Chapter Seventeen

5.8K 159 3
                                    

Grey's POV

Kasama ko ngayon sa table ang girlfriend KO, pati narin yung assistant nya. Parang hindi ko napansin yung kapatid nya, kasama nya yun kanina diba? Don't get me wrong huh, hinahanap ko lang sya para kausapin sya since kapatid sya ng girlfriend KO.

Mahal ko kaya ang girlfriend KO. Ano? Sawa na kayo sa kakagirlfriend KO? Wala kayong magagawa, proud ako eh.

Pano nangyari? Hindi ko din alam. Her being true to herself was a big factor maybe. I saw different sides of her, and she's not afraid to show it. Hinangaan ko sya dahil don.

Making her fall inlove with me wasn't easy, I don't even know kung nagtagumpay ba ko. But me falling inlove with her? It's surprisingly as easy as memorizing scripts.

"Isha, trending ang #GreSha!!" kinikilig na sabi ng kasama ni Isha. GreSha?? Not bad.

"#GreSha? Anong kaartehan yan?" tanong nya ng biglang dumating ang kapatid nya.

"Ash, andyan ka na pala. Bakit ang tagal nyo? Nasan na yung kasama mo?" narinig kong tanong ng girlfriend KO, proud talaga ako eh. Inggit ka? Hanap ka. Sorry ka nalang wala ng katulad ng girlfriend KO, nagiisa lang sya eh.

Syete! Ang corny ko!!

"Ahm, sumakit yung ulo nya kaya nauna na."

"Ah, ganun ba?"

"Grey pwede ba tayong magusap??" tanong nya sakin. Maybe it's time narin para sa closure ng past namin.

Tumingin muna ako kay Isha, tumango lang sya. Itatanong nyo kung bakit Isha nalang? Kasi baka mainggit kayo, baka agawin nyo wala pa namang katulad yan. On the second thought, hindi nyo rin sya maaagaw sakin.

Pumunta kami sa Garden ng Infinite Palace, kami lang dalawa ang nandito dahil on going pa rin ang party.

Walang nagsasalita samin, pinapakiramdaman namin kung sinong mauuna.

Halos ilang minuto na kami dito pero wala paring nagsasalita samin.

"Sorry." umpisa nya.

"Sorry saan?" hindi ko kasi alam kung para saan ang sorry nya. Kung para sa pangiiwan nya sakin, napatawad ko na sya. May girlfriend na nga ako eh, at kapatid nya si Isha kaya dapat lang na makipag ayos ako sa kanya.

"Sa lahat lahat. Alam kong nasaktan kita dati nung iniwan kita. Sorry talaga."

"Wala na sakin 'yon, sana lang masaya ka na nga--." naputol ang sasabihin ko dahil may narinig akong ingay.

Isha's POV

Pinahanap sakin ni Ate Violet si Grey, ngayon na kasi dapat magde-dedicate ang mga close friends nya. Sosyal noh? Parang burol lang.

So ayun nga, dahil good mood ako sinunod ko si Ate Violet. Napatapat ako sa glass door, yung way papunta ng garden. I don't know, pero parang kinabahan ako.

Biglang nag-flash sa utak ko si Ash at Grey, bakit ba ang tagal nilang mag-usap?

Iba talaga yung kaba ko eh. Parang may mali. Then nag-flashback sakin yung usapan namin ni Ash, yung time na tinanong ko sya tumgkol kay Grey. Naalala ko pa yung tinanong ko sa kanya.

"Ash, you're not planning to mess with me right?"

She said no, pero bakit parang ayaw kong maniwala. Maybe I'm being paranoid, bakit kakalabanin nya naman ako. Bukod sa kapatid ko sya, wala syang dahilan para gumawa ng masama sakin..

Stop thinking Isha.. She already said no before.

Pero hindi naman "no" ang sinagot nya, in fact parang 'di pa sya sure sa sagot nya.

Revenge of the Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon