Chapter 16: How?

6 1 0
                                    

Binuksan niya ang dalawang beer na nakapatong sa table namin,binigay niya sa akin yung isa at kanya naman yung isang beer.Mabilis niya iyong naubos,ano kaya ang problema ng lalaking ito?

Nang matapos niyang inumin ang isang bote ay umorder ulit siya ng dalawa habang ako naman ay hindi ko pa nauubos ang isang bote ng beer.Parang ang laki ata ng problema ni Kevin kaya naglakas ako ng loob na tanungin siya.

'Bakit ka ba ganayan?',tanong ko na medyo galit ang tono

'Ang tanga tanga ko,hiniwalayan niya na ako',sabay gulo niya sa kanyang buhok

'Bakit?',tanong ko habang nakaharap sa kanya nanghihina niyang tono

'Paano mo naman nasabi yan?',nagtataka kong tanong

'Nagusap kami kanina at sinabi niya na ayaw na niya na hindi niya na ako mahal', ani ni Kevin

Hindi na ako nagtanong sa kanya.Kita kong may luhang tumulo sa kanyang mga mata kaya niyakap ko nalang siya.Maganda naman ang relasyon ni Kevin at ni Elyssa,matagal na silang may relasyon halos buong campus ay ingit na ingit kay Elyssa tapos ngayon ay sasaktan niya lang si Kevin, anong klase siyang tao.

Alam ko masakit para kay Kevin iyon dahil alam ko kung gaano iyon kasakit na iwan ka ng taong mahal mo para lang sa iba.

Kaya hinayaan ko nalang na uminom ng uminom si Kevin kahit papaano ay gumaan gaan ang pakiramdam niya.Ilang oras din kami sa bar at alam kong lasing na lasing na siya kaya binuhat ko siya palabas para makasakay kami sa kotse niya at maipagdrive ko siya pauwi.

Buti nalang ay marunong na akong magdrive.Tinanong ko si Kevin kung saan siya nakatira hindi siya nagsalita pero may kinuha siyang papel at ibinigay sa akin iyon.Ayun ang address niya kaya doon kami patungo ngayon.

Medyo malapit lang naman ito sa amin,Nang makarating na kami sa bahay niya at hinigit ko siya palabas.Sobrang lasing niya kaya tinawag ko si Manong Guard na nakabantay sa bahay niya at tinulungan ako ni Manong na buhatin si Kevin papasok sa loob at papunta sa kwarto niya.

Malaki ang bahay ni Kevin pero parang siya at ang mga katulong lang niya ang nakatira dito.May apat na kwarto sa loob ng bahay niya.

Nang makarating na kami sa kwarto niya ay nagsabi ako kay manong guard na kumuha ng bimpo at mainit na tubig para kay Kevin. Napakalawak ng kwarto niya at may napakalaking larawan sa loob nito.

Family picture nila ito,nagiisa alng pala siyang anak ng kanyang magulan.Maganda ang kanyang ina at gwapo rin ang kanyang ama.Pero mas kamukha niya ang kanyang ina kumpara sa kanyang ama.

Nang pumunta si Manang sa loob ng kwarto ni Kevin dala ang mga gamit na inutos ko ay kinuha ko na ito at inasikaso si Kevin upang makatulog ng mahimbig.Pinunasan ko ang kanyang mukha para mapreskuhan naman siya kahit papaano.

Nang matapos kong gawin iyon narining kong tumunog ang cellphone k,tumatawag si Aaron

Hello

Sabi ni Tita at Tito hindi ka pa daw nakakauwi

Ahhh may inasikaso lang kasi ako,pauwi na rin naman ako

Nasaan ka ba?sunduin na kita

Ahhh wag na Aaron ok lang ako

O sige basta magiingat ka,I love you

I love you more,Bye

Umuwi na rin ako pagkatapos kong asikasuhin si Kevin dahil sa sobrang pagkalasing niya.Mabuti nalang ay hindi ako amoy alak at hindi rin nahalata na pumunta akong bar dahil dala ko ang bag ko at mga libro ko.

Nang makaratin na ako sa gate namin ay sinalubong ako ni Mommy at Daddy

'Saan ka ba nanggaling anak?',agad na tanong ni Mommy

'May inasikaso lang po ako Mommy',pagsisinungaling ko

'Halika na pumasok na tayo',ani ni Daddy

Nang makapasok na kami sa loob ay nagpaalam na ako na matutulog na ako dahil napagod ako sa pagaasikaso kay Kevin pero ok lang at sana ay gumaan gaan an pakiramdam niya kahit papaano.

"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon