Chapter 26

43 5 0
                                    

Raymond's POV

"No matter what it takes, I need to stop that girl, the underworld princess, the chaos caster. "

-------

"JV!!! "

"Akin ka na lang bebe!! "

"Ahhhh!!  JV akin! "

"JV oppaaa!! "

Ang kaliwa't kanang tilian ng mga haliparot na kaklase ko. Isang buwan pa lang ang JV na to sa school pero halos kapantay na nya ang kasikatan ng mga vitruvian warriors.

Pero,  until now ay hindi ko parin alam kung bakit nagbalik tong bespren ko. Maraming beses ko na siyang tinanong but the only clue that he gave to me is the message to the princess. I know inside me, na may mas malalim pang dahilan, and I deserve to know the truth.  If I can only read his mind ay talagang ginawa ko na,  but a strong barrier surrounds him kaya di ko siya mabasa-basa.

Simula nang dumating si JV rito,  may nararamdaman din akong kakaiba. Kasabay pa ng sunod-sunod na pag-atake ng dark spirit na humihigop ng magoy.  I felt baffled and restless.

"Bespren! ", tinawag ako ni JV, sabay bulungan ng mga echoserang frogs sa gilid. Keso ako raw pabida,  keso ako raw yung nerd na kinoclose lahat ng sikat,  keso demonyo raw ako na hinayuma sila.  Capslock 'MAINGGIT KAYO', nako kung anu-ano na lang pinagsasabi nila.  Bakit ko naman sila gagayumahin, pinagnanasaan ko ma ba talaga ngayon ang kapuwa ko lalake?  Eeewwness overload. Maypapangit-pangit pa kayong nalalman ahhh..  Ehh kung alam nyo lang, talagang lukuhod kayo pagnakita niyo talaga totoo kung mukha.

"Oh? Bakit? ", sagot ko kay bespren habang inaakbayan niya ako. "Sabay na tayong kumain?", tanong niya sa akin, lunch break na kasi namin.

"Uhhm. Sabay kaming kakain ngayon ng squad ehh. ", sagot ko sa kaniya.

"Aahhh. Edi sasabay ako sa inyo. Diba okay lang naman sa squad mo? " asik ni JV sa akin sabay ngite.

"Yeah, pero ewan ko lang dun kay Cath.  Ehh parang ayaw niya sa iyo ehh...", ang sabi ko sa kaniya habang pinupunasan ang eyeglass ko.

"Bahala na,  basta sasama ako. Hahaha! ", ang sagot ni JV habang kinakamot niya ang kanyang ulo.

Naglunch kami ng sabay sa canteen. Nag pep-talk ng sobrang slight,  kaso di kumpleto ang lunch break namin kasi wala na naman si Cath, she's acting weird lately and I don't know why.

"Nasaan na ba si Cath?  Kahapon wala rin siya sa lunvh break ahh. ", ang tanong ni Arlyn sa amin.

"I don't know.  I'm worried about her. ", sagot ni Kaykay na may lungkot sa mga mata.

"Uhmm.. You know guys,  you don't need to be worry, okay lang siya. She's doing good. ", ang pagsabat ni JV sa aming usapan na para bang alam niya kung anong nangyayari kay Cath.

"Ikaw nga siguro ang dahilan kung bakit madalas siyang wala,  naiilang siguro yun sa'yo. " ang dada ni Tintin sa kaniya.

"Ehhh..?  Bakit ako? ", ang sagot ni JV sabay kamot sa batok. Halatang may tinatago tong taong to and I will surely find tge answer.

"And speaking of Cath! Nandito na pala siya oh.. ", ang sabi ni Theresa habang nakapamewang.  Tinakbo niya si Cath at tinalunan and Cath responsed so weird.  Hindi man lang siya tumawa o umilag. Something strange on her eyes.

"Oh?  Bakit ka matamlay? " tanong ni Arlyn kay Cath habang tumayo si JV at pinaupo siya sa kanyang upoan.  Hmmm,  how gentleman.

"Nothing. ", tanging sagot ni Cath na ikinagulat naming magbabarkada. Hindi ko alam kung talagang moody lang tong si Cath pero talagang sobrang nag-aalala na ang apat.  Sa tagal tagal na raw nilang pagsasama ngayon pa raw siya nagkakaganito.

I was thinking to read Cath's mind but I don't know why, hindi ko na mabasa isip niya. Dati naman ay nababasa ko pa, wala namang barrier sa paligid niya. Don't tell me naging masmalakas na siya ngayon. I can only read minds na mas mababa ang lebel ng kapangyarihan just like the headmaster.

"Kumain ka na ba Cath? ", tanong ni Theresa sa kanya, subalit tanging pagtango lang ang isinagot niya.

Nakayuko lang parati si Cath na para bang maysariling mundo. Lately napapansin din namin na para bang wala siyang tulog. Minsan nakita namin siyang umiiyak,  tas tumatawa. I don't want to think wrong, but satingin ko may mental illness na tong si Cath. Kung puwedi langnioa psychiat to,  talagang ginawa ko na.

Habang nakaupo kami sa Canteen at nag-uusap ay bigla na lang may lumapit sa aming babae,  Senior student siya. Halatang galit at tila gustong pumatay.  Tinitigan niya ng masama si Cath pero tila hindi nasindak si Cath. Tinitigan niya rin lang ito pabalik. Hindi ko alam kung kailan pa to nagkaroon ng kaaway si Cath ah,  di naman mukhang basagulera to.

"Ikaw! Ikaw ang demonyo,  ikaw ang masamang isipitito! Ikaw ang kumukuha ng mga mahoy sa mga studyante at staffs mg school na to. ", ang sabi ng babae habang dinuduro-duro niya si Cath.

"Hey!  Watch your words, don't you know that she's also a victim? ", ang pagtatanggol ni Kaykay sa kay Cath.

"Huwag kang maki-alam! ", ang sigaw ng babae na halos tumawag sa atensyon ng buong campus. Daming tao na nakatingin yung iba talagang pumunta pa rito para maki-osyoso.

Kinuha ng babae ang kanyang wand at itinapat kay Cath.  Halatang nanginginig sa takot ang babae at galit na galit.

"Spear water majo!", ang pagcast ng babae ng spell na ikinagulat naming lahat, akala namin hindi niya itutuloy. Tila nanlaki ang mga mata namin sa lakas ng itinira niya.

Ang bilis ng mga pangyayari,  dahil sa impact pati kami nasaktan. Maraming estudyante sa canteen ang nasaktan din.

Kinapa-kapa ko ang nahulog kong eyeglass at nang maisuot ko ito ay nakita ko na si JV ay mahawak na pana at hinarangan ang tira para hindi matamaan si Cath. Napaubo ng kaunting dugo si JV habang nakaluhod. Tila natatakot na ang lahat at pinagkakaguluhan na kami,  subalit parang wala lang si Cath.

I don't know why did JV sacrificed himself for Cath. Mas naguguluhan na tuloy ako.

"Don't you dare hurt her! ", ang sabi ni JV sa babae na halatang nagulat sa ginawa ni JV. Muling nagcast ng spell ang babae at itinira kay JV.  Takot na takot na ang babae. Na counter lahat ng tira niya kay JV at halatang galit na rin si JV.

"Kneel down infront of her and say sorry or else I will end your breath. ", ang asik ni JV sabay itinutok ang pana sa babae na may dark majo arrow.

"Like I will! ", ang sabi ng babae.  Ititira sana ni JV ang pana,  pero pinigilan siya ni Cath. "It's no good.  Let her live. ", ang sabi ni Cath kay JV na halatang ikinagulat niya.

I wonder why, kung bakit ganoon na lang makipag-usap si Cath kay JV.  Naiilang pa nga yon lately,  pero kung makipag-usap siya kay JV ay parang matagal na silang magkakilala,  parang sobrang close na nila. Don't tell me na mag-jowa na sila!?

Ibinaba ni JV ang pana niya at ibinalik sa wand form ang pana. Nagulat ako,  akala ko weapon lang niya yon,  wand pala niya.  Kanino niya nakuha ang wand na yon?

Halatang medyo nasaktan din si JV dahil sa tamang natanggap niya kanina,  pero inakay niya lang si Cath palabas ng canteen.  Hindi na namin sila sinundan at nagdisusyon kaming humingi ng pasensya sa buong studyanteng nadamay at tumukong sa pag-aayos ng mga bagay-bagay sa canteen.

I tried to communicate JV with my telephaty but hindi ako maka connect sa kanya. Sinubukan ko ring hanapin ang location nila kaso di ko sila maramdaman.

Nag-aalala sina Theresa kay Cath.  Di maabot ng kanilang isipan kung ano na ba talaga ang tunay na nangyayati,  maski ako di ko rin lubusang maintindihan ehh. Napaka mysterious nitong si Cath.

The Mystery Of A Nerdy Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon