Raymond's POV
Grabi to si Headmaster ahh... I don't really like to be shouted Susubukan ko munang mag-makaawa para makasama ko muna ang mga kaibigan ko.
"Headmaster... Baka puweding makahingi ng extension ohh.. Hindi pa naman siguro ako kailangan sa grupo ngayon, diba?", ang pakiusap ko kay Headmaster.
"Sinong may sabi na hindi ka pa kailangan namin? Your presence is really needed right now..", sagot niya sa akin.
Lumapit sa amin si Arlyn at sumabat sa aming usapan. "Mr. Headmaster, alam mo... Mabait yang si Raymond kaya pag-bigyan mo na siya please.. Kahit isang linggo lang po, para naman makabonding namin siya kahit saglit lang.."
"At sino ka naman? Sino ang nagpapasok sa'yo rito?", ang sagot ni headmaster na tila ba nagagalit.
"They are my friends, ako rin ang nagpapasok sa kanila...", sagot ko sa tanong ng headmaster kay Arlyn.
" Your friend pala ha.. Huh!! Let's see..", ang bulong ni Headmaster sa kaniyang sarili.
"Headmaster? Anong sabi mo?", tanong ko sa kaniya na para bang hindi ko narinig ang sinabi niya.
Yeah..rinig na rinig ko ang sinabi niya.. I have a bad feelings, I need to know it.
Tinitigan ko ang mata ni headmaster para ma mind read ko siya.
----reading headmaster's mind-----
What the... Pinaplano niyang burahin ang mga memories ko with them. Ibig sabihin hindi siya normal na majotsukay o magician..
Ang mga majotsukay na katulad niya ay napapabilang sa mga elites na dark elementals.
" Headmaster.. Wag na wag mong susubukan yan!!", ang sigaw ko sa kaniya.
Nagulat ang Headmaster sa sinabi ko. Oh no.. Baka malaman niyang kaya kong mag mind read.
"Anong sinabi mo?", ang tanong sa akin ni headmaster.
" Waw'Wa..Wala po..", ang nauutal Kong sagot sa kaniya.
"Ano ka ba talaga? Sino ka? Papaano mo nalaman ang iniisip ko? Sagot!!!!!", ang sigaw sa akin ng Headmaster.
Hindi to maaari, in my whole life I never experienced na masigawan. Laki ako sa layaw kahit nerd ako.
I feel like uncomfortable na hindi masusunod ang gusto ko ngayon. I need to do this.
BINABASA MO ANG
The Mystery Of A Nerdy Boy (Completed)
FantasyIsang batang lumaki sa piling ng mga hindi niya kadugo, inapi at itinuring na sumpa at demonyo subalit sa huli ay naging isang bayaning hindi kailanman nalaman ng lahat. Palipat-lipat ng school si Raymond sa kadahilanang palagi siyang inaapi at may...