Chapter Thirteen

6.3K 148 1
                                    

Isha's POV

" That's it. Cut!! Great job everyone.." director said. Umalis na ako at dumiretso sa tent ko.

Hindi ko parin makalimutan yung priceless na muka ni Medusa, plus yung weird na nangyayari sakin at kay Grey. Hindi parin bumabalik si Medusa simula nung nagwalk out sya, si Drey naman sinundan daw sya dahil may pagkabaliw daw ang kakambal nya.

Seriously? Anong nangyayari sa mga tao sa paligid ko?

"Isha, may naghahanap sayo sa labas.. Friends mo daw." sabi ni Elle at lumabas na din agad. Friends?

Lumabas nalang ako para salubungin yung friends ko "daw".. Nagulat ako ng makita si Ash. So kelan ko pa sya naging friend, last time I checked kapatid ko sya?? Nasa tabi nya naman si Brent na may dalang folders at plastics.

"What brings you here?" tanong ko ng makalapit ako sa kanila.

"Eto kasing si Ethan, nagpumilit na pumunta. Maglalunch daw kayo, pero hindi nya alam kung saan kaya sinamahan ko na." lunch? Oh, I forgot.

Pinapasok ko nalang sila sa tent ko at nagpaalam kay Direk na maglalunch muna ako. Nakipag kwentuhan nalang ako sa kanila after naming kumain, since sina Drey ang kukunan nila ngayon.

"Isha, ito nga pala yung mga namissed mong lessons." inabot sakin ni Brent yung mga folders na dala nya. Holy cow?! Bakit ganito kadami?

"May exam tayo sa Monday, no special exams daw kaya kailangan mong magtake." Sabi sakin ni Ash. What the hell?! Papatayin ba nila ako?

"Ay, mawawala nga pala ako just for a month or more." biglang nagsalita si Brent.

"San punta mo?" tanong ni Ash sa kanya.

"England, may aayusin lang sa isa pa naming branch 'don." napatango nalang kami ni Ash.

- - -

After the shoot, I decided na umuwi na. It's a long tiring day. Kailangan ko pang magaral, bakit kasi nung pumapasok ako hindi sila nagtuturo, tapos ngayong wala ako saka sila magtuturo? Are they insane? Sinisira nila ang mood ko!

Naabutan ko si Ate Violet na nakikipag kwentuhan kay Manang Tessa. Parang ang saya ng kwentuhan nilang dalawa.

"Isha, andyan ka na pala.." nakangiting bati sakin ni Ate Violet ng mapansin nya ako. Magkapatid ba talaga sila ni Grey? Bakit ang bait nya, while si Grey... nevermind.

"Uh, yeah. Magpapalit lang ako, magkwentuhan lang kayo dyan." sabi ko at tumalikod na..

"Wait, nandito lang ako para imbitahin ka sa birthday ni Grey next next week. Don't forget to be there huh?" sabi nya at umalis na agad sa harap ko. Birthday, next next week? Kelan naman kaya, saan, anong oras? Seriously? Nagiimbita ba talaga sya?

Umakyat nalang ako sa room ko at naghalf bath to freshen up.

Monday, exam. Can someone tell me how easy to live ordinarily, without cameras and eyes following you, without MANY "plastics" around you. I miss my old life, walang stress, walang sumusunod sa bawat galaw mo, may privacy at tahimik..

I just turned on the tv kahit hindi ako manonood. It's normal for me, nasanay na akong magbukas ng tv kahit hindi ko gagamitin. Ang awkward kayang makita mo yung sarili mong muka, try nyong videohan sarili nyo tapos ipanood nyo sa iba.

Binabasa ko yung mga folders na binigay ni Brent kanina, scratch that tinitignan ko lang pala. Ano naman 'to?? Grabe gagraduate ako ng walang natututunan sa mga prof. Uso naman self study eh, mas madaling intindihin pag ikaw mismo kesa makinig ka sa kanila. Paiba iba ng turo.

Revenge of the Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon