Chapter 14: Fallen

13 0 0
                                    

Dalawang oras ang lumipas ay dumating na rin si Aaron para sunduin ako kaya bumaba na rin ako kaagad.Hindi na kami nagtagal sa bahay dahil baka malate kami sa flight papuntang London.Siya na ang nagdala ng maleta ko papunta sa kotse niya at nilagay niya ito sa likod.

Pagkatapos niya iyong gawin ay binuksan niya na ang pinto sa front seat para makaupo na ako.Tahimik lang kami sa loob ng kotse,medyo natraffic kami at mabuti nalang ay hindi kami nalate.

Nang makarating na kami sa airport ay kinuha niya na ang passport ko at ang kanya sa bag ko.Umupo muna kami habang naghihintay,ilang minuto na lamang ay lilipad na papuntang London.

Hindi narin naman nagtagal dahil tinawag na lahat ng pasehero para makasakay na sa eroplano patungong London.Excited na excited na ako.

Nang makaupo na kami ay agad kaming nagpahinga ni Aaron dahil sa pagod at para maaga kaming magising at masulyapan ang ulap

Mabilis lang naman ang byahe.Nang magising kami ng umaga ay nagserve ang isa sa mga flight attendants ng breakfast.Kalahating oras ang makalipas ng matapos  kaming kumain at pinababa na rin lahat ng makatungtong na ang eroplano sa London.

Pagka punta namin sa London ay namasyal muna kami ng namasyal,nang nakaramdam kami ng pagod ay pumunta kami sa hotel para magcheck in.Ilang minuto lang ay nakapasok na kami sa kwarto at dinala ng bellboy ang maleta namin,malaki naman ito,maganda ang sala,ang banyo,at maganda rin yung kama dahil walang ni isang gusot ito.

Agad akong humiga sa kama upang damahin ang lambot nito.Gusto ko ng matulog pero maaga pa masyado kaya magluluto nalang ako at medyo nagutom ata ako sa pamamasyal namin,kaya tinanong ko si Aaron.

'Babe,Anong gusto mong kainin?',tanong ko sa kanya habang  papatayo mula sa kama

'Hmm??',nagiisip niyang tono

'Dali,ipagluluto kita',pasweet kong tono

'Pasta nalang,favorite ko yun',aniya

'Okay babe',sagot ko sa kanya

'Salamat Babe',ani nito ng nakangiti

Nagsimula na akong pumunta sa kusina para magluto ng pasta.Marunong akong magluto pero hindi ganoong karami ang alam kong  lutuin,pero at the end masarap akong magluto.

Habang nagluluto ako bigla kong naramdaman ang yakap ni Aaron mula sa aking likod at bigla niya akong hinarap sa kanya para mahalikan niya ako sa labi.Shit* ang init ng halik niya parang nangangatog ang mga tuhod ko,gusto kong tagalan ang paghalik niya kaso may niluluto akong pasta.

'Babe,yung niluluto ko?',agad kong salita

'Hayaan mo na yan',habang patuloy niya akong hinahalikan

'Hindi pwede',tanggi ko naman sa kanya

Dahil baka mamaya masunog yung niluluto kong pasta,kaya napilitang pumunta si Aaron sa sofa para mannood nalang ng T.V .Ilang minuto ang nakalipas ay naluto na rin ang pasta.Niligay ko rin iyon aa pinggan para representable kung tignan,pagkatapos kon gawin iyon ay pinuntahan ko si Aaron sa sofa para yayain na siyang kumain.

Nang makarating na ako sa likod niya ay nagbabalak akong halikan siya sa pisngi kaso bigla siyang humarap sa akin kaya sa labi ko siya nahalikan.Siguro ay naramdaman niya na pahalik na ako sa pisngi niya kaya humarap siya para sa labi niya mapunta.Agad naman akong tumayo ng tuwid para yayain na siyanh kumain,bigla akong namula dahil sa nangyari

'Halika na kain na tayo',ani ko

'Sige babe',sagot niya naman agad

Agad naman siyang tumayo at naglakad na ako papuntang dinning area.Naubos namin ang niluto kong pasta dahil sa sobrang sarap,pumunta kami sa sofa para manood ng T.V aat makapagrelax muna.

Nagising ako ng may naramdaman akong tapik sa balikat ko kaya agad kong ginusot ang mata ko at nakita kong si Aaron iyon .

'Babe gising na,kain na tayo nagpadala nalang ako ng pagkain para hindi ka mabitin sa tulog mo',ani ni Aaron

'Thank you Babe',agad kong bangon sabay halik sa kanyang pisngi

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa lap ni Aaron habang nanonood ng T.V kanina,medyo mahaba haba rin ang tulog ko.

Tumayo na rin ako para makapunta sa dinning area at makakain na ng hapunan.Habang nakain kami ay nagkwentuhan kami ni Aaron.

'Babe,ilang buwan nalang kasal na natin,excited ka na ba?',tanong niya

'Oo naman',sabay ngiti sa kanya

Tuluyan na nga akong nahulog kay Aaron,nung una ay ayoko sa kanya dahil playboy siya pero sumugal na rin ako dahil sigurado na ako na  mahal na mahal ko siya.

Kalahating oras ay nakatapos na kaming kumain,at natulog na rin kami kaagad.Magkatabi kaming natulog ni Aaron sa kama at ilang oras ay nakatulog na rin kami,naramdaman ko ang yakap ni Aaron habang natutulog ako,mainit ang mga yakap niya kaya mas lalo akong nakatulog ng mahimbing.










"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon