Chapter 28: Free

5 0 0
                                    

Kevin pov's

Kanina pa ako sumusunod kay Riza kasi gusto ko na talagang aminin sa kanya ang nararamdaman ko.

Kaso tumakbo siya kaya hinabol ko,hindi naman ako nagpapahalatang sumusunod sa kanya.

Papunta siya sa parking lot at tumigil sandali gusto ko na siyang lapitan kaso bigla siyang humakbang at tumakbo. Hindi ko na siya sinundan dahil baka mahalata lang ako na sunod ng sunod sa kanya.

Nakita ko ang sasakyan na lumabas siguro ay nandon siya sa loob kaya sunakay agad ako sa kotse at sinundan iyon. Patungo sa mall ang direksyon na pinuntahan ng sasakyan ni Riza pero sinundan ko pa rin siya.

Nang bumaba siya ng kotse ay nakita kong magkasama sila ni Aaron, magkahawak ang kanilang mga kamay. Kung sana ako ang nauna ay ako ang sana ang kasama niya ngayon at magpakailan man.

Pero sinundan ko pa rin siya sa sine, sa max's pero sa tuwing nakikita ko ang malaking ngiti sa kanyang mga mukha ay lalo akong nanghihina at nasasaktan, dahil gusto ko na ako ang dahilan ng pag ngiti niya.

Si Aaron parin pala ang mahal niya, ang buong akala ko ay may pagasa sa may mabuong kami pero wala parin pala. Ako ang laging nandyan para sa kanya kapag, nalulungkot siya agad akong pupunta kung nasaan man siya. Handa akong gawin lahat maging akin lang siya.

Buwiset na katorpehan ang dumapo sa akin. Hindi naman ako ganito dati pero kapag tungkol sa kanya ay napapatiklop na agad ako. Pero bakit? hanggang kaibigan lang ba ang pedeng mabuo sa pagitan ko at sa kanya? Hindi ba pwedeng umabot naman sa magka-ibigan?

Pero sana maamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko habang maaga pa,hanggang hindi pa huli ang lahat. Gusto ko na rin aminin sa kanya para mabawasan ang sakit kapag may kasama siyang iba.

Wala akong karapatan magalit, dahil walang kami hanggang kaibigan lang ang pinanghahawakan ko. Palagi ko nalang naiisip na sana ako nalang si Aaron. Ano bang meron siya na wala ako??

Dibale na akong masaktan wag lang siya. Mabuti na rin na may puwang ako sa buhay niya kahit kaibigan lang ang pinanghahawakan ko, kontento na ako.

Nagpunta ako sa bar at uminom ako ng uminom ng napakaraming alak gusto ko munang magsaya.Ilang oras din ang lumipas ay tinawagan ko si Riza mga bandang alas dies ng gabi,ewan ko kung bakit ko siya tinawagan.

'Hello?',agad na imik ni Riza

'I love you'

'Ha'

'I love you,mahal kita'

'Ano bang pinagsasasabi mo diyan?'

'Bakit si Aaron pa,bakit hindi nalang ako Riza?'

'Teka teka hindi kita maintindihan'

'Pwede bang ako nalang Riza?'

'Pero mahal ko si Aaron,Kevin.'

'Gagawin ko lahat please'

'Minahal kita noon Kevin,pero itinigil ko dahil ayokong masira ang kung anong meron tayo'

'Fvck'

Napamura ako gusto kong umiyak ng umiyak.Pero agad akong nakarinig nang parang nagsalpukan at biglang nagsalita si Riza

'Kevin tulong'

'Nasan ka Riza?Nasan ka?',natataranta kong tanong

Ang huling salitang narinig ko mula sa kanya bigla nalang bumagsak ang mga luha ko habang tumatakbo ako papuntang sasakyan.Hahanapin ko siya,kailangan ko siyang iligtas.

tinawagan ko si Annika habang nagmamaneho ako para hanapin si Riza

'Hello Annika,alam mo ba kung nasaan si Riza?'

'Kevin.na-naaksidente si Riza'

'What?Fvck..fvck,....FVCK....sa-saang hospital siya sinugod?'

'Sa Saint Luke's Hospital'

'Sige papunta na ko'

Agad kongpinutol ang tawag at pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital kung nasaan si Riza.Shit!dahil sa akin naaksidente si Riza...hindi ko mapgigilang hindi umiyak,nang dahil sa akin ay pwedeng mamatay si Riza.Dapat inawat ko ang sarili ko na sabihi ang nararamdaman ko dapat di ko siya binigla.

Pagkarating ko sa hospital ay agad akong tumakbo papasok sa loob at nakita ko si Cath,Dhenn,Annika at si Aaron.Agad ko namang tinanong si Dhenn kung nasaan si Riza.

'Dhenn si R-riza?'

'Nasa loob pa siya,ginagamot ang mga sugat na natamo niya mula sa aksidente'

Si Aaron ay tahimik lang na nakaupo,at umiiyak na rin pero hindi niya pinapahalata.Iyak ng iyak si Dhenn dahil ito ang pinaka-kadaldalan niya lagi.

Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Riza,paano kung malala ang kalagayan niya?pwede bang ilipat nalang sa akin ang sakit na nararamdaman niya?Tutal ako ang dahilan kung bakit siya nasa loob ng hospital na to.Maligtas sana si Riza at magpapakalayo layo na ako sa kanya.

Hindi ko na siya guguluhin hahayaan ko nalang siyang maging masya sa piling ng iba hanggat masya siya...Pero huwag kang magalala Riza lagi kitang babantayan saan ka man magpunta,PANGAKO KO YAN SA IYO.

At lagi mong tandaan na mahal na mahal kita at kahit kailan ay hindi magbabago yan,at sana magkaroon parin ako ng puwang sa puso mo kahit konti lang kontento na kontento na ako.Salamat at nakilala kita at dahil sayo nagbago ang gagong Kevin..

Salamat........I'll set you free from now on Riza,please magpakatatag ka lang at lumaban ka,inaantay ka ng mga kaibigan mo,si Aaron,magulang mo at lalo na ako.


"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon