Chapter Thirty

5.2K 137 3
                                    

Nasa room ako ngayon ni Grey, kagagaling ko lang kasi sa room ni Ash. We only have fifteen hours para hintayin ang paggising ni Ash. According kasi sa Doctor nya, she should wake up in 42 hours or else... Or else delikado nanaman sya.

Kasama naman ni Ash si Manang at si Mom kaya naisipan ko munang sumaglit dito.

Walang tao dito sa room nya, bumili siguro ng pagkain si Ate violet.

Ang laki ng pinayat nya, pero bat ganun ang gwapo nya paren?

"Grey... it's been three days I guess? When are you planning to wake up? Enjoying your sleep, eh?" Napangiti nalang ako ng mapait.

Buti nga hindi na ako basta basta naiiyak eh. Oh diba? The tough woman is back! Diwang tayo guys!

"By the way, lagot ka kay direk. Napostpone nalang ng napostpone yung taping naten. Pero alam mo ba, nakakamiss ka... yung paghingi mo ng sorry sakin. Pati yun nakakamiss."

I decided to turn my back and leave. Feeling ko kasi maiiyak nanaman ako. Ayoko namang maiyak sa harapan nya.

Ang pangit lang tignan, lalo na at tulog pa sya. Naiimagine ko na para ko syang pinaglalamayan.

Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay bigla na lang may nagsalita.

"I-isha..."

Lumingon ako only to see Grey, gising na gising sya. At nakaupo pa ang lolo nyo!

Kinabahan ako bigla, kagaya nung dati kong narandaman. Sa sobrang kaba ko ay tumakbo ako palabas at bumalik sa room ni Ash.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa room nya.

"Oh anak, what happened to you? Pinagkaguluhan ka ba sa labas?" My worried mother asked.

"Ah- eh... medyo. hehe"

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na convinced si Mom

Maya maya any may narinig akong ingay sa labas. Sumilip ako sa pinto only to see na may tumatakbong dalawang nurse papunta sa room ni Grey. Pero bago pa sila makapasok ay bumukas na ang pintuan sa kwarto nito.

Lumabas si Grey, kasunod nya naman si Ate Violet. Para syang nagwawalang hindi ko maintindihan. Nakaagaw naman sya ng pansin kaya parang ipo ipong nagdagsaan ang mga tao.

Maya maya pa ay dumating na ang ilang paparazzi.

"Isha? Isha?!" Dinig kong sigaw nya mula sa kinaroroonan nya.

"Wala nga sya! Will you stop shouting?!" Naiinis narin sa kanya pati ang ate nya.

Pano ba naman, para syang wala sa sarili nya. Parang wala lang sa kanya na pinapalibutan sya ng maraming tao, habang kinukunan ang kabaliwan nya.

"No ate! I saw her!" Sigaw nya ulit.

"Please Grey calm down, pumasok ka na sa room mo. I'll call her to come over." pilit syang pinapakalma ng ate nya.

"No ate! I want her now!" Para syang tanga na nagwawala dun.

Kahit ako naaawa na sa kanya, gusto kong lumabas pero hindi ko alam kung pano ko sya haharapin

"ISHA!"

After hearing my name, I closed the door immediately. Baka hindi ko sya matiis at bigla akong lumabas kahit hindi ko alam ang sasabihin ko. Magmuka lang akong tanga.

Pagtingin ko kayna Mom, nakatitig lang sila ni Manang sakin. And I guess, hindi ko gusto ang tumatakbo sa isip nila.

Ngumiti si Mom ng nakakaloko.

Nakakakilabot!

Alam ko na ang feeling ng iba kapag binibigyan ko sila ng isang evil smile. Shit lang, nakakatakot!

"Sige na Anak, I know na gusto mo syang puntahan." Mom said then she opened the door and pushed me out.

Ahhhh

Napasigaw naman ako dahil muntik na akong madulas.

And I think that's a wrong move?

So wrong dude!

Naagaw ko ang atensyon ng lahat.

Atensyon nila...

And most specially, ang atensyon nya.

Napatulala muna sya, parang sinisigurado kung ako ba talaga yung nakikita nya.

"Si Mom kasi eh!" Bulong ko sa sarili ko.

Nang masiguro nya ata na ako nga yung nakikita nya, ay bigla syang tumakbo palapit sakin.

Oh no!

Gusto ko man bumalik ulit sa loob ng room ni Ash, ay hindi ko kaya.

Ayaw Gumalaw ng paa ko, for pete's sake!

.

.

.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na yakap nya na pala ako.

Hindi ko alam kung ako lang ba, o talagang tumigil yung mundo?

Or nag slow motion ang lahat?

Natauhan nalang ako sa pagkatulala ng masilaw ako sa dami ng flashes ng mga camera. Kanan, kaliwa... halos kulang nalang ay maipit kami ng mga tao -- oh scratch that! Naiipit na talaga kami!

Hanggang sa naramdaman ko nalang nahinihila nya ako papasok sa room niya. Ang sikip lang, grabe!

Buti nalang tinulungan kami ng guards.

Nang makapasok kami sa room nya iniwan muna kami ni ate Violet para ayusin ang commotion sa labas.

Nang makalabas si ate.

I slapped him hard.

As in really HARD!

Revenge of the Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon