Chapter 18: Picture

8 0 0
                                    

At ito na nga ang araw na basag ang cellphone ko hakhak...maaga akong pumasok sa school at habang wala pa ang professor namin ay tinect ko muna si Aaron dahil medyo bored ako


To Aaron:

nasan ka?

kumain ka na ba?

anong ginagawa mo?


ilang text na ang nagawa ko pero hindi parin siya nagrereply.Nag aalala na ako sa kanya,nang binaling ko ang tingin ko kay Kevin nakita ko siyang nakatitig sa akin,kaya nagkatitigan kami saglit pero binaling ko nalang iyon sa ibang bagay.At biglang dumating ang professor namin kaya nagsimula na rin siyang magklase.Wala akong maintindihan masyado dahil nagaalala ako masyado kay Aaron pero okay lang dahil nagaadvance reading naman ako kaya alam ko na iyong tinuturo.


Nang magdismiss na ang klase hindi ko na inayos ang gamit ko basta hagis ko nalang iyon sa bag ko para makaalis narin ako sa room at para puntahan ang mga kaibigan ko (VIDEBAMA).Ang meeting place namin lagi ay sa cafe malapit sa school kaya don na ako dumiretso.


Nang makita ko na sila na nakaupo ay agad ko na silang pinuntahan at umupo ako sa tabi ni Cath.Mukha silang walang gana kaya tinanong ko sila


'Anong nangyari?',tanong ko sa kanila


'Ahh wala,tara kain na tayo',mabilis na sagot ni Dhenn


'May tinatago ba kayo?please pakisabi naman?',pagmamakaawa ko


'Riza huwag ka sanang mabibigla?',para bang may ipinapahiwatig sa kanyang salita


'Okay ano ba yun?',agad kong sagot


Dahan-dahang inabot sakin ni Annika ang cellphone niya sa akin at kinuha ko iyon.Gusto ko ng umiyak pero hindi ko magawa,isa iyong litrato ni Aaron na nakaakbay sa isang babae sa sofa.Kaya agad akong nagtanong sa kanila


'Saan niyo to nakuha?',nanginginig kong tanong


'Uhmm...kahapon ay pumunta kami sa bar kasama ang ibang mga kaibigan ko at nakita ko siya malapit sa table namin kaya pinicturan ko para malaman mo na may kasama siyang iba kagabi',naginginig na sagot ni Annika


'Baka nagkamali ka lang?hindi magagawa yan ni Aaron?',at tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa aking mga mata


Hindi na sila nagsalita,agad akong tumayo at nagpaalam sa kanila na pupuntahan ko si Aaron sa kanyang condo.Hindi muna ako papasok sa ibang subjects ngayon kailngan kong malaman ang totoong nangyari.Madalas kasi siya sa condo niya,baka nandon siya.


Pumara ako ng taxi papunta sa condo ni Aaron,wala naman masyadong sasakyan ngayon kaya mabilis kaming ang byahe.Nang makarating na kami sa tapat ay bumaba agad ako hindi ko na kinuha ang sukli ko,sa 7th floor pa ang condo ni Aaron.


Nang makatungtong na ako sa elevator ay pinindot ko kaagda ang botton papunta sa 7th floor,agad namang tumulo ang luha ko sa elevator,kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit pero sigurado ako na hindi magagawa ni Aaron iyon sa akin.


At ito na nga,nasa 7th floor na ako naglalakad na ako ngayon papunta kay Aaron,nang nasa tapat na ako ng kanyang pinto ay dahan dahan kong hinawakan ang door knob nanginginig ako sa sobrang kaba.


Dahan dahan ko itong pinihit at laking gulat ko ng nakita ko si Aaron sa kanyang kama,nakakumot siya at may kasama siyang babae doon .Hindi ko mapigilang hindi umiyak ng umiyak ,parang mapupunit ang puso ko sa sakit.


Narinig ako ni Aaron na humihikbi kaya agad siyang nagising.Mabilis akong naglakad,ngunit agad niya akong nahawakan sa kamay at hinila niya ako


'Let me explain Riza',nagmamakaawa niyang tono


'Wala ka ng dapat pang iexplain Aaron,kitang kita na ng dalawang mata ko.Akala ko ako ang mahal mo at akala ko nagbago ka na.',kaagad kong hinubad ang singsing sa aking daliri at ibinigay sa kanya


'Please Riza,don't to this to me',pagmamakaawa niya


Tinanggal ko ang kanyang pagkakakapit sa aking mga kamay .Hindi ko inaasahang magagawa niya sa akin iyon,ang buong akala ko ay mahal niya ako,na hindi niya magagawang mang babae.At dumiretso ako papunta sa elevator.Tama nga sila 'Cheater is always a cheater' habang nasa elevator ako tinawagan ko si Kevin dahil siya lang ang alam kong takbuhan bukod sa mga kaibigan ko (VIDEBAMA).


'Hello?'


'Nasan ka?'


'Naiyak ka ba?'


'P-pwede mo ba akong samahan ngayon?'


'Nasan ka ba ngayon?'


'Nandito ako sa may cafe malapit sa MARIANO'S HOTEL',


'Okay antayin mo ko'


'Salamat'


Agad ko ng pinutol ang tawag at pinower off ko ang cellphone ko dahil ayokong kausapin si Aaron.Ilang minuto ang makalipas ay dumating na si Kevin kung nasaan ako,agad ko siyang niyapos at napaiyak nalang ako bigla.Umupo kami at tsaka nagusap


'Anong nangyari?',panimula niyang tanong


'May babae si Aaron',patuloy ako sa paghikbi


'San mo gustong pumunta?',tanong niya


'Kahit saan',sagot ko


"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon