I slapped him hard
As in really HARD.
-------
"What was that for?" He asked confusely.
Ha?
Para saan nga ba?
"Ah, uhm... ano. G*go mo kasi eh!" Hala? Ano daw sabi ko?
Feeling ko pulang pula na ang muka ko dito. Bakit ko ba naman kasi sya sinampal?
*hahahahaha
"Ang cute mong mang trashtalk grabe!" Sabi nya habang tawa ng tawa.
*hahahaha
Geh tawa lang.
*hahahaha
Sa inis ko ay dinampot ko yung isang unan tapos binato ko sa kanya.
"Paki inform nalang ako kapag namatay ka na sa kakatawa" sabi ko saka umupo sa kama.
Poker face lang. Sobrang nakakahiya ako.
Maya maya ay tumahimik na sya at unti unting lumapit sakin.
"Sorry na." sabi nya sabay tusok sa tagiliran ko.
Nye nye, close ba tayo?
"Oy Isha."
Sudot ulet.
Hindi ko parin sya pinapansin.
Naiinis ako sa kanya eh.
"Isha naman eh, hindi ka ba naaawa sakin? Tignan mo ko? Ang dami ko ng sugat, ang payat payat ko na... tapos di mo pa ko papansinin."
Tinignan ko sya ng masama.
At kasalanan ko pa ngayon ha?
"Hoy g*go, sino bang may sabi na matulog ka ng ilang araw dito? Ha? Sino bang may sabing magpakalasing ka at magsuicide? Kung di ka ba naman siraul---"
"What?" Nagtatakang tanong nya.
"Hoy lalaki, don't what me. You're such an idiot! Para kang bata! Akala mo naman pag nagsuicide ka maayos mo na lahat. Like duh? Hindi ka manlang naawa sa ate mo!"
Para naman syang naguguluhan na ewan.
Ni hindi ko nga alam kung nakikinig ba sya sa sinasabi ko o hindi eh.
"Suicide?" Tanong nya.
Anyare? Akala ko ba walang ibang nadamage sa ulo neto.
Bakit parang may amnesia kung makapag react?
"Yeah, suicide! Maang maangan pa more, feeling mo naman may amnesia ka?"
"Anong suicide?" Tanong nya ulit.
What?
Hindi nya nga talaga maalala?
"Suicide, diba nagsuicide ka daw kaya ka nandito?" Patanong na sagot ko sa kanya.
"What?!"
Maya maya ay nagsimula nanaman syang tumawa ng tumawa.
O-kay?
"Pft.. No, I-- pft. I didn't" he said na parang baliw sa kapipigil ng tawa.
Tapos tawa nanaman.
Pero... what did he say?
He didn't?
Eh bakit sya nandito?
"Kung hindi, bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Napatigil naman sya sa kakatawa at biglabg napaisip.
Tumingin sya sakin ng seryoso..
"I dunno." He said
Hindi ko alam kung baliw na ba talaga tong lalaking to o nagbabalie baliwan lang.
"Basta all I know is that lasing ako, I was devastated that time. Lahat na ata ng babasagin sa kwarto nabasag ko na."
"So? Anong connect sa tanong ko?" Sarcastic na tanong ko dito.
"Hindi ko alam. Basta ang alam ko nagdilim yung paningin ko tapos natumba ako. May parang mga nahigaan pa nga ako, kasi nakaramdam ako ng kirot. Kaya lang hindi ko na mamulat yung mata ko. And poof, I am here in the hospital." Mahabang paliwanag nya.
Ano?
"So nahigaan mo lang pala yung mga binasag mo kaya halos maubusan ka ng dugo?" Gulat na tanong ko.
"Siguro"
"Eh san galing yung suicide?"
"Hindi ko din alam. Kaya nga nagtataka ako kasi kanina ka pa suicide ng suicide dyan. Akala mo naman magsusuicide ako."
Napahiya ako dun ah.
"Oh ano? Pahiya ka?" He's teasing me!
"G*go!" Sabay irap.
Tumayo na ako at ready ng magwalk out ng hilahin nya ako sa braso.
Napayakap ako sa kanya sa sobrang pagkabigla ko.
"Hoy Grey, ano nanamang problema mo?" Mataray na tanong ko dito.
"Okay na ba tayo?"
Okay na ba kame?
Lolokohin ko sana sya at sasabihin na hindi padin kaya lang ay bigla ulit syang nagsalita.
"Kailangan ko pa bang totohanin ang pagsu-suicide para lang maging okay tayo?"
Kumabog ang dibdib ko sa mga sinabi nya.
For the first time, natakot ako na baka totohanin nya nga.
"Blackmail ba yun?" Tanong ko.
"Pwedeng oo, depende..." parang nakakalokong sagot nya.
"G*go ka talaga. Oo na okay na tayo. Mamaya tumalon ka pa dyan sa bintana, kasalanan ko pa."
He tightened his embrace na parang may gustong umagaw sakin.
O talagang may galit lang sya sakin at gusto nya akong sakalin?
"Promise Isha, hindi na mauulit lahat ng nangyari noon."
Sana nga...
"So tayo na ulet"
"Ano ka, swerte? Uso ligaw hoy."
Humiwalay sya sakin at ginulo ang mga buhok ko.
"Opo, manliligaw na po"
Napataas ang kilay ko.
"Napipilitan?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Nope, I'm willing to court you. Kahit araw araw pa."
BINABASA MO ANG
Revenge of the Heartless Bitch
De Todo"You know what? I wanna introduce you both to one of my closest friend. You know KARMA? Well, she's a BITCH. But then napag isip isip ko, why would I introduce you both to her? She's just a BITCH. And I'm way BETTER than her, or BEST? Oh sorry, I me...