Raymond's POV
"Hey!?""Are you there!?"
"Common get out!"
"I need you..."
"Ha..haha! hahaha!"
Ang pagsamo ko sa kanya. Ang pagmamakaawa kong tulungan ako. Ang pagtawag ko sa isang nilalang na hindi na nararapat pang tawagin. Ang paghingi ng tulong sa kinakatakutan kong kalaban.
-----------
"Ooops! Your time is up. Pinapili kita kung aanib ka ba? O mamatay? But you end up leaving me with no choice...", napabuntong hininga na lamang si Cath habang pinaglaruan niya ang matatalas na kutsilong nabahiran na ng aking dugo.
"Sige! Gawin mo kung anong gusto mo, pero hinding-hindi ko ibibigay ang tulong ko sa'yo.", ang sagot ko kay Cath habang lumuluwa ng dugo.
"Cursed knife dark majo...", nag cast ng spell si Cath sa kanyang hawak-hawak na kutsilyo. Nababalutan na ito ngayon ng maitim na usok, at kung sino man ang masusugatan ng kutsilyong ito ay maaaring mamatay dahil sa sobrang sakit nito, nakalalason din ang hangin na pumapalibot nito.
Pinagsusugat-sugatan ni Cath ang aking mukha at dibdib. Halos hindi ko maintindihan ang aking sarili tila gusto ko na oang mamatay dahil sa sobrang sakit ng bawat paghiwa rito.
Nakikita ko sa mga mata ni Cath ang pagkagalit, poot at lungkot na kanyang nadarama. Tila sa akin niya ibinubunton ang lahit ng galit sa mundo. Bawat paghiwa niya sa aking mukha at dibdib ay siya namang paglabas ng mga matatalim na halakhak sa kanyang mga labi.
Sigaw, iyak, hagulhol at pagsusumamo na may tumulong sa akin ang aking nagawa. Subalit kahit ni isa ay walang tumulong sa akin.
"Hmmmm.. Oh ano? Nagbago naba isip mo Raymond?", ang tanong sa akin ni Cath habang dinidilaan niya ang dugi sa kutsilyo.
Hindi ako sumagot at tanging pagdura lamang ng dugo sa sahig ang aking nagawa. Tila gusto ko na lang mamatay, sawa na ako.
"Oh baka naman gusto mong matanggal yang kanang mata mo?, kay ganda pa naman ng kulay niyan talagang purong kadiliman, o baka naman yang kaliwang mata mo ang kunin ko? Nakakairita ang kulay, nakakasuka ang kulay ng kiwanag.", ang litanya ni Cath habang sinasabunutan niya ang ulo ko. Ang totoo kasing kukay ng mga mata ko ay crimson red sa kanan at sky blue sa kaliwa. Gumagamit lang ako ng contact lense na itim para itago ang mga ito.
"What if, maglaro tayo?", ang dugtong ni Cath habang napahalakhak ng malakas.
"Pumili ka sa apat na babae na ito kung sino ang ililigtas ko, may sampung segundo ka ara pumili.", ang sabi ni Cath habang tinuturo ang limang katawan na biglang kumitaw sa aking harapan.
Nanlaki nang husto ang aking mga mata. Tila dumagungdong ang isang napakalas na tunog kampana sa aking tenga. Nagagalit ako. Natatakot ako. Kinakabahan ako.
Bigla na lang akong napasigaw ng malakas na may halong hagulhol na hindi ko maintindihan. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Sampu!", ang unang bilang ni Cath habang maykinuha siyang singsing na may itim na bato sa gitna mula sa kanyang bulsa at isunuot ito.
"Itigil mo yan!", napasigaw ako dahil sa takot.
"Siyam!", ang dugtong ni Cath habang inilalapit ang singsing sa kanyang mga labi.
"Ha...haha! Hahaha!", napatawa na lang ako bigla na di ko maintindihan.
"Walo!", ang pagbigkas niya sa numero sabay halik sa singsing nito.
Napakuyom na lang ako dahil sa takot. Tumulo nang husto ang luha ko. Kahit na bago ko palang nakilala ang farmfriend squad ay talagang napalapit na ako sa kanila. Hindi ko kakayaning may madadamay na namang buhay dahil sa akin. Ayoko nang mawalan pa ng kaibigan.
"Pito! Zytan sword I summon you. ", ang pagbilang ni Cath sabay summon sa kanyang majo weapon.
"Kung alam ko lang na sa ganito hahantong ang lahat, edi sana hindi na lang ako naging malapit sa inyo.", ang pagsasalita ko sa apat na natutulog na katawan sa aking harapan, ang katawan nina Arlyn, Theresa, Tintin at Kaykay.
"Anim!", sabi ni Cath sabay tawa.
"Patawarin niyo ako, wala na akong magawa pa.", lalong lumakas ang pagtulo ng aking luha.
"Lima!", lumapit si Cath sa katawan nilang apat at itinutok ang espada sa kanilang mga leeg.
Naramdaman kong umiinit ang aking katawan at nagiging matingkad na kukay asul ang kaliwa kong mga mata at lalong nagbabaga ang kulay ng aking kanang mata sabay pagtulo ng dugo nito.
"Apat!", natigilan sa pagtawa si Cath at naging seryoso siya sa kanyang pagbibilang.
"Pumili ka Raymond! Ang umanib ka sa amin o ang buhay ng mga kaibigan mo!?", ang seryosong tanong sa akin ni Cath.
"Tatlo!", sigaw ni Cath habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa nakikita niya.
"Itigil mo yan, alam mong hindi lang ako ang kaibigan nila. Alam mo sa sarili mong kaibigan ka rin nila. Kaya itigil mo na yan, bago mo ito pagsisisihan!", ang seryoso kong sagot kay Cath habang tumutubo ang dalawang malalaking kong sungay.
"Dalawa!", ang sigaw ni Cath. "Alam mong hindi ka makakawala sa mga kadenang yan. Kaya wag mo na lang aubukang lumaban pa.", ang dugtong niya.
Nanlaki nang husto ang mga mata niya nang makita niyang nalagot ko ang kadenang nababalutan ng itim na majo.
"Isa!", ang sigaw ni Cath sabay tawa ng malakas habang itinataas niya ang kanyang espada upang patayin na sina Theresa.
Sa hindi ko malamang dahilan ay tinaglay ko ang sobrang bilis na pagkilos. Napigilan ko siya sa kanyang gagawin at ibinalibag ko si Cath sa labas.
Nahulog si Cath at dahil nasa rooftop kami, umagaw ng atensyon sa buong campus ang malakas na pagsabog dahil sa pagkawas ng dingding.
Dali-dali naman siyang sinagip ni JV sa kadahilanang familiar niya ito.
Agad nagpunta ang vitruvian warriors sa aming lokasyon upang rumesponde subalit biglang itinaas ni Cath ang kanyang espada at umilaw ang magic circle na ginawa niya sa buong campus na naging dahilan kung bakit hindi makagalaw ang lahat na nasa loob nito.
Hindi makagalaw ang lahat ng vitruvuan warriors liban kay Ren. Tanging si Ren lamang ang hindi naapektohan sa kanilang lahat subalit halatang nahihirapan pa rin siyang gumalaw sa loob ng magic circle.
Tanging ang mga light majotsukay lamang na may malakas na resistensya sa kadiliman ang kayang gumalaw sa loob ng magic circle ni Cath subalit mababawasan ang kanilang lakas dahil sa atmospera sa loob ng magic circle.
"Yuno! Exterminate.", ang utos ni Cath sa ahas na may pitong ulo habang nakaturo kay Ren.
Mabilis kong pinuntahan ang lokasyon ni Ren para sagipin siya subalit may nauna sa akin isang pamilyar na pangangatawan. Ang Magi ng district namin, si Miss Kitamura. Ang sexy parin niya with the two piece armored na suot niya.
Tila namangha ako sa biglaang pagdating niya, tila walang kahirap-hirap siyang gumagalaw sa loob ng dark magic circle at nacounter pa niya ang pag atake ng ahas na may pitong ulo.
Subalit sa likod ng aking pagkamangha ay tila may kaba. Nararamdaman ko na may panganib at delubyong paparating. I have a strong feeling na maaaring may maganap na nakakatakot na labanan dahil hindi naman magpapakita ang magi kung isang ordinaryong labanan lang to, diba?
I wan't to do the best that I can this time. I wan't to tell all the things to my friends, cause I can feel that my end is near, but there is something blocking me to do that. Tila may bumubulong na huwag ko silang pagkatiwalaan sa aking sikreto.
--------------
Author's note: Hope you understand the story wala na akong maisip kung papaano ko kasi patakbuhin ang story. Sorry for the typos, too, intindihin niyo na lang ahhh... I love you all😘😘
BINABASA MO ANG
The Mystery Of A Nerdy Boy (Completed)
FantasyIsang batang lumaki sa piling ng mga hindi niya kadugo, inapi at itinuring na sumpa at demonyo subalit sa huli ay naging isang bayaning hindi kailanman nalaman ng lahat. Palipat-lipat ng school si Raymond sa kadahilanang palagi siyang inaapi at may...