Nang makauwi na ako ay nanood muna ako ng tv dahil naboboringan ako.Nanood ako ng action,drama at horror movies pero nakatulog ata ako kaya ginising ako ni Manang para kumain ng hapunan.
Ilang araw ko ng hindi nakikita si Mommy at Daddy,alam na rin nila na nagkabalikan kami ni Aaron at itutuloy na namin ang kasal.
Sumugal ulit ako dahil gusto kong mapatunayan niya sa akin na akp ang mahal niya at wala ng iba,oo na selfish ako pag siya na ang pinaguusapan.
Konti lang kinain ko dahil nabusog ako sa popcorn na kinain ko habang nanonood ng movies.Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga na rin ako sa kwarto.Its already 9:00 p.m. medyo maaga pa naman kaso di na kaya ng mga mata ko.
Wala naman akong gagawin bukas dahil Linggo,pero sa tingin ko ay mahalaga bukas,hindi ko maalala kung anong meron.
Pinatay ko na ang ilaw at natulog na rin ako.12 hours akong nakatulog dahil paggising ko ay 8:00 a.m. na,bumangon ako para pumunta sa cr maghihilamos at magsisipilyo muna ako bago bumaba.
Gusto ko kasing tumulong sa gawaing bahay dahil wala naman akong gagawin ngayon dahil nga linggo.Sinabi ko kay Manang na magpahinga muna dahil ako muna ang maghuhugas ng mga plato at magwawalis ng bupng bahay.
Mabilis ko lang nagawa lahat ng yon dahil nga sanay na ako sa gawaing bahay,oo inaalagaan ako ni Manang pero ayokong laging nakaasa sa kaniya.
Ako na rin ang nagluto ng ulam dahil gusto kong kasabay kumain si Manang at ang iba pa.Para ko na rin kasing nanay si Manang dahil simula pagkabata ko ay siya na ang nagaalaga sa akin.
Mga 12:30 ako natapos sa pagluluto at tinawag ko na rin si Manang at ang iba pa para makakin na.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga na ako at natulog saglit at nagising nalang ako ng mga 6:30 p.m. dahil sa katok at boses na narinig ko sa labas.
Tok tok tok~*
'Riza nandyan si sir Aaron'
'Pakisabi po ay bababa na ako'
'O sige'
Umalis na rin naman si Manang dahil wala na akong narinig na boses sa labas.Agad kong sinuot ang tsinelas ko at nagsuklay bago ako lumabas.
Pababa palang ako ay nakita ko na agad si Aaron kaya nagmadali na ako gusto ko siyang surprisahin kaso nakita niya agad ako badtrip eh lol.
'Hi babe'
'Hello babe',sabay halik ko sa kanyang pisngi
Agad naman siyang namula
'Kain tayo sa labas?'
'Sige,papalit lang ako'
Nagmadali akong umakyat ng kwarto para makapagpalit agad ng damit,wala pang limang minuto ay natapos akong magbihis at bumaba na rin naman ako.
'You are so damn beautiful'
'Thank you'
'Let's go?'
'Let's go'
Pumunta na kami sa labas at sumakay na sa kanyang sasakyan,hindi rin nagtagal ay pinaandar niya na ito.Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya nagtanong ako sa kanya
'Saan tayo pupunta?'
'Secret,you'll see later',sabay ngiti niya sa akin
'Okay'
Saan naman kaya kami pupunta ni Aaron?May binigay sa akin si Aaron na blind fold kaya napatanong na naman ako.
'Para san' to'
'Wear that and just relax,okay?'
'Okay'
Hindi ko na dinagdagan ang tanong ko pero ilang minuto ang lumipas ay tumigil ang sasakyan ni Aaron.Kinakabahan ako kung saan kami pupunta.
Bigla nalang nagbukas ang pinto at may humawak sa aking kamay para alalayan ako tinanggap ko naman ito at nakababa naman ako ng ayos kahit may takip ang mga mata ko.
Inalalayan ako ni Aaron hanggang tumigil kami at tinanggal niya na ang blind fold sa aking mga mata.May isang pabilog na lamesa sa aking harapan at sa ibabaw naman nito ay may kandila at bulaklak.Humarap si Aaron sa akin na ikinagulat ko naman
'Happy Monthsary Babe'
Oo nga pala monthsary namin ngayon bakit ngayon ko lang naalala,wala tuloy akong regalo sa kanya.
'Thank you Babe'
Agad ko naman siyang niyakap,kahit anong mangyari mahal na mahal ko parin ang lalaking nasa harapan ko at hindi ako magsasawa na mahalin siya habang buhay.
Hinila niya ang isang upuan para doon ako umupo at ang buong akala ko ay uupo na rin siya pero umikot siya at lumuhod sa aking harapan.
'Oo alam ko nagkamali ako noon Riza,pero pinagsisisihan ko yun dahil iyon ang pinakamalaking pagkakamali na ginawa ko sa buong buahay ko.Masaya ako na binigyan mo ulit ako ng second chance,now I want to prove that Im really really really inlove with you........WILL YOU MARRY ME AGAIN?'
'YES,Aaron...YES'
nangilid agad ang mga luha ko habang sinusuot ni Aaron ang singsing at niyakap niya agad ako ng maisuot niya na sa akin.
'Thank you Riza,hinding hindi ka magsisisi na sinagot mo ako'
Lalo niya akong niyakap ng mahigpit.Umupo na rin naman kami ng matapos ang kanyang proposal hindi ko parin maiwasang hindi umiyak kaya kumuha ako ng tissue para mapunasan ang aking mga mata.
Hinawakan niya ang aking mga kamay kaya sinuklian ko to ng ngiti.Hindi ko maipaliwanang kung gaano ako kasaya ngayong araw.
Ituturing ko itong one of the most day ever.
'Thank you Aaron for making me happy'
'No,thank you Riza for making me happy and for giving me a second chance',at tsaka niya hinalikan ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
"Her One Sided Love"
FanfictionMay mahal ka ngunit nawala rin yon lumipas ang ilang buwan at nang mawala ang pagmamahal mo sa kanya ay siya naman ang tuluyang nahulog sa iyo. Mas pipiliin mo pa rin ba siya kahit may iba ka ng minamahal??Ang akala natin ay hindo nila tayo napapans...