Chapter Seven

7.4K 170 5
                                    

Grey's POV

{Friday}

As I was walking on the hallway of SU andaming nakatingin sakin. Andaming mga babae, nakakairita.

Kahit pa nakacap at shades ako, halata parin.

Pano ba ako napunta dito?

Oh? Dahil nga pala kay Violet, pinilit nya ako na dito na magaral para maging close kami ni Isha.

Ayoko sana, kaya lang inutusan nya ako bilang manager, not as her brother. Kaya kahit ayoko, kailangan kong sundin. Para din naman 'to sa career ko.

Dumiretso na ako sa locker room para iwan yung ibang gamit ko. May pinagkakaguluhan, hindi na ako nagtaka. Sino pa ba? Edi si Isha nanaman.

She's with a girl and a guy. I think this guy is Ethan Smith, ang nagiisang tagapagmana ng SLine. Pano ko nalaman? I'm one of the SLine faces, though ngayon ko lang sya nakita ng personal dahil nasa England daw sya.

Sa ilang posters ko lang sya nakikita. Ang sabi ni Mrs. Eleanor Swiss, his mother, sya daw ang nagpapatakbo ng SLine branch nila sa England. At sikat sya 'don dahil nagmomodel sya para sa SLine doon.

Hindi pinapansin ni Isha ang mga flashes ng camera, diretso lang ang lakad nya. Napansin ko rin na parang inoobserbahan nya yung babaeng kasama nya.

Nakarating na siya sa tapat ng locker nya, binuksan nya ito. Nagbago nanaman ang expression nya. Ikaw ba naman, makita mong puno ng papel ang locker mo? Matutuwa ka kaya? Kung sa ibang kulang sa pansin, siguro matutuwa. But knowing her, naiinis na sya.

Agad nyang tinabig lahat ng papel, kinuha ang kailangan at nilagay ang ilang gamit.

Yung ibang papel na nagkalat ay naapakan nya sa pagalis nya. Hindi ko alam pero parang sa ginawa nya, para syang iba sa lahat.

"Tss. Lagi nalang syang ganyan." bulong ng isang babaeng malapit sakin.

"Heartless bitch nga diba? Ang bobo nito!" sabi naman nung isa.

Heartless bitch? Nah, I don't think so.

Umalis na ako at dumiretso na ako sa room. Parehas lang ang sched namin ni Isha, bakit? Tanong nyo kay Violet, kung bakit ba naman kinopya ang sched ni Isha.

Parang bigla akong naexcite sa mangyayari mamaya. Kasama ko sya sa isang room, I'm sure magugulat din sya.

Pagkarating ko sa tapat ng room, nandun na yung prof. Nagaattendance pa ata. Kumatok nalang ako sa bukas na pinto, just to inform them na andito na ako.

Lumingon sakin yung prof.

"How may I help you?" tanong nya sakin..

"New student." simple kong sagot

Tinanguan nya ako, at sinabihang pumasok na..

"Introduce yourself." sabi nya sakin, pumasok na ako..

Pagpasok ko palang, hinanap ko na agad si Isha. Kasama nya yung babae na kasama nya kanina, parang pinapangaralan nya. Lahat ng tao dito may kanya kanyang businesses.

I cleared my throat, para naman mapunta ang atensyon nila sakin. Nang makita kong nakatingin na silang lahat, nagsimula na akong magsalita.

"Hi, I'm Nathan Grey Pascua." simpleng sabi ko.

Halos lahat sila ay nagulat, tinanggal ko yung cap and shades ko.. Mas lalong lumakas ang mga bulungan nila.

"Anong ginagawa nya dito?"

Revenge of the Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon