Chapter 12: Accept

8 0 0
                                    

Nang naubos ang oras dahil walang professor ang pumasok para magturo pumunta ako sa locker para ilagay ang mga gamit ko,naglakad ako ng medyo nagmmumuni muni ang mood papuntnag locker.Nang nasa harap na ako ng locker ko agad kong naalala na hindi ako susunduin ni Manong Ivan dahil ang susundo sakin ay si Aaron.
Nagtext sakin si Aaron ilang sandali nag makalipas.

From Aaron:
Nandito ako sa parking lot ng school niyo inaantay kita

Kaya nagreply ako kaagad

To Aaron:
Ok,palabas na ako

Nilagay ko agad sa bulsa ko ang cellphone ko at naglagay na ng gamit sa akin locker.Mabilis akong natapos sa paglalagay ng mga gamit ko lara pumunta sa parking lot at makauwi na dahil napagod ako sa kakaisip.Naglakad ako ng parang nasa kawalan,medyo malapit na rin ako sa parking lot ng nakita ko di Aaron.Agad niya akong pinuntahan para kunin ang gamit ko,binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makapasok na ako at makaupo sa front seat.Nang makapasok na ako ay umikot siya para makapunta sa driver seat.

Tahimik lang ako sa biyahe at tumitingin sa bintana ng kanyang kotse upang matanaw ang dinadaanan namin.Bigla nalang siyang umimik at bigla akong nagulat

'Kamusta?',tanong niya bigla

'Ok lang,Ikaw?',walang gana kong sagot

'Ok lang naman din',sabay ngiti niya sa akin

Nang makarating na kami sa tapat ng aming bahay,pinagbuksan niya ako ng pinto at kinuha ang bag ko sa back seat,agad naman niya itong ibinigay sa akin.At nagsalita ako

'Pasok ka muna?',ani ko sa kanya agad

'Uhmm..may gagawin pa ako?',parang nagdadalawang isip na tono

'Wag ka na mahiya,tara na',sambit ko

'Okay',sagot niya ng may laking ngiti sa kanyang mukha

Hinila ko siya papasok sa bahay at inupo siya sa table.Nagsabi na rin ako kay Manang na magluto ng pasta at chicken para makakain kami ni Aaron.Pumunta ako sa kanya

'Aaron,bihis lang ako',paalam ko sa kanya

'Okay',sagot niya habang nakangiti

Umakyat na ako kaagad sa kwarto ko para magbihis,hindi na ako nagtagal para makababa agad ako at medyo gutom narin ako.Naamoy ko agad ang luto ni Manang habang nilalapag niya iyon sa lamesa at nakalatag narin ang plato namin ni Aaron.Umupo ko sa tapat ni Aaron dahil gusto ko rin siyang makausap pero hindi ko magawa dahil kinakabahan ako.Kaya sinimulan ko na agadang paguusap namin

'Don't worry magaaral akong magluto para masarap ang kakainin natin', panimula ko sa paguusap namin

'Alam mo na?',sagot niya at tumingin sa akin

'Oo',simple kong sagot

'Payag ka ba?',mahinahon niyang tanong

'Wala naman akong magagawa,dahil ipinagkasundo na tayo',sagot ko ng medyo malungkot na tono

Hindi na siya sumagot,hindi na rin ako nagsalita pa at nagpatuloy nalang kami sa pagkain ng pasta at chicken.Isang oras ang makalipas nagpaalam na rin si Aaron na uuwi na siya,kaya hinatid ko siya sa gate, hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at nag good bye na sa kanya.Kitang kita ko ang pagpula niya

Wala pa siyang ni isa na naging girlfriend niya kahit na nasa kanya na ang lahat.Siguro ay dahil busy siya sa trabaho at pagaaral niya.Tinuturuan na kasi siya kung paano maghandle ng kompanya.Nang makaalis na siya ay pumasok na ako sa bahay para bilinan si Manang

'Manang ,hindi na po ako makakakain ng dinner kasi kumain na po kami at naparami mo ang kain ko',banggit ko kay Manang ng nakangiti

'Okay po mam Riza',sagot agad ni Manang

'At matutulog na rin po ako',dagdag ko

Tumango nalang si Manang at hindi na nagsalita.Umakyat na ako para makapunta sa kwarto ko at iset ang alarm ng 5:00 a.m.Pagod na rin ako kaya natulog nalang ako kaysa magcellphonr o gumamit ng laptop/computer.Medyo nakaramdam ako ng lamig dahil sa aircon kaya nagtaklob ako ng kumot sa aking katawan,mabuti nalang at wala kaminghomework.

Mahimbing ang tulog ko.At ng sumapit ang umaga ay tumunog ang alarm clock ko.

~Kringgg kringgg*

Maaga akong nagising dahil kumpleto ang tulog ko,pagkabangon ko ay naligo agad ako natapos naman agad ako sa loob ng 20 minutes at nagbihis sa loob ng 10 mitutes,mabilis lang ako kumilos dahil ayokong malate.Bumaba narin ako pagkatapos kong magbihis at kumain na ng breakfast,konti lang ang kinain ko dahil nabusog talaga ako ng sobra kahapon.

Nagaabang na sa akin si Manong Ivan sa sasakyan kaya kinuha ko na ang bag ko sa sofa at pumunta na agad sa sasakyan.Wala pang kalahating oras ay nakarating na ako sa school wala pa masyadong tao dahil medyo maaga pa.Hindi ko na inisip ang fixed marriage dahil lalo lang akong mapapagod kung iisipin ko pa iyon at wala na akong mgagawa doon.

Dumiretso na agad akong room pagkarating ko sa school.Ok na naman ako ngayon hindi na ako lutang ahhahah!*pagkapasok ko ng room ay nakita ko agad si Aaron na nakaupo na at may suot na earphones sa kanyang tenga.Umupo na ako pagdating ko sa room,mddyo malapit lang ako sa upuan niya di ko mapagkailang hindi sumulyap sa kanya.

Lima palang ang tao sa room kasama ako dahil medyo maaga pa o yung iba ay naglilibot muna.Hanggang ngayon hindi parin kami naguusap ni Kevin,hindi ko na kayang hindi siya pansinin ng napakatagal.Gusto ko siyang itext kaso kinakabahan ako,nagipon ako ng lakas ng loob para itext siya

Me:
Kamusta ka na?

Laking gulat niya ng nagtext ako sa kanya

Kevin:
Ok lang naman,ikaw?buti naman namansin kana kahit sa text lang

Me:
I'm sorry :(

Kevin:
It's okay:)

Pagkarapos niyang nagreply sa akin ay bigla niya akong tinignan,habang tinitignan niya ako ay papalapit siya sa akin at umupo siya sa aking tabi.Agad siyang nagsalita

'Okay ka na ba?',

'Oo naman,gusto ko sanang makipagkaibigan ulit',sabay ngiti ko sa kanya

'Alam mo ba matagal ko ng gusto na makipagkaibigan ka ulit sa akin',tila parang may lungkot sa kanyang tono ngunit medyo napangiti siya

'I'm really sorry',ani ko naman sa kanya

'It's okay,Friends?',agad niyang tanong at naglahad ng kamay sa akin

Agad ko naman iyong tinanggap.At tanggap ko na, na hanggang kaibigan lang talaga ang mamamagitan sa aminng dalawa dahil may iba siyang mahal.Masaya ako para sa kanya, sana si Elyssa na ang para sa kanya.





"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon