Chapter 21: Space

8 0 0
                                    

Nang magising ako nagtaka ako kung bakit iba ang kulay ng paligid at agad akong nakarinig ng isang boses lalaki kaya bigla akong napatayo. 

 'Ok ka lang ba?masakit pa ba ulo mo? 

 'Hmmm medyo,teka nasan ba ko?'  

'Nandito ka sa bahay ko, hindi na kita naiuwi sa bahay niyo gabi na kasi masyado...gusto mo bang kape?para mawala yung sakit ng ulo mo'

'Okay'

Umalis si Kevin para magtimpla ng kape .Medyo masakit pa ulo,nasobrahan ata ako sa inom kagabi.Mawawala naman siguro sakit ng ulo ko kapag uminom ako ng kape.

Limang minuto ang makalipoas ay bumalik si Kevin para ibigay sakin yung kape na tinimpla niya.

'Ohh ito na yung kape dahan-dahan masyado pang mainit'

Hinipan ko muna yung kape bago ko ininom para hindi mapaso dila ko.Nagpapasalamat ako kay Kevin kasi siya yung laging nandyan para sa akin kapag malungkot ako siya lagi yung sandalan ko.Hindi narin naman ako nagstay ng matagal sa bahay nila Kevin dahil may kailangan akong gawin.

Nang ihatid ako ni Kevin sa bahay namin dumiretso na ako sa kwarto ko dahil medyo masakit pa talaga ang ulo ko at inaantok pa ko.Kahit uminom ako ng kape hindi naman nawala,natulog nalang ulit ako kaysa gumawa ng kung ano ano

Medyo mahaba haba rin ang tulog ko pero may naramdaman ako kaya iminulat ko ang mga mata ko at si Aaron ang nakita ko

'Anong ginagawa mo dito?'kaya bigla akong napaupo

'Tinawagan ako ni Tita para alagaan ka'

'Hindi mo ako kailangang alagaan,kaya ko ang sarili ko'

'Pero may sakit ka'

'Okay na ako Aaron,kaya umalis ka na'

'Hindi ako aalis dahil may sakit ka pa Riza'

'Ano bang pakialam mo huh?'

'Fiance mo ako kaya may pakialam ako sayo'

'Fiance?wala akong natatandaan na may fiance ako'

'Ano ba ang dapat kong gawin mapatawad mo lang ako,just f*cking tell me Riza I will do everything for you?'

'Wala ka nang magagawa Aaron ayoko na'

'Please Riza bigyan mo ako ng second chance'

'Bigyan mo muna ako ng space para makapagisip isip Aaron'

Di rin nagtagal ay umalis na rin si Aaron dahil sa pagpupumilit ko sa kanya na umalis na dahil  ayokong maalala pa ang nangyari. Humingi nalang akong gamot kay Manang para medyo mabawasan ang sakit ko at natulog nalang ulit ako para makapagpahinga ulit.

Ilang days din bago mawala ang sakit ko.Ngayon ay focus na focus na ako sa studies ko para maging honor ulit ako pero hinahanap hanap ko parin yung taong susundo sa akin kapag wala na akong klase,yung taong mahal na mahal ako na hinding hinding hindi ako iiwan pero kailangan kong tanggapin na hanggang dun nalang talaga na ang isang mali ay panghabang buhay ng mali.

Sana isa nalang itong imahinasyon.Agad kong kinuha ang cellphone ko ng may tumawag sa akin si Cath.

'Hello?'

'Nasan ka ba?'

'Oo tekA lang malapit na ako'

Pinutol ko rin naman agad yung tawag kasi malapit na naman ako sadyang may nakita lang akong nagtitinda ng cotton candy kaya ako napatigil at the end hindi ako nakabili kasi marami ang nabili.Hindi na ako pumila kasi masyadong mahaba kaya pumunta nalang ako sa Cafe kung saan nandon mga kaibigan ko (VIDEBAMA).

'Bakit ba ang tagal mo?'iritang tono ni Cath

'Nakakita lang kasi akong cotton candy',pagdadahilan ko

'Eto naman si Cath masyadong hard',pagtatanggol ni Dhenn

'Alam mo naman yan si Riza may pagkaisip bata',pagtatanggol naman ni Annika

'O sige na',Hindi pa rin mawala ang irita sa tono ni Cath

Umorder narin naman kami ng pagdating na pagdating ko,konti lang nakain ko kasi gusto ko talaga yung cotton candy habang sila naman ay enjoy na enjoy sa pagkain.Matagal tagal rin kaming nagkwentuhan dahil nga namiss namin ang isa't isa.Medyo hectic na kasi ang mga sched namin lalo na't malapit na mag end ang school year.

Mahigit dalawang oras din kami sa Cafe at bumalik na kami sa school sabagay malapit lang itong Cafe sa school kaya hindi naman kami malelate.Masaya ako ngayong araw kasi agkakasama kami,dahil sa kanila nabubuo ang araw ko (kahit ahahhaa...charr)*

Ngayong araw ay parang bumibilis ang oras.Mabilis lang kasing natapos ang klase namin kaya pumunta ako sa parking lot dahil nagdala akong kotse para hindi na ako magpapasundo kay Manong pati baka matripan kong gumala gala sa mall.

Pero laking gulat ko ng may humigit sa mga kamay ko.........
















"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon