Arlyn's POV
Heto na naman tayo, mapapalaban na naman kami. Wala na ba talagang katapusan to?
Ayoko na talagang maging peace officer, may sumpa tong posisyong ito. Anyway kahit hindi pa ako ang peace officer ehh talagang ipagtatanggol ko parin naman ang mokong na ito.
"Umatras ka Raymond kami na ang bahala rito, ayaw naming masaktan ka na walang kalabanlaban", tugon ko kay Raymond upang umatras siya. Sumunod naman siya at hinayaan niya kaming ipagtanggol siya.
"Oh!! Ano? Manggugulo na naman ba kayo? Wala na ba kayong ibang maisip kundi ang mang-api", sabi ni Theresa sa mga ungas naming kaklase.
"Baka mapapahiya lang kayo, sa gandang toh.. Isang pitik ko lang kayo ehh... Hmmp!!", suplada mode din si Cath..
"Aeron.. I'm telling you.. Wag kayong ginawa ng gulo dito, it is my order as a peace officer in this class...", ang sabi ni Arlyn sa lalake ng dark elemental.
Mukhang galit na galit na ang lalakeng dark elementalna tinawag nilang Aeron at isa siya sa mga bullies. Susugurin na niya sana kami ng biglang yumanig ang buong lupa at naglabas ng napakalaking ugat ng kahoy na humarang kay Aeron.
Isang nature type majo style ang tirang iyon. Ngunit parang may kakaiba... Napakalakas nito, parang hindi ito isang pangkaraniwang atake lamang.
"Tumigil na kayo...", ang puna ng isang lalakeng may katangkaran, maputi at may mala diyos na katawan. Parang Greek Gods.
Umayos ang lahat at natahimik at sabay-sabay na bumati sa aming PE teacher. Yup.. he is our hot PE teacher. Napakagaling niyang magturo, pero medyo strict nga lang.
"Class mayor!! Explain this to me right now, why can't you handle them properly anymore!", ang sarkastikong pagkakasabi ng aming PE teacher tungo sa aming class mayor.
Napayuko na lang si Jane at hindi na sumagot.
"Okey I let this one pass this time, but next time all of you will be expelled from this school.. Am I clear?", ang dugtong ng aming PE teacher.
Raymond's POV
May naramdaman akong kakaiba sa PE teacher namin ng gumamit siya ng Nature style majo, parang may halong itim ang magoy na dumadaloy sa kanyang katawan.
Hindi ko rin mabasa ang kanyang mga mata, Oo.. Isa sa mga kakayahan ko ang makapagbasa ng iniisip through eye contact.
BINABASA MO ANG
The Mystery Of A Nerdy Boy (Completed)
FantasyIsang batang lumaki sa piling ng mga hindi niya kadugo, inapi at itinuring na sumpa at demonyo subalit sa huli ay naging isang bayaning hindi kailanman nalaman ng lahat. Palipat-lipat ng school si Raymond sa kadahilanang palagi siyang inaapi at may...