Isha's POV
It's been three days ng mangyari yung issue namin ni Grey. Believe it or not, bumagsak ang career nya. Not bagsak na bagsak, I mean nabawasan yung mga projects nya, commercials, endorsements pati nga rin followers nya sa ilang social media accounts eh.
Speaking of those, alam nyo ba na trending worldwide ang hashtag less than thirty (#<|30) hanggang ngayon? Kung hindi pa, ngayon alam niyo na.
Well as I was saying, in those past three days wala syang tigil sa pagpunta dito sa bahay ko. Hindi ko nga alam kung sinong pinupuntahan nya eh, si Ash or ako? And yes, hindi parin lumalayas si Ash. Kapal ng apog nya eh.
"Isha anak, andyan nanaman yung boyfriend mo daw."
Speaking of the devil.
"Hayaan mo sya Manang, aalis din yan." sabi ko kay manang habang prenteng nakaupo sa couch ko at nagbabasa ng magazine.
Wala naman kasi akong pasok ngayon since Sunday naman. And about naman sa taping ko sa movie namin ni Grey, postponed muna sya ng two weeks dahil dun sa issue.
"Nakakaawa naman sya anak, mukang uulan kasi ng malakas." sabi ulit nya.
"Hayaan nyo sya dyan, aalis din yan pag umulan ng malakas."
"Ikaw bahala." sabi nya at umalis na sa harapan ko.
Ano naman kayang gagawin ko sa dalawang linggo? Bukod sa sisirain ko ang araw ng magaling kong kapatid at ng bwiset na Grey na yon, wala na akong ibang gagawin kundi sirain ulit ang araw nila.
Ang boring noh?
*thugggshhhhhh*
Nabitawan ko ang hawak kong magazine ng kumidlat ng malakas. Napatakbo ako sa pinakamalapit na bintana ng bumuhos ang ulan para makita kung may tao pa sa labas.
Oo na, titignan ko kung nasa labas pa rin si Grey. At ang shunga, nasa labas pa nga. Ang baliw nya lang kasi may kotse naman sya, pero hindi pa sya pumasok sa loob para sumilong. Kung hindi ba naman sya shunga, ginawa ba namang sandalan ang kotse imbis na silungan.
Pasalamat sya medyo madilim na kaya wala ng reporters sa labas, kung hindi makukuhanan pa sya ng parang basang sisiw.
Halos kalahating oras naring umuulan, napatingin naman ako sa may bintana. Nasa labas pa kaya sya?
Tinotoo nya kaya na magaabang sya araw araw mula hapong hanggang madaling araw hanggang sa kausapin ko sya?
Bakit hindi sya pumupunta pag umaga? Madaming reporters eh. Akalain nyo yun, may silbi din pala ang pagiging tsismosa nila.
Teka? Bakit ko ba sya inaalala?
Choice nyang mag mukang tanga sa tapat ng bahay ko. Ginusto nya yan, panindigan nya!
*thugggshhhhhh*
Ayoko na!
Lalabas na talaga ako.
Kinuha ko ang payong ko na nasa tabi ng pinto at labas kaagad. Nakakaawa ang itsura nya, nakaupo sya at nakayuko. Nangangatog na sya sa lamig pero hindi parin sya pumapasok sa kotse nya.
Tinabihan ko sya para pasukubin sa payong ko.
Don't get me wrong, huh?
Kaya lang ako lumabas kasi baka magkasakit pa sya dahil sa pagpapaulan. Wala akong pakielam kung lagnatin sya, baka isipin nyo nagaalala ako sa kanya. Pagkatapos ng ginawa nya, never as in N-E-V-E-R!!
Naisip ko lang na kapag nagkasakit sya, hindi ko sya magagantihan.
Yun lang yon!
"Isha..." napatingin ako sa kanya. Kanina pa pala sya nakatingin sakin.
"Sumunod ka sa loob." utos ko sa kanya. Tumayo naman agad sya at sumunod na sa akin. Aba, kung tatanggi sya bahala sya.
"Sorry..." sabi nya pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay. I pretend na hindi ko sya narinig.. Para saan pa, explanation? Duh, hindi ako shunga para maniwala ulit sa kanya ng ganun kadali.
"Manang, pababa nga po ng towel at pahanda ng pamalit. Yung kay Hult na lang na damit!" sigaw ko kay manang.
Bakit may damit ako ni Hult? Simple, minsan dito sya natutulog dahil narin hectic ang sched nya because of me. Parang pinagawa nga ang isang guess room namin para sa kanya eh.
"Ito na hija, yung damit nasa guess room na. Sige na at magluluto pa ako." sabay abot sakin ni manang yung dalawang towel since nabasa rin ako ng konti.
"Here's the towel, magpunas ka na. Then akyat ka, second to the last sa right side yung guess room. Kung may kailangan ka pa, sabihin mo nalang kay Manang." sabi ko at tumalikod na, kaasar yung muka nya eh.
"Isha, can we talk..." sabi nya at hinawakan ang braso ko.
"We're already talking.." sagot ko habang nakatalikod parin.
"I mean, in private.." nang ganyan ang itsura nya? Hindi kaya sya magkasakit pag ganyan?
"Magpalit ka muna." I am not concern about him, okay?! I'm concern about my plans..
Naramdaman kong binitawan nya na ako at umakyat na sya. Haay, how can I escape from this situation. Ayokong magkita sila ni Ash, baka may mapagplanuhan nanaman sila.
Nang makaakyat sya ay nagbasa nalang ako ng newspaper. Then one news caught my attention, Black Empire is on a big trouble.
Black Empire is owned by Tito Ric, my high school's bestfriend's Dad. Tito Ric is a single parent, he raised Ree very well. Ree is the bestfriend who I was talking about, her full name is Flaire Reeyan Black.
Wala na kaming contact since nung makagraduate kami ng highschool. All I can say is that she is a great friend, she has the looks, brain, money and body. All in all, she's perfect but of course I'm still greater than her.
To: Hulter
Flaire Reeyan Black
Info about her, please.I texted Hult para magpatulong sa paghahanap sa kanya. I know she needs help, and there's nothing wrong of helping her. After all, we are still friends.
"Isha, sorry.." I was shocked ng may biglang magsalita sa likod ko.
Grabe, bigla nalang sumusulpot.
"You have two minutes, spill it." I said emotionless. And there he is, hindi parin nagsasalita. Ano, tatanga nalang?
"You're time is running." I said to wake him up.
"A-ano, I'm really sorry if I hurt you. Believe me Isha, I didn't meant to do that. I just.. I just.. Basta, lahat ng pinakita ko sayo totoo.. Sorry, Isha I'm sorry. Maniwala ka I really really lov---"
Before he could continue, I cut him off. Alam ko naman na ang kasunod, that he loves me. Oh c'mon, again and again?
"Shut it, you're two minutes is up. Umuwi ka na pag tumila ang ulan."
I turn my back again at dumiretso na sa kwarto ko. Nas-stress ako mga friends!
-----
{"Manipulating the Manipulator" story of Ree and Trevor was published, and on hold for revisions}
BINABASA MO ANG
Revenge of the Heartless Bitch
De Todo"You know what? I wanna introduce you both to one of my closest friend. You know KARMA? Well, she's a BITCH. But then napag isip isip ko, why would I introduce you both to her? She's just a BITCH. And I'm way BETTER than her, or BEST? Oh sorry, I me...