Chapter 2: Love at first sight

23 0 0
                                    

Tumingala ako bigla para makita kung sino ang nakatapon ng spaghetti sa akin , may dalawa siyang kasama isa sa kanyang kanan at isa naman sa kanyang kaliwa at bigla akong napatitig sa kanya.Maganda ang kanyang mga mata,Matangos ang ilong,Medyo may pagkapula ang kanyang labi,Matangkad,Maputi at mukha siyang mabait.Natanggal ang aking pagkakatitig sa kanya ng binglang tumawag si Cath sa aking cellphone , agad ko naman itong sinagot.

'Hello' sagot ko bigla

'Nasan ka na ba?' Nairitang sagot sa akin

'Ito na malapit na ko' natatarantang sagot ko

'Bilisan mo' Aniya at biglang pinutol ang tawag

Hindi na ako nakipagtalo pa sa lalaking iyon at ayokong maistress lalo na't first day of school.Nang makarating na ko kung nasaan sina Cath , agad niya akong tinanong

'Bakit ang tagal mo, anong nangyari sa damit mo?' Biglaan niyang tanong pagkadating ko

'Natapunan kasi ako ng spaghetti nung lalaki habang naglalakad ako papunta sa inyo' sagot ko bigla sa kanya

Kasama niya rin yung kaibigan namin si Annika at si Dhenn.

Cath:Maganda,Pinakamaputi sa aming lahat,Matalino, at Mayaman

Annika:Maganda,Mabait,Matalino, Mayaman, at Morena.

Dhenn:Masayahin,Matalino,Mabait, at Mayaman

Halos lahat ng katangian namin ay pare pareho. At ang pangalan ng aming grupo ay (VIDEBAMA)nakuha namin ang pangalang iyan sa mga apilyedo namin.Nang matapos na kaming kumain at magkuwentuhan , pumunta kami sa Cr para magretouch (polbo at tint) at para punasan ang aking damit na natapunan ng spaghetti.Nang lumipas ang 15 minuto ay lumabas na kami sa Cr para pumunta sa sarili naming room.

Habang naglalakad ako hindi mawala sa aking isipan yung lalaking nakatapon sa akin ng spaghetti hanggang sa makarating ako sa room.

Nang umupo na ako sa aking upuan ay bigla ko siyang nakita papasok sa pintuan,nagulat ako bigla parang hindi ako mapakinali sa aking kinauupuan parang gusto kong tumili at parang sasabog na ang aking mukha dahil sa sobrang pula nito,Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan ito. Ngayon ko lang napansin na magkaklase pala kami.Nang matapos na ang aming klase hindi parin siya maalis sa aking isipan hindi ko alam kung bakit?

Siguro ay na Love at first sight ako sa kanya dahil sa malaperpekto niyang mukha.Nang makalabas na ako sa gate,agad naman akong pumara ng taxi dahil ayokong matraffic mamaya at napagod ako sa kakaisip sa nangyari sa damit ko at sa lalaking nakatapon sakin ng spaghetti.Habang nasa loob ako ng taxi,inayos ko ang gamit ko sa loob ng bag ko dahil hindi ko ito naayos bago ako umalis ng room.Buti nalang at hindi kami natraffic,nang nakaratig na ako,binayaran ko na si Manong taxi driver at hindi ko na rin kinuha ang sukli dahil tip ko na sa kanya iyon.

"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon