Simula sa araw na iyon lagi ko ng kinakausap si Kevin,kailangan ko naring kalimutan na may pagtingin ako sa kanya dahil ikakasal na ako kay Aaron.Dalawang buwan nalang ay kasal na namin,ang araw ngayon ay February 8, 20** Wednesday.Noong nakaraang linggo nagset ng flight si Mommy at Tita para sa amin ni Aaron papuntang London,kailangan daw kasi naming mamasyal at magrelax kahit papaano.Gusto ko sanang isama ang mga kaibigan ko (VIDEBAMA) kaso dalawa lang ang ticket papuntang London at ayaw rin pumayag ni Mommy at Tita.
Sa linggo na agad ang lipad namin papuntang London,hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko saya ba o kaba dahil kaming dalawa lang ni Aaron ang pupunta doon.
Papunta na ako ngayon sa room ko kasabay ko si Jane nagkasalubong kasi kami kaya eto nagsabay nalang kami.Hindi naman kami nao-op sa isa't isa dahil madalaas kaming nagkukwentuhan sa room kapag walang ginagawa.
Nang makarating kami sa room ay nakita kong nakkaupo na si Kevin sa kanyang upuan at di rin tumagal umupo narin ako sa sarili kong upuan.Pagkaupo ko sa sarili kong upuan ay bigla ng pumasok si Mr.Reyes(professor)at nagsimula agad magturo.Wala akong katabi kasi absent si Mera,at tumayo si Kevin papunta sa tabi ko buti nalang nakatalikod si Mr.Reyes.
'Uyyy',panimula nito
'Bakit',mahinahon kong sagot
'Wala akong kausap?',parang problemadong tono
'Edi maghanap ka',irita kong sagot
'Kaya nga nandito ako ehhh,tss',irita ring sagot niya
'Mamaya na nagtuturo pa si Prof.',ani ko
'Ok lang yan',with his evil smile
'Mr.Ramos and Mrs.De Jesus,may problema ba?',medyo galit na tono ni Mr.Reyes sa amin
'Wala po sir',saby naming sagot ni Kevin
'Yan kasi,ang ingay masyado',pabulong kong sinabi
'Sorna',sabay tawa ni Kevin
Naiirita na ako kay Kevin paano ba naman dinadaldal ako,ayan tuloy napagalitan ako.Mukha siyang tahimik pero akala niyo lang yun,napakadaldal niya pagdating sa akin pero sa iba hindi naman ewan ko dun sa engot na yon.
Hindi pa rin siya bumalik sa upuan niya,nanatili lang siya sa aking tabi.Ilang araw din wala si Mera kaya lagi akong tinatabihan ni Kevin,masaya naman ako dahil katabi ko siya at may nangungulit sa akin.Wala na akong nararamdaman para sa kanya dahil ikakasal na ako at wala nang balak iatras ng Parents ko at Parents Aaron ang kasal.
Isang oras ang lumipas at natapos na rin ang klase namin.Ngayon ay nagpaalam na ako kay Kevin
'Kevin?'
'Bakit Riza?'
'Kita nalang tayo next next week'
'Bakit next next week,ehh may pasok pa bukas?'
'Pupunta kasi kami sa London,mamayang gabi ang flight namin at baka 2 weeks kami roon',
'Mag iingat ka huh?pati yung pasalubong ko wag mong kalimutan?'
'Ikaw pa ba mawawalan,ahhaha'
Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagyakap ng mahigpit sa akin,mabilis rin naman niyang tinanggal ang sarili niya sa pagkakayakap sa akin.Isa't kalahating minuto ay nagpaalam na rin ako sa kanya dahil nagtext na sa akin si Aaron.
Aaron:
Babe,malapit na ako :)Me:
Okay,see you :)Pababa na ako ngayon mula sa 3rd floor para pumunta sa parking lot dahil baka nandoon na si Aaron.
Ilang minuto ang nakalipas ng makarating na ako sa parking lot at may nakita akong lalaki na nakasandal sa kanyang kotse at may dalang bulaklak.Nagulat ako ng si Aaron ang lalaking iyon,Sweet siya sa akin at pinaparamdam ko rin iyon sa kanya dahil ayokong masaktan siya.Ginawa naman niya ang lahat pero hindi ko parin siya kayang mahalin.
Malapit na ako sa kanya,pero pumunta pa rin siya sa akin para ibigay ang bulaklak at kunin ang bag ko.Naramdaman ko ang kanyang kamay na dumapo sa aking baywang para mapalapit ako sa kanya,hindi na ako nagtaka pa dahil madalas niya iyong ginagawa.Hinayaan ko na lamang iyon at nang makarating na kami sa kotse ay agad niyang binuksan ang pinto nito para makapasok na ako at makapunta na siya sa driver seat.
Ilang minuto ang katahimikan sa kotse ay nagsalita si Aaron.
'Nakapag impake ka na ba ng gamit mo?',simple niyang tanong
'Hindi pa,pag uwi ko mamaya tsaka ako magiimpake',sagot ko sa kanya habang may inaayos sa bag ko
'Ahh ok',simple niyang sagot
'Ikaw nakapagimpake ka na ba?',tanong ko sa kanya agad
'OO',tipid na sagot niya
'Excited ka ata masyado',sabay tawa ko
'Syempre tayong dalawa lang ang pupunta sa London',sagot niya with his evil smile
Mahigit kalahating oras ang byahe namin,nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Aaron.
'Nandito na tayo,Babe',ani ni Aaron
'Okay',simple kong sagot
'Sunduin kita mamaya?',malambing na niyang tono
'Magtext ka sa akin kapag malapit ka na?',sambit ko sa kanya
'Okay Babe',tipid niyang sagot with his evil smile again
Pagkatapos niyang sumagot ay hinalikan niya ako sa noo bago ako umalis.Dama ko ang kanyang pagmamahal kahit na isa siyang playboy.Nang makarating na ako sa loob ng bahay namin ay dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagmpake ng gamit,marami pang oras ang natitira para sa pagiimpake ng gamit.Isang maleta lang ang dadalhin ko,pinagkasya ko na lahat ng gamit ko doon at para hindi ako mahirapan pa.Konti lang ang gamit na dinala ko kasi magbabakasyon lang kami baka kami ikasal.
BINABASA MO ANG
"Her One Sided Love"
FanficMay mahal ka ngunit nawala rin yon lumipas ang ilang buwan at nang mawala ang pagmamahal mo sa kanya ay siya naman ang tuluyang nahulog sa iyo. Mas pipiliin mo pa rin ba siya kahit may iba ka ng minamahal??Ang akala natin ay hindo nila tayo napapans...