Isha's POV
"Ocampo, Ashley." tawag ng prof namin kay Ash. Bigayan kasi ng results ng exam namin ngayon. Lumapit sya para kunin yung papel nya. Napangiti naman sya ng makita yung results ng kanya..
"Ocampo, Ayisha." tamad akong tumayo sa upuan ko at lumapit sa prof namin para kunin ang results ng exam ko. Tinignan ko ang papel ko, 89%? Okay na para sakin, ikaw ba naman ang hindi pumasok ng ilang araw tignan natin kung makakuha ka pa ng sobrang taas.
"Sir, I need to go. Pumunta lang ako dito para kunin ang results ng exam ko." paalam ko sa kanya. Kahit naman maldita ako, may galang parin ako sa IBANG profs ko. Lalo na dun sa mga kagalang galang talaga, hindi yung puro paganda at kabaliwan lang ang ginagawa.
Tinanguan nya naman ako kaya umalis narin ako papunta sa set.
Pagdating ko sa set, nakita ko si Grey na prenteng nakaupo lang. Teka, parang hindi ko sya nakita sa school kanina? Nilapitan ko sya para tanungin.
"Bakit wala ka sa school kanina?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko
"Nagpaalam naman ako eh." nagpaalam? Akala ko ba bawal ang special exams?
"Pinayagan ka?"
"Yup, nagpaalam ako kay Ma'am Pertez." kaya naman pala eh, si Ma'am Pertez kasi ay isa sa mga mahaharot na prof namin. Boyfriend nya kasi yung prof na nagpaexam samin. May boyfriend na lumalandi pa, ganyan ba ang dapat igalang at tularan?
"Anong kapalit?" knowing her, hindi sya papayag kung hindi sya magbebenifit.
"Friendly date." friendly date my ass. Isumbong ko kaya sya sa boyfriend nya, nakakaloka sya.
Nakakaimbyerna ang mga kagaya nya, panira ng araw! It's not just because malandi sya, at nilalandi nya si Grey. Nakakainis kasi ang unfair nya! Ako todo effort para sa exam na yan, tapos sya. nevermind. Naiinis lang ako pag naaalala ko.
"Hi Grey!!" nagulat ako ng may bumangga sakin mula sa likod ko. Isa pa tong kalahi ng harot kong prof. Bakit ba pinapaligiran ako ng mga kagaya nya? Hindi ba pwedeng magtayo sila ng sarili nilang city at dun nalang silang lahat.
"Oh? Hi Isha andyan ka pala, hindi kita napansin. Hindi ka kasi kapansin pansin." sabi sakin ni Medusa habang nakakapit sa braso ni Grey. Yung totoo? parang sya talaga si Medusa, para kasing sawa kung makapulupot.
"Shut it, I'm not in the mood." warning ko sa kanya.
"What if I don't?" mapangasar na tanong nya sakin. Minsan talaga iniisip ko kung kapatid to ni Drey eh.
"I'll ask Drey to talk to your parents about your 'so called disease'. Now decide, shut it or..." pabitin kong sagot sa kanya.
"Bwisit ka talalaga!!" sigaw nya sabay walk out. Ano sya ngayon? Maghahamon sya tapos lalayasan nya ako.
Nabangga nya naman si Drey na papunta dito ng nag walk out sya. Eto naman si Drey parang natuwa pa sa reaksyon ng kapatid nya. Magkapatid ba talaga sila?
"Nangyare dun?" natatawang tanong nya sakin ng makalapit sya.
I just shrugged, pakielam ko naman sa kanya. Kahit tumalon pa yang Medusang yan sa building, wala parin akong pakielam.
Umalis nalang ako para pumunta sa tent ko para magkabisado ng lines ko.
"May nagpapabigay sayo." salubong sakin ni Elle habang hawak ang isang bouquet ng red roses. Nasabi ko na bang favorite color ko ang red bukod sa black??
BINABASA MO ANG
Revenge of the Heartless Bitch
Random"You know what? I wanna introduce you both to one of my closest friend. You know KARMA? Well, she's a BITCH. But then napag isip isip ko, why would I introduce you both to her? She's just a BITCH. And I'm way BETTER than her, or BEST? Oh sorry, I me...