Chapter 20

70 6 0
                                    

Raymond's POV

"Where am I?", ang tanong ko sa aking sarili habang dahan dahan kong iminumulat ang aking singkit na mga mata.

Naaninagan ko ang puting kisame at ang dextrose na malapit ng maubos.

"Nurse! Nurse! Gising na po ang apo ako! Nurse!", ang napaka ingay na pagtatawag ng isang pamilyar na boses.

"Lola?", ang taka kong pagkakasabi habang ibinabaling ang aking tingin sa kaniyang direksiyon.

"Pinag-alala mo kami ng Tito mo, akala namin mamamatay ka na..", ang sagot sa akin ni Lola habang medyo naluluha.

"Huh? Ano po ba ang nangyari?", ang taka kong tanong habang pinipilit kong alalahanin ang mga huling kaganapan.

*Naglalaban kami ng isang lalake sa school. May nagpatulog sa akin.*

"Arraayy!!", napapikit ako habang sa sakit ng aking ulo.

"Wag ka munang gumalaw. Hindi pa nakakarecover ang iyong katawan. Kailangan mong ma regain ang nawalang magoy San iyong katawan.", ang sabi ng isang nurse na may hawak na injection.

Nagulat ako nang sinabit niya ang katagang magoy. Bakit niya alam? Nurse siya diba?

"Ospital to ng mga majotsukay, kaya wag kang magtaka kung alam nila ang tungkol sa mga ganiyan. Mga medical majotsukay sila.", ang litaniya sa akin ni Lola na tila ba nababasa niya ang isip ko kanina.

"Raymond, buti't gising ka na. Muntikan ka nang mamatay dahil hindi kinaya ng iyong katawan ang magoy na dumaloy sa'yo. Kung hindi dumating ang Magi ng district natin for sure patay ka na.", ang asik sa akin ni Tito habang naglalakad palapit sa akin.

"What!?", ang taka kong tanong sa kaniya, medyo nagugulahan kasi ako.

"Dinala ka rito ng mga medics from VDNHS, nagkabitak bitak na ang iyong katawan nang isugod ka nila rito. Just like what happened when you are three years old.", ang sabi ng nurse na may dala dalang injection habang itinutuso nok niya sa akin ang injection.

"Huh?", Tumaas ang kilay ko sa mga narinig ko.

"Hindi mo na siguro natatandaan, three years old ka palang noon ehh. Ngayon ang lakilaki mo na.", ang asik sa akin ng nurse habang nakangiti.

"Puwedi ka nang madischarge bukas, nang sagayon ay makapag-aral ka na ulit.", ang dugtong ng nurse.

Ilang araw na ba akong narito sa ospital na Ito? Bakit parang pakiramdam ko ang tagal ko na rito.

"Isang linggo ka nang naka confine dito.", ang sabi ni Lola sa akin na tila ba sinasagot na naman ang nasa isip ko.

"What the!! Isang linggo na ako rito?", ang gulat kong tanong.

"Lola, dala niyo po ba ang cell phone ko?", ang tanong ko kay Lola.

"Nasa bag mo diba?", ang sagot ni Lola na parang alam niya.

"Bag ko? As in school bag?", taka kong tanong.

"Ayan oh..", ang sabi ni Lola habang tinuturo ang direksiyon sa gilid ko.

"Dinala yan ng Headmaster ng school niyo rito. Hindi ko na yan pinakialaman.", ang asik ni Lola.

Papaanong nalaman ni Lola na narito ang cellphone ko sa bag kung hindi niya naman pala ginalaw? Weird.

The Mystery Of A Nerdy Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon