Raymond's POV
"Don't let your parents hold the pen when you write your history in your own diary..."
Ito ang isa sa mga natutunan ko sa pamamalagi sa mundong ito. Kahit wala man akong mga magulang ay naging saksi ako kung papaano maging isang bata na nakahawla mula sa kamay ng kanilang ama't ina.
--------
Madugo ang paglalabanan ngayon ng dalawang kampo at hanggang ngayon ay nakatago pa rin kaming tatlo sa mga wasak na buildings at bangkay ng ibang estudyanteng nadamay sa labanan. Magmamasid muna sana kami subalit hindi ko nakayanan ang mga sumunod na nangyari.
Halos lahat ng mga buildings ay gumuho gaya ng pagkawasak ng barrier ng campus namin, agad na pumasok sa isip ko ang aking lola Tansyang, medyo malapit lang bahay namin. Natatakot akong madamay siya rito.
"Nawasak na ang barrier ng campus na ito. Kung ipagpapatuloy natin ang laban halatang marami-rami rin ang buhay ang masasawi at hindi lang yun may mga tao pang madadamay.", ang sabi ni miss Kitamura habang hinihingal at habang nakalutang sa ere na may hawak na naglalagablab na espada.
"Oh see? That's why we need to settle it down right now. Pwera na lang kung gusto niyong may maraming tao ang madadamay.", ang sabi ni Cath habang nakangisi.
"Ano ba kasi ang gusto mo?", ang tanong ni miss Kitamura sa kaniya.
"I told you already diba? Gusto ko na isuko niyo ang mga brilyanteng nasa pangangalaga ninyo!", ang sabi ni Cath in a beast mode.
Napaluhod ang lahat ng mga magi at medyo napakuha ang tagapangalaga ng brilyante ng araw, ang magi ng country of light. Unang isinuko ng magi ng country of light ang kanyang brilyante, ayaw niya raw na may madamay na mga inosenteng tao pa sa mundo.
"Margo! Isusuko mo ba talaga yan? Nahihibang ka na ba!?", ang sabi ni miss Kitamura sa magi ng country of light subalit mas lalong gumuho ang mundo niya nang isuko rin ng magi of the country of water ang kanyang brilyante.
"Huwag kayong magpasindak sa kanila! Huwag niyong isuko ang mga brilyante ninyo!", ang sabi ni miss Kitamura sa kanila habang napapaluha na.
"Mas importante ang buhay ng mga tao. Hindi ba ito ang ating tungkulin na protektahan sila!?", ang sabi ng magi ng country of water.
Napakuyom na lamang ng mga kamao si miss Kitamura at hindi na makapagsalita. Naiisip niya na rin na isuko ang brilyante ng apoy na hawak niya.
"Isusuko ko na rin ang aking brilyante basata't ipangako niyo lang ang kaligtasan ng sambayanan..", ang wari ng maging country of land.
"Wala na akong magagawa pa, kunin niyo na ang aking brilyante at itigil niyo na ito. ", ang maluha-luhang sabi ni miss Kitamura sa mga kalaban.
BINABASA MO ANG
The Mystery Of A Nerdy Boy (Completed)
FantasyIsang batang lumaki sa piling ng mga hindi niya kadugo, inapi at itinuring na sumpa at demonyo subalit sa huli ay naging isang bayaning hindi kailanman nalaman ng lahat. Palipat-lipat ng school si Raymond sa kadahilanang palagi siyang inaapi at may...