Chapter 19: Please

8 0 0
                                    

Pumunta kami sa dagat.Kulay puti ang buhangin,sobrang linaw ng tubig at kulay asul ang langit.

Kay sarap ng simoy ng hangin kaya naupo muna ako at umupo na rin si Kevin sa aking tabi,pinilit kong huwag umiyak pero bigla nalang may tumulo sa aking mga mata.Hindi ko tuluyang maisip kung bakit niya iyon nagawa sa akin,hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina

Agad ko namang pinunasan ang aking pisngi dahil sa mga luhang tumulo galing sa aking mga mata.Gusto ko pa sanang magtagal dito kaso masyado na akong pagod

'Kevin gusto ko ng umuwi?',Pagpilit ko

'Kalahating oras palang tayo nandito,hayaan mo munang makapagrelax ka',pagkukumbinsi niya

'Sa bahay nalang siguro ako magpapahinga',medyo pagod kong tono

'Okay,halika na',ani to

At bigla na siyang tumayo,inilahad niya sa akin ang kanyang kamay upang makatayo ako at tinanggap ko naman iyon.

Pumunta na kami sa kanyang sasakyan at pumasok na sa loob,nang sinimulan niya na itong paandarin, ayaw nitong umandar mukhang nasiraan ata kami

'Mukhang nasiraan tayo?',tanong niya

'Kaya mo bang ayusin?',pagaalala ko

'Oo naman,mabilis lang to',pagmamayabang niya sabay tawa

'Sige na ayusin mo na para makauwi na ko',sabay tawa ko ulit

Bumaba na siya ng sasakyan para ayusin ito at nanatili nalang ako sa loob ng sasakyan.Magiisang oras na bago niya iyon natapos at mabuti nalang ay gumana na iyon.

Umalis narin naman kami sa dagat ng gumana na ang sasakyan ni Kevin .Habang nasa loob kami ng sasakyan niya ay nagdesisyon nalang muna akong matulog.

Nagulat nalang ako ng may biglang tumapik sa aking balikat,agad ko namang kinusot ang aking mga mata upang maidilat iyon

'Nandito na tayo',seryosong tono ni Kevin

'Salamat nga pala sa pagsama at paghatid sa akin,babawi ako sayo promise',palambing kong tono

'Talaga lang huh?',sabay tawa niya

'Oo nga kahit ano pa yan',sabay tawanan naming dalawa

Bumaba na rin ako sa kotse niya at muling nagpaalam sa kanya,papasok na ako ng gate ng may biglang nagsalita sa likod ko

'Goodafternoon ma'am',ani ni Manong Ivan

'Goodafternoon din po,nagulat naman po ako sa inyo Manong',sabay halakhak ko

Nang makapasok na ako sa bahay ay biglang napawi ang mga ngiti sa aking mukha,may nakita akong nakaupo sa sofa at ang taong iyon ay si Aaron.Agad naman siyang tumayo at nagpunta sa akin

'Riza we need to talk?',panimula nito

'Wala na tayong dapat pang pagusapan Aaron',malamig kong tono

'Riza,pakinggan mo muna ako,im so fucking in love with you please please...',pagmamakaawa niya

'Sana ay bago mo gawin iyon ay pinagisipan mo muna',medyo naluluha kong sagot

'Aksidente lang yon Riza,please pakinggan mo muna ako?',sabay hawak niya sa aking mga kamay

'Ayoko na Aaron,nakapagdesisyon na ako na ipatigil ang pagpapakasal natin',pilit kong ngumiti sa harap niya

'No Riza please please please,parang awa mo na ituloy natin ang kasal',pagmamakaawa niya

'Nakita ko na ang dapat kong makita Aaron',huli kong sagot

Tinanggal ko ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa akin at dumiretso na ako sa aking kwarto,hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Mas mabuti pa sigurong magpahinga muna ako baka sakaling makapagisip isip ako ng mabuti

"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon