hintayin niyo koh!"

Pagkarating namin sa Canteen may nakaguwardiya na at hindi na kami puweding lumapit. Nakabulagta ang isang grade eight student na halatang nahihirapang huminga at namumutla.

Biglang dumating ang mga Medical group at binuhat ng maayos ang biktima at sinakay sa  medical floating carpet nila.

Dahil sa pagiging osyosa ko, tinanong ko si kuya guard.

"Kuya guard!? May nalalaman na po ba kayo sa misteryong Ito? Kung sino o ano ang elementong iyon?", tanong ko sa kaniya.

"Atin-atin lang to ahh, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam. Iniimbistigahan pa namin to, mahirap tukuyin ang bagay na iyon.", ang sagot niya habang binubulong sa akin. Ayaw siguro nilang mabahala ang mga estudyante kaya sinisekreto nila ang mga nalalaman nila.

The Mystery Of A Nerdy Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon