"Make sure you'll all be by her side 24-7, or else..."
Napalunok naman yung mga kinuha nyang body guards.
"Yes Sir Pascua." Sabay sabay nilang sagot.
Gusto nyo bang malaman kung ilan sila?
They're actually eight, then dalawang guard sa labas ng bahay ko and another two sa hospital room ni Ash.
Paranoid kasi 'to si Grey.
"Siguraduhin nyo lang." Pananakot nya.
Nahihilo na ako sa kalalakad nya.
Pabalik balik sya, para syang frustrated na hindi mo maintindihan.
Muka ngang sya yung nakatanggap ng death threat, pano ba naman mas takot pa ata sya sakin.
"Ano ba Grey, kalma ka lang please." Pagsaway ko sa kanya since hilong hilo na ako sa paglalakad nya.
Humarap naman sya sakin ng sobrang seryoso.
"I can't, I just can't! Lalo na at alam kong nasa panganib ka!" Nagulat naman ako sa pagsigaw nya.
Napangiti ako ng palihim.
Masama bang kiligin sa sitwasyon ko ngayon. Okay lang naman siguro, baka kasi hindi na ako kiligin. Malay nyo last time na 'to.
Hahaha
De joke lang, masamang damo kaya ako kaya matagal ako mamatay!
"Oo na po, tara na punta tayo kay Ash." Pagyaya ko sa kanya para kumalma naman sya.
"Kuya, iwan muna kayong dalawa dito. Pakibantayan si Manang." Sabi ko dun sa dalawang body guard na kinuha ni Grey. Tumango naman silang dalawa kaya minabuti ko ng lumabas.
"Tara na?" Yaya ko kay Grey ng makalabas kami.
Tumango lang sya at inalalayan ako sa pagpasok sa kotse. Bale apat kami dito sa loob. Isang driver at body guard, and the rest of those body guards ay nakasunod lang samin.
Pagdating namin sa parking lot, may nakita akong pamilyar na kotse. Para akong kinabahan...
That car color is the same as...
No, that's impossible!
These past few days talaga, I'm being so paranoid. Mahahawa na ata ako kay Grey.
I just shrugged the feeling, hay parang mababaliw na ata ako!
"Hon?" Nagulat naman ako kay Grey.
"H-hon?" Tanong ko sa kanya. Saan nanaman kaya nya nahugot yan. Parang nung last time wife?
He just nodded and showed his complete set of white teeth.
"Last time, wife. Now hon? San mo nahuhugot yang mga yan?" Mataray na tanong ko sa kanya.
Pero ang loko, kinindatan pa ako bago sumagot.
"Sa puso ko."
"Shit Grey, ang corny mo!" Sagot ko sa kanya.
Ayiiiee, kunyari hindi kinikilig
Sabat ng malandi kong kunsensya.
"Tara na nga." Nauna na akong maglakad sa kanya, baka kasi mahalata nya na kinikilig ako.
Edi magdidiwang nanaman sya.
Sumakay ako sa elevator, nakasunod lang naman sila sakin. Pero bakit ganun? As the elevator goes up, palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
Siguro kasi kasama ko si Grey.
But it's different, there's something that I can't explain behind this fast beating of my heart.
"May problema ba?" Tanong sakin ni Grey.
Nginitian ko lang sya, kahit alam kong pilit lang.
Ewan ko ba. Pero ayaw talagang matanggal ng kaba ko. No matter how many times I tried to shrugged it off... it's still there.
And it's freaking my own system out!
*ting
Lumabas ako ng elevator as we reach the floor where my sister's room is. And shemay lang, yung kaba ko lalo pang nadadagdagan!
"Good Afternoon Ma'am, Sir." Kaagad na bati sakin ng dalawang tagabantay sa room ni Ash.
Tinanguan ko lang sila.
Nang bubuksan ko na sana ang pinto ay parang nakarinig ako ng boses ng babae sa loob. And that's not my Mom, since may emergency sa company ni Mom sa England umalis sya kahapon. Next week pa ang balik nya.
Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko.
"Who's inside?" Tanong ko sa mga nagbabantay.
"Ms. Cruz daw Ma'am, here's the ID." Inabot nya sakin ang ID nung sinasabi nyang bisita ni Ash.
"Kaibigan daw po Ma'am, at kakilala nyo daw po kaya pinapasok namin." Dagdag nya pa sa sinabi nya.
Tinignan ko yung binigay nya sakin.
Medusa?
"I know her."
Nginitian ko muna yung yung bantay ni Ash bago ko binalik yung ID.
Dapat matuwa ako na si Medusa ang nasa loob, since alam kong harmless sya. Kesa naman sa ibang tao, na pwedeng maging harm samin.
But...
It's weird na imbis na mapanatag ako ay lalo pa akong kinabahan.
Binuksan ko ang pinto at pumasok kasabay si Grey. Hindi na namin sinama yung mga body guard sa loob since safe naman kami sa loob ng room ni Ash.
Napadako ang tingin ko sa tabi ng kama ni Ash, and rght beside her bed nakaupo si Medusa. Napatingin lang sakin si Medusa at biglang ngumisi.
Hindi ko nalang sya inintindi, sanay na ako sa tabas ng muka nya. Lalo na sa itsura nya tuwing nakangisi, naalibadbaran ako.
Feeling maganda pag nakangisi?
"What do you need?" Walang ganang tanong ko sa kanya.
Sino namang gaganahan kung yung kaaway mo nasa room number ng comatose mong kapatid, at kung makangisi ay parang nangaasar na may masamang binabalak?
Wala diba?
Ang nakakainis lang, Why now? Ang daming oras na pwede syang mameste, ngayon pa talaga na comatose si Ash... at sa mismong room number nya pa.
"Your life..." napaangat ako ng tingin. Naramdaman ko din na humigpit ang pagkakahawak ni Grey sa kamay ko.
"My life?" Tanong ko sa kanya.
Lalong lumapad ang ngisi nya, naging kasing lapad na ata ng muka nya.
"Yes Dear..."
Nagulat ako ng bigla nyang inangat ang kamay nya na natatakpan ng kama.
It's a gun!
A FVCKING GUN!!!
Tinutok nya ito sa natutulog na si Ash and said those words that I never expected that will came out of her mouth.
"Your life, instead of hers..."
BINABASA MO ANG
Revenge of the Heartless Bitch
Random"You know what? I wanna introduce you both to one of my closest friend. You know KARMA? Well, she's a BITCH. But then napag isip isip ko, why would I introduce you both to her? She's just a BITCH. And I'm way BETTER than her, or BEST? Oh sorry, I me...