Isha's POV
It's been eight days since natanggap ko ang first five puzzle pieces. And believe it or not, iniipon ko ang mga natatanggap ko. Hindi ko din alam kung bakit, maybe dahil sa effort nya.
Yung pangalawang beses kasi, pagdating ko sa set may nakahanda ng coffee sa tent ko. May nakadikit na same small plastic zip lock containing another five puzzle pieces which means sampu na ang meron ako. Araw araw syang nagpapadala ng puzzle pieces,
The third day, nakadikit sa isang medicine kasi may headache ako. The next day, nakadikit sa favorite kong energy drink. Basta kung ano anong mga paraan nya, at kung saan saan nya dinidikit yung puzzle pieces.
As of now, meron na akong forty pieces. Wala pa yung para sa araw na 'to. Pano nya kaya ipapadala yun, eh wala kaming shooting ngayon. Birthday kasi ni Grey bukas, kailangan nya daw magpahinga. So ayun, tambay ako sa kwarto ko since wala kaming pasok ngayon.
Actually nagtataka ako sa mga kilos ni Grey eh. Iniiwasan nya si Medusa, tapos lagi niya akong binabantayan. At sa hindi malamang dahilan, parang masaya pa ako. Napapadalas din yung mga kakaibang feeling ko like yung live band sa heart at royal ball sa stomach ko pag malapit sya. Tapos may kuryente pa pag nagkakadikit kami, ano sya living generator?
Si Brent naman, nakaalis na. Eto namang si Ash, kung makareact parang hindi na sila magkikita.
Si Medusa naman, ayun malandi parin. Akala kung sino kung maghamon sakin. Banggitin ko nga lang yung fake nyang sakit eh, para na syang ewan kung makaiwas. Ang sarap nya ngang ingudngud sa tiles, itulak sa building or puluputin. Para kasi syang ahas kung makadikit at makapulupot kay Grey.
Hindi ako nagseselos huh. Ang sakit nya lang kasi sa mata. Yun lang talaga yun, anong akala nyo? Nagseselos ako?? Never as in N-E-V-E-R!!!
*tok tok*
"Isha may nagpadala sayo, ipapasok ko na ha?" sabi ni Manang, tapos pumasok na sya dala ang isang maliit na paper bag. Nilapag nya lang sa side table ko, paalis na sana sya ng pigilan ko sya.
"Manang pakisabi po kay Ash aalis kami bukas bago mag-ten pm." sabi ko sa kanya. Tumango nalang sya at umalis na din.
Tinignan ko yung paper bag at binasa ko yung note na nakadikit dito. Nakastapler din sa paper bag yung pieces katabi ng note.
Don't forget that you should bring those puzzle pieces with you...
Kinuha ko yung maliit na box na nasa loob ng paper bag. May nakadikit din na note sa ibabaw ng box.
Always wear this...
Yun lang yung nakasulat sa note. Binuksan ko yung box...
Wow, as in wow!!!
It's a silver necklace na shape puzzle piece ang pendant. May nakasulat na pattern na "Yes" using tiny diamonds. Yes? Bakit naman yes ang nakasulat?
Like what's written on the note, sinuot ko na lang yung necklace.
Kinuha ko yung puzzle pieces, sinama ko sya sa iba pang pieces na meron ako. I wanna solve it, gusto ko syang buuin gamit yung mga pieces na meron ako pero parang may pumipigil sakin.
It's like someone's telling me na hindi pa dapat ngayon, maybe dahil alam kong hindi pa kumpleto yung pieces..
I have forty-five pieces, five nalang ang kulang. It means last na yung bukas, so makikilala ko na sya?? Makikilala ko sya saan? Sa party ni Grey? Oh c'mon, ano namang sasabihin ko pag nakilala ko sya?
Oh well, kailangan kong pumunta ng mall ngayon para bumili ng regalo. Nakakahiya naman kung wala akong ibibigay, diba? Wait ano bang ireregalo ko?
(Mall)
Nagiikot ikot lang ako para pag may nakita ako na pwede, yun na ang bibilin ko. Wag syang choosy, minsan lang ako magbigay ng regalo. He should consider himself lucky.
May nakita akong isang watch sa isang jewelries and accessories shop. Pumasok ako sa shop para tignan kung pwede na ba yun.
Maganda naman sya, napakamanly nyang tignan. I'm suck at describing, basta maganda.
"Miss kukunin nyo po ba?" sabi sakin ng sales lady ng makalapit sya. Kukunin ko na ba? Baka hindi nya magustuhan??
Who cares?! Basta may regalo na ako, wag syang maarte!
"Yes, pakibalot nalang.."
"Maganda po yan Ma'am, limited edition po kasi sya. Bale tatlo lang po ang ganyang design na ginawa." ang daldal nya, ang bagal pang kumilos.
"Alam kong maganda, kaya ko nga kukunin eh."
"Ibibigay nyo po siguro 'to kay Grey 'no Ma'am Isha?, birthday nya na bukas eh." sabi nya pa na parang kinikilig. Alam mo yung nakakairita at tsismosa, sya yun eh.
"Hindi, ibibigay ko sa boss mo at papakiusapan ko sya na tanggalin ka na. Ang daldal mo, kaimbyerna ka." napayuko naman sya.
"Sorry po ma'am." sabi nya at umalis na para ibalot yung binili ko.
Pagkatapos kong bayaran yung binili ko, umalis na ako para makapag pahinga na sa bahay. Masyado na akong na-stress.
***
Birthday na ngayon ni Grey, well halata naman eh. Laman sya ng balita, pati narin sa social networking sites. Oh diba, sikat ang lolo nyo. Nung nagbukas nga ako ng twitter kanina, trending ang #GreyDay♥. Believe it or not, may heart talagang kasama.
"Isha, andyan na yung hinihintay mong bisita." bisita? Baka si Elle lang yun.
Bumaba ako para puntahan yung bisita ko. At tama nga ako, si Elle nga. Meron syang dalawang kasama. Sina Nick and Nicky Vasquez, magkapatid sila na parehong hilig ang fashion and make up. Nick is for the clothes and shoes, while Nicky is for the hair and make up.
"Manang pakisabi kay Ash na nandito na yung magaayos samin." sabi ko kay manang tapos umakyat na sya para pababain si Ash.
Sinimulan na nila kaming ayusan para sa party mamaya. Nakabagsak lang ang buhok ni Ash, kinulot din nila para bumagay sa suot nya. She's wearing a royal blue long gown, na umaabot sa paanan nya. For the shoes, she's wearing a color gold four inch pointed stiletto. For her accessories, she's wearing a gold necklace, earings and bracelet. And lastly, a royal blue pouch.
For my outfit, I'm wearing a black tube gown na may butas sa magkabilang bewang. Nakataas ang buhok ko, just like the hairstyle of Taylor Swift sa MV ng "Love Story". I'm wearing a silver five inch pointed stiletto, partnering my silver accessories specialy my necklace. Remember? Yung necklace na may puzzle piece shape na pendant.
"Wow, ang ganda mo Isha." puri sakin ni Elle.
"I know, ipahanda mo na yung kotse para makaalis na tayo." utos ko sa kanya. Isasama ko kasi sya, since nakaformal attire din naman sya.
Inayos ko nalang yung mga dadalhin ko, like some cosmetics, invitation then yung puzzle pieces. Nilagay ko nalang ang mga 'to sa silver pouch na gagamitin ko. Yung gift naman, nakalagay naman sya sa maliit na paper bag.
"Tara na Ash."
Lumabas na kami para makaalis narin. Malapit na rin kasing magten pm.
Pagdating namin sa venue which is the Infinite Palace, may nakalatag na red carpet at mga reporters sa gilid. Star studded kasi dahil famous nga "daw" sya, at pili lang ang makakapasok na reporters.
Pagpasok namin sa loob, andaming nagkalat na mga artista, models and even politicians. Maganda rin ang pagkakaayos ng mga round tables, pati ang combination ng mga colors na ginamit.
Wow, just wow.
This place is really great.
Infinite Palace is a real "palace".
BINABASA MO ANG
Revenge of the Heartless Bitch
De Todo"You know what? I wanna introduce you both to one of my closest friend. You know KARMA? Well, she's a BITCH. But then napag isip isip ko, why would I introduce you both to her? She's just a BITCH. And I'm way BETTER than her, or BEST? Oh sorry, I me...