Chapter Twenty Two

5.4K 153 2
                                    

Ashley's POV

"What did I miss?"

Lalo akong nanigas sa kinauupuan ko.

Ang boses na yon??

She's here...

"L-lyre.."

Napaangat ang ulo ko ng banggitin ni Ethan ang pangalan nya.

"The one and only..."

Lumapit ito sa aming tatlo at nakipag beso kay Isha.

"Ang tagal mo." sabi sa kanya ni Isha.

"Sorry ang hirap magpark.." sagot nya rito.

What?

Magkasama sila?!

Lumingon sya sakin, galit sya.

"Oh hi there Ash, so how's my gift?"

Sya ang dahilan kung bakit galit sakin si Ethan ngayon.

Bwisit sya!

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ko sa kanya.

"Ahhmm, bakit nga ba?"

Lumapit ako at sinampal sya.

Galit ako!

Galit na galit ako sa kanya.

"Ikaw pa ang may ganang manampal. Mind you, ikaw ang may kasalanan sakin. You framed me! You ruined us!" sabi nya habang nagaapoy ang mga mata sa galit at sinampal ako.

"Bwisit ka, bakit pumunta ka pa dito?!"

"Dahil nangako akong gagantihan kita. Nakalimutan mo na?"

Nablanko ako, hindi ko alam ang sasabihin ko...

"S-sorry.."

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lang sabihin yun sa kanya.

"Sorry? Nakakain ba yun??"

Hindi ako makasagot. Parang nalunok ko ang dila ko.

Habang pinapanood ko ang video kanina, hindi ako makapaniwala.

Nagawa ko ba talaga yon??

"A-ash, t-totoo ba??"

Napalingon ako sa likod ko.

Si Ethan...

I wan't to say no, pero hindi ko magawa.

Naninigas ako sa kinatatayuan ko. Parang may bumara sa lalamunan ko ng makita ko ang itsura nya.

His eyes are begging me. He wanted me to say no but I can't! I wanted to say no, but I can't.

I just can't!

Bwisit!!

Ngayon pa ba ako tutubuan ng konsensya?!

"TELL ME!!"

Nagulat ako sa pagsigaw nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kagalit.

Napatango ako unconsciously.

Galit na galit sya sakin..

"I trusted you, bakit niloko mo ako!?"

Hindi parin ako makatingin ng maayos sa kanya.

"ANSWER ME!!"

Nahampas sya sa noo nya, na para bang pinipigilan nyang magalit.

"Damn it Ash! Speak up!!"

Revenge of the Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon